Sunshine Dizon says she might leave showbiz if her husband returns to being a commercial pilot

Sunshine Dizon (in photo) plays one of the three wives of Allen Dizon's character in the indie film Sitio Camcam.



Unang pagkakataon na makagawa ng indie film ng GMA-7 actress na si Sunshine Dizon ang Sitio Camcam. Nagkataon na si Direk Joel Lamangan pa ang director na ilang beses na niyang nakasama sa ibang proyekto dati.

Sabi naman ni Sunshine nang makausap namin sa shooting ng pelikula sa Cavite noong March 22, kasama sa bucket list niya ang makagawa ng indie movie.

“Well, way back, there was one offered to me, pero, hindi nag-materialize. Pero ito, na-offer nga and then, they said that they will work around my schedule. Kasi nga, ang taping ko ng Villa Quintana is three times a week.

“M-W-F ako, so, sila ang mag-a-adjust daw. They will find a way kung paano mag-work-out. Okay naman and ‘yan, pati Linggo pinatulan nila. Pero, ngayon lang naman, as much as possible, I don’t work on Sunday, family day ko yun,” saad niya.

Kumusta naman ang indie environment sa kanya?

“Actually, napaka-suwerte ko nga raw kasi, ang nae-experience ko, naka-tent, naka-aircon, so, napaka-suwerte ko raw. Feeling ko, nagte-taping lang ako.”

Malaking bagay sa kanya na si Direk Joel ang director ng una niyang indie?

“Oo naman, I love Direk Joel. He’s my super favorite director and ano talaga, I’m thankful din na parang I waited. Parang yung una rin na the first one that was being offered to me na hindi natuloy. Kasi ako, I go by faith.

“Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga. Kung hindi para sa ‘yo, hindi talaga. Baka ito ang para sa akin talaga and I’m very thankful na it’s Direk Joel. I don’t know, marami namang ibang director na magagaling but it’s a very good experience to work with him, masarap.”


Isa sa mga “babae” ni Allen Dizon sa pelikulang Sitio Camcam si Sunshine Dizon.

“Mahirap i-explain ang role ko rito kasi, masyado give-away, basta, I meet someone and then, I have the change of heart. Basta ako yung babae niya na may hawak ng mga illegal na negosyo niya.”

Naging usap-usapan agad ang pelikulang ito ni Direk Joel Lamangan na pino-prodyus ng Heaven’s Best dahil sa balitang pagiging daring ng pelikula. Ito ang dahilan daw kung bakit nag-back out si Charee Pineda na pinalitan na ngayon ni Jackie Rice.

Hindi pa namin tapos ang tanong kay Sunshine kung siya ba ay meron din love scene, sumagot na agad ito nang, “Ako wala. Hindi pa tapos, ‘di ba, sinagot ko na. Wala, wala ako,” natatawa niyang sabi.

Bago ba niya tinanggap ang proyekto, sinigurado muna niyang wala nga siyang kissing scene?

“Hindi naman, nagkataon lang na that was the role that was offered to me. At kung meron man, sasabihin ko naman agad na hindi ko talaga kaya. Noon pang unang panahon, alam na ni Lamangan ‘yan na hindi ko talaga kaya.

“Daya lang lahat.”

Natatawang sabi pa niya, “Kung kailan pa nagdalawa ang anak ko saka ko gagawin.”

Isa sa maituturing na mahusay na aktres si Sunshine. Pero dahil nagbibigay na siya ng limitasyon na hindi siya puwede sa mga kissing at bed scenes, nararamdaman ba niya na posibleng malimitahan ang puwede niyang gawin na proyekto?

“Hindi ko rin naman kasi pinangarap na mag-bed scene, so, hindi ako nalilimitahan. Marami pa akong puwedeng gawin pwera doon.

“Ayaw ng fans,” natatawa niyang sabi.



ON ANTOINETTE TAUS. Ang dati niyang kasabayan sa Anna Karenina na si Antoinette Taus ay nasa bansa at balitang plano nitong ipagpatuloy na ang showbiz career rito.

Nagkita na ba silang dalawa bilang sa Angeles daw ito naglalagi at si Sunshine naman ay sa Pampanga nakatira?

“Hindi pa, the last time she texted me, nasa Angeles nga raw siya. Pero, nagkataon naman na yun ang sunod-sunod ang taping namin at first day shooting ko nito. Tapos, pumunta pa kami ng Davao para sa promo ng VQ [Villa Quintana] so, walang time.

“Pero I think, she’s staying naman for good at taga-Guagua lang naman ako. I’m sure, magkikita rin kami niyan, the schedule was really tight lang and I’m leaving for the States on April 13, birthday ng anak ko.”


Dapat isang buwan ang bakasyon nilang pamilya, pero, dahil nag-extend ang Villa Quintana ng walong linggo pa kaya pinapakiusapan daw siya na three weeks na lang sila sa United States.

Aniya, “Dapat kasi end of March, tapos na. So, na-book ko na siya way before. Hindi naman namin ine-expect na magkakaroon ng extension. Pero okay naman, puwede naman dahil kumbaga, mag-a-advance-advance na lang.

“Yun na lang ang request, to cut it short dahil baka matagal na ang one month.”

Noong bumalik daw siya, isang taon pa lang ang pinirmahan niyang kontrata. Pero ngayon, may bago raw siyang kontrata ng panibagong tatlong taong kontrata.



BALANCING FAMILY LIFE. Noong March 25, ika-apat na taong anibersaryo na raw ng kasal nila ng mister na si Timothy Tan.

Aminado si Sunshine na may mga nabago talaga mula ng mag-asawa at magka-anak siya.

“Dalawa na anak ko, e,” saad niya.

“Ang difference lang naman ngayon with regards to my working schedule, yun lang, nagre-request lang ako ng ample time na makauwi ng maaga. Huwag naman yung putok-araw gang.”

Ano ang cut-off-time niya?

“Huwag na nating pag-usapan yun at ayoko ng intriga. Pero, binibigyan naman nila ko ng sapat na oras para mag-trabaho at makauwi. Ganun na lang yun.”


Sa ngayon, hindi muna raw tumatanggap ng commercial flight ang mister niya at nag-aaral itong muli para maging Flight Instructor para mas flexible ang oras niya para sa mga anak nila. Parang agreement na raw nila na kapag si Sunshine ang mas busy sa trabaho, si Tim ang mas nakatutok sa mga anak nila.

Pero, iba na ang outlook ni Sunshine ngayon.

Kung sakali raw na mag-decide na bumalik sa pagiging commercial flight pilot ang mister niya, siya raw ang hihinto.

“If ever he would have less time for the kids, I might decide on stopping.”

Naisip niya yun?

“Oo, hindi ko ipagdadalawang-isip yun. Kapag tinanong mo ako sa mga anak ko, I would drop anything for my children. At una sa lahat, pamilya muna. Itong buhay natin will come and go but your family is your family.

“You may fail with other things but the biggest failure siguro is hindi mo naiayos ang pamilya mo. And hindi mo na maiaayos yun at saka yung presence mo sa mga anak mo.

“Basta I see to it when my children needs me, nandoon ako. And when I’m home, I’m a mom. Kahit saan kami makarating, Nanay ako. Hindi ako artista. Kapag tapos na ang trabaho, Nanay ako. Period.”


Sa Guagua, Pampanga talaga umuuwi si Sunshine. Pero, plano rin daw niyang kumuha ng bahay sa Manila kapag nag-aral na sa big school ang dalawang anak niya.

Yung bahay raw nila sa White Plains ay binenta na rin nila at nang mag-asawa raw siya at tumira sa Pampanga, ibinenta na raw nila lahat ng properties nila maliban sa bahay ng Mommy niya sa Ilocos at sa Antipolo.

Sabi pa ni Sunshine, “Akala ko rin naman kasi hindi na ako magta-trabaho. Apat na taon akong hindi nag-trabaho, ‘di ba?”

Ang nasa isipan niya talaga noon, hindi na mag-aartista?

“Oo, ganun. Uunahin ko ang pamilya ko at saka, hindi ko rin naman iniisip noon na things will turn out this way. Unang show na inoffer sa akin, one season, biglang nag-seven months. Yung second naman, six months, biglang nag-extend na naman.

“Sabi ko nga, bakit naman noong panahon na busy ako, ang pelikula, hindi ganoon karami. Ngayon naman, kakasimula ko lang, may ino-offer na si Dennis [Evangelista].”

Napag-alaman namin na ang inaalok kay Sunshine na isa pang indie movie ay ang Hustisya kasama ang Superstar na si Nora Aunor.

(To learn more about Hustisya, CLICK HERE)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN