Romnick Sarmenta makes movie comeback via Cinemalaya entry Hustisya

Romnick Sarmenta portrays a principled journalist in Nora Aunor-starrer Hustisya.


Ang pinakahuling acting project na ginawa ni Romnick Sarmenta ay ang indie film na Prinsesa noong 2008.
Sa nakalipas na anim na taon, may mga offers naman daw na dumarating pero hindi umano niya tinatanggap.
Paliwanag niya, “Namimili kasi ako, e.
“Kasi lumalaki na yung mga anak ko, e. Kaya kailangan kong mamili ng gagawing project.
“Siyempre, una, gusto ko yung hindi nila kukuwestiyunin kung bakit ko ginawa.
“Pangalawa, yung itinuturo ko sa kanila, na kailangang mag-reflect dun sa ginagawa ko, in a sense.”
Lima na ang anak nina Romnick at Harlene Bautista.
“Magsi-seventeen na yung panganay ko. Nine months naman yung bunso namin.
“Yung mga anak ko ang barometer para… kung tatanggapin ko ba yung project o hindi.”


HUSTISYA. Ngayong 2014, kasama si Romnick sa cast ng Hustisya, na pagbibidahan ni Nora Aunor sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan.
Ano ang nagsilbing deciding factor at tinanggap niya agad ito?
Paliwanag ni Romnick, “Hindi naman agad sinabi sa akin kung sino ang mga artistang makakasama ko.
“Sinabi lang sa akin at may nagtatanong kung gusto kong gawin.
“Then, nalaman ko na ang sumulat ng script ay si Ricky Lee, ‘tapos si Direk Joel ang direktor.
“Sabi ko, maganda yung script. So tatlo ang nagsilbing deciding factor sa akin.
“Una, kilala ko yung nagsulat ng script.
“Pangalawa, kilala ko rin ang director dahil ilang beses ko na rin ngang nakatrabaho si Direk Joel.
“’Tapos, ikatlo, maganda yung istorya.”
Dagdag niya, “I’ll play the role of Marlon, isang journalist sa story na medyo straightforward talaga, ma-pride na tao.”
Ano ang magiging koneksiyon niya sa character ng bidang si Nora?
“Magkukrus kami ng landas. At susubukan ko siyang i-convince na gawin ‘yong tama.
“Ano kasi siya, e, girl Friday ng human trafficking.”

Ang probinsyana na si Biring (played by Nora) ay ang assistant ni Vivian (played by Rosanna Roces).
Base sa script ng pelikula na kanyang nabasa, ano yung mga eksena nila ni Nora na tingin niya’y mabibigat na ikinae-excite niyang gawin?
“Actually, lahat. Hindi sa pag-aano…
“Kasi yung sincerity ng eksena, at yung honesty ng mga tao dun sa eksena, masarap lang i-flesh out.
“Ang sarap gawin nung eksena.”
May pressure ba siyang nararamdaman habang pinaghahandaan niya ang mga eksenang makakasama niya si Nora?
“Half and half!” nangiting sambit ni Romnick.
“Dun sa mga taong nag-iisip na babalik ako, ‘tapos feeling nila may kailangan akong patunayan, gano’n.
“At the same time… wala. Wala naman dahil parang sa akin, sila ‘yang gumagawa.
“Walang problema. I’ll just try to be as honest as I can dun sa character.
“Gano’n lang, pero walang pressure.
“Kasi hindi naman ako naghahabol maging Daniel Padilla!” tawa niya.
Hindi ba niya naiisip na baka maging pang-award yung performance niya?
“Hindi, parang okey lang. Relaxed lang ako.
“Never akong nag-shoot ng pelikula para sa ganun, na iisipin ko baka magka-award ako.
“Ang sa akin, ever since, enjoy lang. Enjoy lang.”


AN ACTOR IS AN ACTOR. Yung ibang artista, kapag matagal na panahong hindi nakaarte sa harap ng kamera, ang nagiging pakiramdam ay parang kinakalawang na ang acting capability nila.
“Ang daming DW40! May bike shop ako!” biro ni Romnick.
Dagdag niya, “Naniniwala ako na ang artista, kapag isinama mo sa mga magagaling, gagaling ‘yan, e.
“Kahit sino, kapag isinama mo sa mga magagaling, gagaling at gagaling ‘yan.
“Kasi nagpi-feed sila, e. Nag-o-automatic ‘yon.”
Kapag matagal siyang walang ginagawang project, nami-miss din ba talaga niya ang showbiz?
Sabi ni Romnick, “Siguro kung may nami-miss ako, yung mga taong kasama ko sa trabaho. Masaya iyon, e.
“Sa paggawa ng project, any project sa television o sa film, ang pinakamasarap dun ay yung kuwentuhan in between, e.
“Yung mga nakakasalamuha mo. ‘Tapos nadi-discover mo kung anong klaseng tao at nagiging magkaibigan kayo.
“Mostly iyon. ‘Yong fellowship, kumbaga.
“Yung sama-sama kayo at nagkakasundo-sundo kayo.
“Kasi trabaho na ‘yon, proseso na ‘yon, e.’
Si Harlene ba, feeling niya nami-miss din ang pag-aartista?
“Ang nami-miss namin, pag-arte sa entablado. Hindi masyado sa pelikula, e.
“For her kasi, nakakapagod ang film dahil hindi set ‘yong oras, e.
“Hindi katulad ng theater na kapag sinabi sa ‘yong ganitong oras ang umpisa ng rehearsal, hanggang ganitong oras lang ‘yon.
“Ako, kailan lang yung pinakahuling pagsabak ko sa theater. Ginawa ko yung Andres Bonifacio sa U.P.
“Si Harlene? Matagal na.”
Choice ba ni Harlene na i-give up ang acting career? O dahil kinailangan lang niyang mag-focus sa pagiging housewife and mother?
Sabi ni Romnick, “Desisyon niya. Kasi ino-offer naman siya, e.
“Kaya lang, gusto rin niyang maging hands-on sa mga anak namin. At masaya naman kaming magkakasama sa bahay.”
Hindi kaya kung nagpatuloy sa pagiging aktibo si Harlene sa showbiz, maging mitsa lang ito ng pagkakaroon nila ng problema o pagiging shaky ng kanilang pagsasama?
Sagot ni Romnick, “I think, in a way, may strain sa relationships ng magulang sa anak… ng asawa sa asawa.
“Meron ‘yon. Kasi yung oras, nahahati, e.
“Pero hindi naman siguro magiging masyadong shaky.
“Kasi kami naman talaga, ugali naming mag-usap, e.
“Ugali namin na laging mag-communicate, na isa sa mga pinakaimportanteng aspect sa pagsasama ng mag-asawa.”


BUSINESSMAN. Busy rin siya sa ilan niyang mga negosyo si Romnick kaya mahirap din para sa kanyang tumanggap ng acting jobs.
Kabilang sa mga negosyong kanyang inaasikaso ay ang outlet store niya ng mga high-end bicycles sa may Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Dagdag ni Romnick, “Busy rin ako sa pag-aasikaso ng security agency.
“Meron kaming maliit na security agency na nagha-handle ng mga security sa airport at sa ilang mga establishments.
“Tapos sina Harlene at ang mga kapatid niya, meron silang production house, yung Heaven’s Best.
“Ako naman, dun sa sister company nun, yung Crowning Glory Movie Equipment Services.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron kaming mga camera at mga ilaw, mga shooting equipment.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN