Aiko Melendez explains why her reunion movie with Jomari Yllana got postponed

Aiko Melendez returns to the big screen via the 2014 Cinemalaya entry Asintado. She stars as the mother of Jake Vargas and Migs Cuaderno in this family drama set in Nueva Ecija.




Personal na pinili ni Louie Ignacio si Aiko Melendez upang makasama sa 2014 Cinemalaya entry na Asintado. Ito ay entry ni Direk Louie sa Director's Showcase category ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Si Aiko ang gaganap bilang nanay nina Jake Vargas at Migs Cuaderno.

Ang pelikula na ito ay gaganapin sa Bibiclat, isang barrio sa Nueva Ecija kunsaan ginagawa ang "Taong Putik" festival. Si Miguel (played by Jake Vargas) ay papayag na maging drug courier ngunit magkakaproblema siya dahil sa kanyang kapatid na autistic, si Intoy (played by Migs Cuaderno).

Si Intoy ay mahusay mag-asinta o mag-aim sa isang target—isang skill na maaaring makatulong sa kanyang pamilya. Ngunit, nagdadalawang isip ang karakter ni Aiko kung gagamitin ba niya ang pagiging asintado ng kanyang autistic na anak.

Nagkwento si Aiko sa story conference ng Asintado noong March 28 sa Uncle Cheffy sa Promenade, Greenhills kung paano siya nakuha sa proyekto na ito.

“Last year pa lang, when he was conceptualizing everything, tinawagan na niya ko. Sabi niya, meron akong isusulat ngayon, ipapasulat lang daw niyang mabuti, then, i-email niya sa akin agad.

“Ang gusto ko, ikaw ang gumanap. Sabi ko naman, 'Sige Direk, basta maganda ang role. Ipapasa ko sa ‘yo. Noong in-email niya sa akin, ang ginawa ko, hindi ko siya tinawagan the whole night. Binasa ko ang script kasi, gusto ko siyang i-surprise.

“Ang ginawa ko, ipinost ko sa Facebook na I’m finally doing it. I’m honored that you considered me. So, nagulat si Direk. Sabi niya, 'tinatanggap mo na?' 'Yes Direk.' Sabi ko, hayan, wala na tayong pag-uusapang presyo or anything, gagawin ko ‘yan.”


Sa pagkakatanda ni Aiko, may limang taon na siyang hindi gumagawa ng pelikula. Ang huli pa niyang ginawa ay ang Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie (2009).

Sa loob ng limang taon, walang nag-alok sa kanya ng pelikula o tumatanggi lang siya?

“Meron mga mainstream, like yung kay Kim Chiu at Xian Lim, I was supposed to play the mom of Xian kaya lang, hindi nag-work-out. Pero, wala pa yung mga offer na sobrang drama.”

Ang gusto ba niya talaga ay gumagawa ng drama film?

“Oo, gusto ko talaga drama. Kahit na konti pa ang eksena, pero, kabog, ‘di ba?”

Ang Asintado ang isang klase ng proyekto na gusto niyang magawa.

“Ang daming highlight ng movie. And then, hindi lang highlight para sa akin, pero, parang lahat nagsa-shine. Hindi ba, may ibang director na, ah, hindi, yung bida ko lang ang magsa-shine. Pero dito, lahat may moment.”




AIKO THE PRODUCER. Unang indie movie ni Aiko ang pelikulang Asintado. Ngunit dati, magpo-produce na raw sana siya ng sariling indie movie.

Pero, hindi ito natuloy.

“Ito yung Ika-pito. Kaya lang na-shelved na. Una, nagkaroon ako ng problema sa tao, naloko ako. Nag-first shooting day na kami, nag-ocular na ko sa Ilocos. Ang kinuha ko pa nga sanang lalaki ron was Wendell [Ramos], kaya lang, nagka-problema kami sa schedule.

“Then, we considered Jomari [Yllana], it was supposedly a Jomari and Aiko movie. But yung line producer ko dati, si Pops [Fernandez], hindi pa sila ganoon ka-okay to work before, kaya sabi ko, tanggalin muna natin si Jom and then, nagka-problema na naman. Kaya sabi ko, hindi siguro meant.

“But, I will still produce that. Kumbaga, itong Asintado, mag-o-observe ako.”

Kahit naman unang beses niyang magkaroon ng pelikula sa Cinemalaya, nakakapanood na rin siya dati ng ilang Cinemalaya entries.

Ayon pa kay Aiko, “I know how prestigious Cinemalaya is, that’s why yung pressure for me now is in my neck. Especially, ang daming entries ngayon na magagaling at para lang mapasama ko ngayon sa hanay ng pelikula na makakapasok this year is such a big privilege para sa akin.”

Sa Asintado, karamihan ay Kapuso stars ang makakasama ni Aiko sa cast, pero, siya, nananatiling Kapamilya pa rin sa telebisyon. May bago raw siyang gagawing serye sa ABS-CBN.

“Pina-reserve na nila ang schedules ko, sa unit ni Sir Deo [Endrinal], pero siyempre, hindi pa puwedeng sabihin kung ano.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN