Nora Aunor and co-stars now shooting Dementia in Batanes

Nora Aunor (left), Chynna Ortaleza (right), and other Dementia stars are in Batanes to shoot this horror-suspense drama directed by Perci Intalan.



Nagsimula na ang principal photography ng Dementia, ang bagong pelikulang pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor.

Ang Dementia ay isang horror drama, mula sa direksiyon ni Perci Intalan, former TV5 executive, who also co-wrote the story. He produces the film (for Octobertrain Films) with award-winning screenwriter and director, Jun Lana.

Isa lamang ito sa apat na pelikulang nakatakdang tapusin ni Ate Guy (Nora's monicker) ngayong 2014. Nauna na niyang tinapos i-shoot ang Padre de Familia, with Coco Martin, directed by Adolf Alix Jr; at nakatakdang simulan ang Whistleblower (also by Direk Adolf) in April; at ang 2014 Cinemalaya entry ni Ate Guy na Hustisya, written by Ricky Lee and directed by Joel Lamangan.

Last Wednesday, March 19, nagsimula ang Dementia shoot, involving Nora Aunor and her co-stars namely Jasmine Curtis Smith, Yul Servo, Lou Veloso, Lui Manansala, Bing Loyzaga, Chynna Ortaleza, and newbies Althea Vega and Jeric Gonzales.

"Masaya ako dahil, siyempre, kahit papa'no, hanggang ngayon, hindi lang yung mga kasing-edad ko ang nakaka-eksena ko [sa pelikula at telebisyon], kundi ang mga baguhan din, na magagaling!" sabi ni Ate Guy sa taga-media, including PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at an earlier story conference for the film.

Sa Basco, Batanes, tumulak ang grupong kinabibilangan ng direktor na si Perci Intalan, last Wednesday, March 19; including line producer Ferdinand Lapuz; cinematographer Mackie Galvez, at iba pang kabilang sa production team led by assistant director Lorna Sanchez, production assistant Brendan Belmonte, talent coordinator Angelito "Check" Ticsay, among others.

Mula sa Facebook post ni Lapuz, unang napag-alaman ng PEP ang mga naging kaganapan sa isinagawang filming:

"Finished two days shooting of Dementia," wrote Ferdie Lapuz, who oversees the film's production.

"Batanes is not only stunning place to visit," pahayag pa ni Lapuz. "The people are very warm and kind. It is only in this place where Filipinos greet you on the streets; a child would ask, 'what is your name?'; say 'hello' when they see you, whether they are walking, sitting in the park or riding a bike. It is a must place to visit in our country..."



DEBUTING FILM DIRECTOR. Sa unang dalawang araw ng shooting nina Direk Perci at Ate Guy, among other cast members, ay tila "on-hold" ang anumang ulat tungkol sa Dementia.

Ngunit napag-alaman ng PEP na ang pangyayari ay bunga umano ng mahirap na sitwasyon sa napiling location; mahina ang signal at malayo sa mga Internet cafes sa panahong nasa malayong isla at bulubundukin ang shooting.

Good thing, nakapag-check din online ang debuting director na si Perci Intalan at nagpadala siya ng mensahe sa PEP noong March 21.

"Ok naman ang shoot," sabi ni Perci. "Really happy with what we shot and happy ako na napakahusay at napaka-supportive ng cast, staff, and crew.

"Ang galing ni Ate Guy, of course... pero tumutodo rin ang mga kasama niya sa cast!

"And siyempre, pati staff todo bigay at todo effort!"



SEASONED CO-ACTORS. Ang Dementia ay tungkol sa misteryong bumabalot sa pagkatao ng isang babae; a woman past midlife (Nora Aunor) na wari'y biktima ng madidilim na tagpo at pangyayari sa nakaraan niyang buhay.

Last January ay nag-shoot sina Ate Guy at Jasmine, para sa teaser/ad ng pelikula, and it was appreciated by the public na nakapanood ng naturang "sizzle reel" sa YouTube and various online sites.

This time, sinimulan na ang shooting at nagtagisan sa husay sa pagganap ang iba pang aktor at aktres na kasama sa naturang proyekto.

Tuwang-tuwang naibalita ni Chynna Ortaleza na hindi siya nakatulog nang malamang siya ang napiling gumanap bilang younger sibling ni Ate Guy sa pelikula.

Like Jasmine before her, Chynna was overwhelmed sa naibigay na pagkakataon.

"Once in a lifetime ito, mahirap palampasin!" sabi ni Chynna sa PEP interview.
Ginagampanan ni Chynna ang papel ni Olivia, ang namayapang kapatid ni Mara (Nora); a ghostly apparition.

On her part, mas vocal si Bing Loyzaga sa naramdaman nang maiparating ang magandang balita na kasali siya sa cast ng Dementia.

"May invite ako to watch Bruno Mars concert, sa Cebu; tapos heto ang tawag, 'o, kasali ka raw sa cast ng Dementia, with Nora Aunor...'

"Ha? E, siyempre, Ate Guy yan... baka hindi na maulit ang pagkakataon; si Bruno Mars may mga cd naman, at babalik pa yan. Weigh-weigh... si Ate Guy, siyempre ang mas aangat!" kuwelang banggit ni Bing, who plays Nora's loyal caretaker.

Ganito rin, more or less, ang pahayag ng baguhang aktor at Protege winner na si Jeric Gonzales.

"Masaya po ako dahil first movie ko pa lang po ito, na si Ms. Nora Aunor ang bida... hindi naman laging mabibigyan ng ganitong pagkakataon ang isang baguhan na tulad ko."

Ginagampanan ni Jeric ang papel ng isang binatang tubong Batanes; na may mahalagang naging bahagi sa kinakaharap na sitwasyon ng karakter ni Ate Guy.

Sabi naman ng veteran actor na si Lou Veloso, sa pagta-trabaho nila muli ni Ate Guy sa bagong proyekto, "Guy never changed. Ganu'n pa rin siya, mahusay. Wala pa siyang masyadong ginagawa niyan, ha..."

Ang muling maka-trabaho si Ate Guy, sa isang major film production like Dementia, ay isa uling wish fulfillment para kay Yul Servo.

"Matagal na rin nang huli kaming magkasama, sa Naglalayag," sabi ni Yul, referring to his and Ate Guy's romance-drama (shown in 2004) na dinirek ng mentor na si Maryo J. delos Reyes.

"Malaking karangalan talaga, sa sinumang aktor, ang maka-trabaho siya. She's a great artist!" wika pa ng actor-politician who plays Bing Loyzaga's husband.

Bukod sa mahusay na aktor, tuwang-tuwa si Ate Guy sa prospect ng pagta-trabaho nilang muli ng konsehal.

"Naku, nakita ko na naman si Yul, na guhit na lang ng mata ang makikita 'pag ngumiti!" paglalarawan ni Ate Guy.




EXCEEDING EXPECTATIONS. Sa mga unang pagkakataon ng pagta-trabaho sa isa't isa ay nothing but good words ang nababanggit ng mga artista at writer-director para kay Ate Guy.

Nabanggit sa PEP ni Boy Palma, ang personal manager ni Nora Aunor, na malaking bahagi sa maayos na daloy ng trabaho sa produksiyon ang positive outlook ng baguhang direktor na si Perci Intalan.

"He's very organized, na plantsado ang bawat schedule ng shooting everyday!" sabi ni Boy Palma.

"Particular si Perci sa time, o sa punctuality ng lahat sa production; mula sa cast hanggang sa staff at crew. Pag naka-schedule nang ganitong oras, ganitong oras talaga nagsisimula ang trabaho.

"I've never expected more than what he delivered, at so far, hindi nakaka-stress ang shootings namin, with him as director.

"'Cause he finishes his scenes on time; sa four days namin, hindi pa kami nag-o-overtime.

"Guy starts at 7am, so kung anong naiwang eksena, babalikan niya yun on another day.

"Kaya hindi pagod at stressed si Ate Guy.

"At masaya ang shooting, dahil kasundo niya ang lahat sa set. 'Yon naman ang sikreto para mas mapadali at mapagaan ang trabaho."

Nakatakdang matapos ang shooting ng Dementia by the second or third week of April. The producers are eyeing a September 2014 playdate for the film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN