Dominic Roco tackles human trafficking in upcoming movie Tumbang Preso

IMAGE Noel Orsal

Dominic Roco is cast as a labor leader in a sardines factory in upcoming movie Tumbang Preso, which tackles human trafficking.


“I think this is my fifth,” sagot ni Dominic Roco nang tanungin namin kung pang-ilang indie movie na niya ang Tumbang Preso.

Ang huli niyang indie movie na ginawa ay ang Sineng Pambansa entry na Ang Tag-Araw ni Twinkle.

Sa Tumbang Preso ay gaganap siya bilang si Nico na leader ng mga manggagawa sa isang factory ng sardinas; siya rin ang mangangalaga sa mga batang trabahador sa naturang pagawaan.

Napapayag si Dominic na gawin ang pelikula na ito dahil maganda ang istorya. Ngunit isang supporting role ang gagampanan ni Dominic sa pelikula dahil ang isang baguhan na si Kokoy de Santos ang bidang karakter na si Carlo.

Ang Tumbang Preso ay tatalakay sa human trafficking at ipapakita ang mga batang ikinukulong at sapilitang pinagtatrabaho sa isang factory ng sardinas.

Sa paggawa ang pelikulang ito na may kinalaman sa human trafficking, ano ang natutunan ni Dominic?

“Iyon nga, I really want to make people aware, kasi for example if the govenrment is trying to prevent piracy sabihin na natin, they can do it, they can show so many ads about it, why can’t they do it for human trafficking which is more worse, di ba?

“I want to make people aware and sana naman people would take action.”

Nabanggit ni Dominic na nag-audition siya para sa Tumbang Preso. Ayon sa kanya ay walang problema kahit na mag-audition siya para sa isang proyekto kahit established na siyang artista at hindi isang baguhan.

“I love auditioning,” bulalas ni Dominic. “I honestly, for me honestly I don’t see myself as, ‘Wow, I’m Dominic Roco!’

“Kasi I’m not yet there and I love auditioning kasi hindi naman lahat ng roles ay bagay sa pagkatao ko.

“For example sa TV, they give you a character they tell you to do it which you don’t like to do pero you have to do it. So at least when you audition, makikita mo na kung bagay ka sa role na ito o hindi. So yung at least you’re prepared for yourself, for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So that’s why I like auditioning.”

Aminado si Dominic na maraming beses na rin siyang na-reject sa isang audition.

Paano niya naha-handle ang rejections?

“Nung una, oo, I cry na, ‘Wow I didn’t do good!’

“Pero wala, e, if that role wasn’t meant for you, it wasn’t meant for you. It will benefit someone else. Parang for me when a director chooses you sa audition, its their vision, it’s not your vision, so its for them.

“You have your own time, they have their own time.”

Sa Tumbang Preso ay isang first-time director ang hahawak sa kanya, si Kip Oebanda.

Paano ang karanasan na isang baguhang direktor ang may hawak sa kanya ngayon?

Sanay si Dominic na ma-handle ng mga beterano at batikang direktor, tulad sa huli niyang serye sa GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-ibig kunsaan si Joel Lamangan ang kanyang direktor.

“I love working with new directors! Dahil lahat sila they have their own styles. Right now, sobrang relaxed namin. Not once ko pa siyang nakitang nagalit, we finish before twelve [midnight], yung ganun.

“Everything’s on time.”

May challenge ang ma-handle ng isang baguhang direktor; maaaring minsan ay hindi sila nagkakatugma ng ideya.

“Hindi, iyon nga, before every scene we talk to each other na we give opinions like if my character won’t do this I’ll tell him. We talk.”

Bakit tila malapit sa puso ni Dominic ang paggawa ng indie movies.

“The freedom, for me, ha, the freedom of acting. Kasi tanggapin na natin, sa TV may formula naman talaga, e. You always have to look good, you always have to be perfect. At least sa indie kahit walang makeup okay lang, you can be yourself.

“That’s what I love about indies, you can just be yourself, walang limits.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto niyang magtrabaho para sa isang indie movie kaysa sa isang drama series sa telebisyon?

“In terms sa acting, yes! Yeah.”

Pero financially…

“TV,” at tumawa si Dominic.

Wala raw lovelife si Dominic sa halos tatlong taon na.

“Kasi yun nga I’m still not looking for one. And right now I’m really happy with my life. I have no complaint.”

Ni hindi raw lumalabas on dates si Dominic.

“Ako siguro nasanay ako nasa bahay lang ako, I don’t drink anymore.”

Mas lumalabas raw ang kakambal niyang si Felix Roco.

May kinukunan naman raw si Dominic ng inspirasyon…

“My family, my mom.”



ON HIS DAD BEMBOL ROCO. Maayos na sila ng ama niyang si Bembol Roco; nagkaroon sila dati ng matinding hindi pagkakaunawaan na may kinalaman sa pagkakaroon ng ibang pamilya ng ama niya.

“Yeah, we see each other. We’ve been seeing him.”

Pero wala raw silang regular na komunikasyon ng kanilang ama.

“The last time I saw him was last month. Because he had to do something or they had to talk, my parents had to talk, it’s because of that. Pero if a regular visit, wala.

“Busy siya going around the world, e. I see some of his friends, they’d say, ‘O, your dad’s going to Munich ‘ata.’

“Wow! I don’t know vacation or something, I don’t know.”

Pagbabalik-tanaw niya sa gap nilang mag-ama.

“It was really hard kasi if I try to recall parang we never had a father-son bonding time.”

Kahit raw sina Bembol at Felix ay maayos na ngayon.

“Yeah, we’re all okay now. Pero yun nga, we still don’t talk.”

Bilang artista sa telebisyon ay may exclusive contract si Dominic sa GMA.

“Matagal pa, mga four years pa pero matagal na akong sa kanila nakakontrata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN