Echoserang Frog, starring Shalala, will hold premiere tonight

Shalala (right) plays the lead character in the comedy film Echoserang Frog, which will be screened in cinemas starting April 2, 2014. Angelo Patrimonio (left) and Kiray are some of the supporting cast members of this movie.




Gaganapin ngayong gabi, March 31, at 7 p.m. sa Fisher Mall, Quezon City ang premiere night ng Echoserang Frog. Ito ang launching film ni Shalala na dinirek ni Joven Tan and produced by Scenema Concepts.

Sa presscon na ginanap a few weeks ago, ipinaliwanag ni Direk Joven na binigyan nila si Shalala ng solo film para makagawa na isang nakakaaliw na pelikula. "We just want the people to be entertained. Wala naman pretension ang pelikula namin. Gusto lang namin na makapagbigay ng aliw sa mnga tao. Hindi naman mabigat ang tema ng movie,” sabi ng former showbiz magazine editor-turned-director.

Para kay Direk Joven, deserving si Shalala na mabigyan ng chance na magkaroon ng solo movie tulad ng mga ginawa for Vice Ganda at Joey Paras. “Kung pareho ang mileage like kung may network na magba-back-up sa kanya, kung may noontime show na mae-expose siya regularly, o kaya may major film outfit na susugal sa kanya like what happened to Vice and Joey, pwede naman siya bigyan ng chance,” dagdag pa ng director ng Echoserang Frog.

Tungkol sa travails ng paggawa ng isang indie film ang kuwento ng Echoserang Frog. Pinamanahan si Shalala ng P1 million at naisipan niya na gumawa ng isang indie film. Yung process na paggawa ng indie ang siyang framework ng kuwento.

“Ipapakita namin sa movie ni Shalala ang normal na nangyayari sa isang isang production ng indie film like sa casting, catering, budgeting, yung mga realidad sa paggawa ng movie. Hindi kami nagpapatawa pero the situations are funny,” kuwento pa ni Direk Joven.

Basta bumalik lang ang kanilang puhunan ay happy na sila, ani Direk Joven. Ang mga guest stars ay sina Derek Ramsay, Alvin and Angelo Patrimonio, German Moreno, Edgar Allan Guzman, Lilia Cuntapay, Kiray, Amy Perez, at marami pang iba.

“Nakakatawa naman ang movie. It’s a type na hindi mo dapat seryosohin but you will watch for the sheer fun of it. Para lang maging masaya ka. Magtawanan lang tayo sa movie,” natatawang sabi ni Direk Joven. “Wish ko na bumalik ang puhunan para makagawa uli kami ng isa pang movie.”

Direk Joven also revealed that he invested part of his prize money in winning sa Himig Handog songwriting contest last year para sa production ng Echoserang Frog.

For his part, inamin ni Shalala na mas lalo siyang kinabahan nang malaman na ipapalabas na ang kanyang solo movie. "Pakiramdam ko ay parang mamatay ako sa nerbyos. Sumasakit ang tiyan ko at di ako makatulog," wika ni Shalala who is celebrating his 18th year sa showbiz.

Si Kuya Germs o German Moreno ang nagbinyag sa kanya ng pangalang Shalala ngunit ang tunay niyang pangalan ay Tolites Reyes. Nagsimula si Shalala bilang ad-promo coordinator sa Viva Films.

"Hindi pwedeng wala si Kuya Germs sa movie ko dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung anuman ang na-achieve ko sa ngayon, malaking bagay doon ay dahil kay Kuya Germs dahil siya ang unang nagtiwala sa akin na may puwang ako sa showbiz," sabi pa ni Shalala.

Nagdadasal si Shalala na kumita ang Echoserang Frog pero realistic siya na maaaring modest ang kikitain ng launching movie niya. Basta bumalik lang ang puhunan ng mga producers niya ay happy na siya. Kung humigit pa roon ay bonus na.

"Wala naman kaming malaking network to back us up sa promo pero lubos akong magpapasalamat kung kami ay panonoorin ng mga tao. Gusto ko rin magpasalamat sa mga kaibigan kong mga artista na nagpaunlak para mag-guest sa Echoserang Frog. I will be forever be grateful sa kanilang suporta," wika pa ni Shalala.

Hindi raw niya naisip na one day ay magkakaroon siya ng launching movie. Happy na raw siya na lumabas in small roles in movies like Enteng Kabisote kung saan lagi naman daw siyang napapatay agad o kaya multo ang kanyang role. Kaya naman nung sabihan siya nina Direk Joven Tan at ng manager niyang si Noel Ferrer na gagawa siya ng launching film ay di siya makapaniwala.

"Wish ko talaga na kumita ang movie alang-alang sa aking mga producers na sumugal for this project," wika pa ni Shalala.

Sino naman artista ang gusto mo makita sa premiere night? "Sana dumating si Congresswoman Lucy Torres-Gomez saka sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, si Iza Calzado. Sana dumating din sina Vice Ganda, Joey Paras at Allan K para masaya," sagot niya.

Palabas na ang Echoserang Frog sa mga sinehan on April 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN