Vhong Navarro-Solenn Heussaff starrer, Da Possessed, grosses P100 million in the box-office

“Kasi parang mahirap magtrabaho. But Vhong did very well. Kaya nakaka-proud as a friend and as a co-actor na naging professional pa rin siya until the end,” says Sweet Lapus (left), who recalled his experience working with Da Possessed co-star Vhong Navarro. Solenn Heussaff (right) and Sweet admire Vhong Navarro's ability to maintain his professional stance at work amid personal problems.


Inihayag nina Solenn Heussaff at John “Sweet” Lapus ang kanilang paghanga sa tibay ng loob na ipinamalas ng kanilang Da Possessed co-star na si Vhong Navarro.

Ito ay sa kadahilanang saksi sila sa kung paano unti-unting bumangon ang aktor-TV host mula sa pambubugbog na dinanas nito noong January 2014.

Matatandaang February 2014 nang nagbalik-shooting si Vhong para sa pelikulang Da Possessed ng Star Cinema.

Ang naturang pelikula ay kasalukuyang ipinapalabas sa mahigit isang daang sinehan sa bansa.

Kuwento ni Solenn, “Actually, nung first day ko sa set, hindi ko nabasa yung mga news, hindi ko alam na may nangyari sa kanya.

“Gano’n siya ka-professional sa set. He doesn’t look sad, he doesn’t talk about it. Ayaw din namin makadagdag [sa problem niya].”

Sa mga nakaraang panayam kay Vhong, naging bukas ito sa pagsasabing malaki ang naitulong ni Solenn at ng iba pa niyang kasamahan sa pelikula upang bumalik ang kumpiyansa niya sa sarili.

“I think lahat naman kami sa set [nakatulong sa kanya].

“There's no one who can push him more than himself. So, kami lang yung parang spark starter,” saad ni Solenn.

Pahayag naman ni Sweet ukol dito, “Siguro maganda na lahat kami sa cast we know the situation of Vhong.

“Maski si Direk Joyce [Bernal] binabakla lang kami, ‘O, kayo na ang bahala kay Vhong.’

“But you know, there was no serious talk or serious briefing from Star Cinema or from Direk Joyce na ganito, ganyan.

“Kasi alam naman namin ang sitwasyon and we are more than happy to help him overcome his trauma during the course of shooting.”


Tunay ngang hindi madali ang pinagdaanan ni Vhong, lalo pa’t kaakibat nito ay usapang-legalidad.

Ganunpaman, sinabi ni Sweet na malaki ang respeto niya para kay Vhong dahil patuloy itong lumalaban at hindi hinayaang maapektuhan ng personal na problema ang trabaho nito bilang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sweet, “For someone na may pinagdaanan, talagang nakakabilib to actually do a movie and finish it.

“Kung sa akin nangyari yun, mga two years ni’yo ako ‘di makikita, 'no!

“Kasi parang mahirap magtrabaho. But Vhong did very well.

“Kaya nakaka-proud as a friend and as a co-actor na naging professional pa rin siya until the end.”

GIVING BACK. Nakapayaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Solenn at Sweet sa outreach program ng Star Cinema Cares ngayong araw, May 2.

Ginanap ito sa Lingap Pangkabataan foundation sa Cubao Quezon City, kung saan tatlumpung kabataan ang naimbitahan na manood ng pelikulang Supahpapalicious (2008), na pinagbidahan ni Vhong.

Pagkatapos ng film viewing, dumating sina Vhong, Solenn at Sweet upang makisaya sa isang short program para sa mga napiling beneficiaries ng Star Cinema Cares.

Bukod sa ginanap na parlor games ay namigay din ang Da Possessed stars ng gift packs para sa mga bata.

Nagbigay din ang Star Cinema Cares ng cash donation sa Lingap Pangkabataan foundation, isang non-profit organization na naglulunsad ng education at health care program para sa mga kabataang nangangailangan.

“We’re happy because we were given a chance to give back to kids na itinuturing na future of the world.

“If there’s one charity ako’ng tutulungan, it’s a charity about kids.

“Feeling ko dapat walang batang nagsa-suffer because of lack of education and lack of food, walang makain. Malaking bagay ito to bring joy to these kids kahit sandali lang,” ani Sweet.

Maging si Solenn ay masaya na mas maraming kabataan ang mabibigyan ng educational assistance ng Lingap Pangkabataan foundation dahil sa tulong ng Star Cinema Cares.

“Siyempre naman education is the greatest gift to anyone. Everything will flourish from there.

“So, it’s nice to discover people who are doing an effort to provide better education to [less fortunate] kids from different parts of the country.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos gawin ang pelikulang Da Possessed, sisimulan ni Solenn ang taping para sa isang documentary-soap ng GMA Network sa susunod na buwan.


Si Sweet naman ay nakatakdang gumawa ng pelikula sa ilalim ng produksiyon ng Viva Films, ang part 2 ng Moron 5 and The Crying Lady.



BLOCKBUSTER MOVIE. Maituturing nang isang blockbuster ang comeback movie ni Vhong dahil sa laki ng kinita nito diumano sa box-office.

Ayon sa Star Cinema, ang horror-comedy film na Da Possessed ay kumita ng P100 million sa takilya. Ito ay in-announce ng AdProm head na si Mico del Rosario noong Lunes, April 28.

Sa kanyang Instagram account, nag-post siya: "#DaPossessed has now breached the P100M mark at the box office!! Amazing!!! #nowonits2ndweek"





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN