Cinemalaya entry Asintado depicts drug courier problem at the Taong Putik festival

Louie Ignacio (in photo) will direct the 2014 Cinemalaya entry Asintado (international title: Between The Eyes). In this film, the character of Jake Vargas becomes a drug courier who gets into trouble.



Si Louie Ignacio ang isa sa limang filmmakers na may entry sa Director’s Showcase category ng 10th Cinemalaya Independent Film Festival.

Sa unang pagkakataon ay sasali si Direk Louie sa Cinemalaya na gaganapin from August 1-10 sa Cultural Center of the Philippines. Dahil ika-10th year ng Cinemalaya, tiyak na magiging memorable ito para sa sinumang kalahok.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Louie sa story conference ng Asintado, sinabi nito na labis siyang nagagalak sa pagkapili sa kanya para makabilang sa Director’s Showcase section ng Cinemalaya.

“This is a dream come true for me. Matagal ko nang pangarap na makasali sa Cinemalaya pero hindi lang talaga nagkakaroon ng tamang panahon. Isa pa, naghahanap ako ng magandang material and happily nagustuhan nila ang script ng Asintado,” pahayag ng director na kagagaling ng Rome kung saan dumalo siya sa canonization ni Pope John Paul II.

Bago siya pumunta ng Rome ay nag-shoot ng two days for Asintado na pinagbibidahan ng comebacking actress na si Aiko Melendez. Nag-resume siya ng shoot noong May 11 and 12.

Ayon kay Direk Louie, he really had Aiko in mind nang ginagawa nila ang script ng Asintado. “Last year ko pa sinabi kay Aiko na siya ang gusto ko magbida sa comeback film ko as director. I gave her the script para mabasa niya. All the while, I thought hindi niya nagustuhan ang script kasi I didn’t get a call from her. As it turned out, tinapos muna niya basahin ang script before she called me up kasi nagustuhan niya ito,” kuwento ng director ng kiddie show na Tropang Potchi on GMA-7.

Sabi ni Direk Louie, ito ang right timing para sa kanyang directorial comeback sa pelikula. What makes it even more special is that nakasali siya sa prestigious na Cinemalaya indie filmfest. He is very excited to be making a movie again.

Naka-three days shooting na agad sila since Direk Louie resumed work on Asintado na unang indie film ni Aiko at unang entry rin niya sa Cinemalaya. Nag-location shoot sila sa Pagsanjan, Laguna kung saan mayroong bahay si Direk Louie.

“Mas maganda gumawa ng indie film kasi pwede kang mag-explore ng topics na normally ay hindi ginagawa ng mainstream movie.

"Like dito sa Asintado, ang backdrop ng movie namin ay ang Taong Putik festival sa Nueva Ecija. Sa kwento, ginagamit na excuse ang Taong Putik festival para magtulak ng droga. Since ang Taong Putik festival ay dinarayo ng mga turista, puwedeng may pumasok ng element na hindi maganda like pagtutulak ng droga,” pahayag pa ni Direk Louie.


Ang Taong Putik Festival ay ginaganap tuwing June sa Barangay Bibiclat, Aliaga, Nueva Ecija.

Sa Asintado, ginagampanan ni Aiko ang role ng isang nanay na kailangan gumawa ng isang matinding desisyon na maaring ikapahamak ng isa niyang anak pero ikaliligtas naman ng isa pa niyang anak sa matinding peligro. Playing Aiko’s sons are Jake Vargas and child actor Miggs Cuaderno.

Na-involve sa problema sa droga ang karakter ni Jake nang pumasok siya bilang drug courier. Pero para iligtas siya, kailangan gumawa ng mabigat na desisyon si Aiko na ikapapahamak ng kanyang bunsong anak na autistic (played by Miggs).

(Read: Aiko Melendez makes movie comeback via Asintado)

“Mas malawak ang mga materials na pwede mong gawin sa Cinemalaya kasi mas open sila sa kakaibang kuwento. Kaya naman I am really so thankful na nakapasok ako this year. Plus I really liked the concept of our film. And I love my cast kasi mga kaibigan ko silang lahat kaya naman I am very thankful kasi sinuportahan nila ang first Cinemalaya entry ko.

“Sabi nga ni Aiko sa akin, nagustuhan niya ang script. Wala kaming naging usapan tungkol sa talent fee. When she finished reading it, sabi niya gagawin niya ang movie. Siya ang gaganap sa role ng nanay, which I really thought for her.”

Direk Louie says he is in good company. Kasali rin kasi sa Director’s Showcase sina Joel Lamangan, Carlos Siguion Reyna, Joselito "Jay" Altarejos, at Michael Tuviera.

“Very special ang movie na Asintado para sa akin. Feeling ko it’s God’s will na makasali ang movie sa Cinemalaya. Bigay sa akin ni Lord ang project na ito,” sabi pa ni Direk Louie.

Tampok din sa movie ang ilang kaibigang artista ni Direk Louie tulad nina Gabby Eigenmann at Rita de Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN