Nora Aunor to attend unveiling of Elsa statue; will a statue of Panday also be erected in Ilocos Norte?

A fiber glass statue of Nora Aunor's Elsa character will be unveiled at the Paoay Sand Dunes, Ilocos Norte on May 10, 2014.


Ekslusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si June Arvin Gudoy, Head of Communications and Media Office ng Office of Governor Imee Marcos ng Paoay, Ilocos Norte. Ito ay sa pamamagitan ng email.
Si June mismo ang nagdetalye ng pag-a-unveil ng rebulto ng “Elsa” character ni Superstar na si Nora Aunor sa ginawa nitong pelikulang Himala noong 1982. Ang shooting ng naturang obra ay ginawa mismo sa Paoay Sand Dunes sa Ilocos Norte.
Ito ay bilang tribute ni Gov. Imee Marcos sa nasabing historical and monumental Filipino film, directed by National Artist for Film na si Ishmael Bernal, at bilang si Imee rin ang head ng Experimental Cinema of the Philippines, ang producer ng nasabing klasikong pelikula.
"Larger than life" size daw ang nasabing rebulto, na likha ng sculptor na si Gerry Leonardo, isang art teacher sa Makiling Philippine High School for the Arts.
Gaganapin ang unveiling nito sa Sabado, May 10, 2014 sa mismong Paoay Sand Dunes sa Ilocos Norte, kunsaan may libreng concert rin mula kay Bamboo at iba pang performers sa event na tinaguriang Himala Sa Buhangin.
Ano nga ba ang dahilan o background ng pagkakaroon ng “Elsa” monument na ito ni Nora sa Paoay?
“Paoay has been a favorite destination for local and international films,” simula ni June.
“Mga nag-shoot dito ang Panday, Madd Maxx, Temptation Island, Born on the Fourth of July. The most iconic however was the Filipino film classic by Ishmael Bernal, Ricky Lee and Ms. Nora Aunor, ang Himala.
“Governor Imee Marcos was the head of the ECP when the project materialized and she was part of the production of the film, so malapit sa puso namin ang Himala.
“Maraming mga turista ang palaging nagtatanogn kung sa Paoay Sand Dunes ba shinoot ang Himala and nakulitan na kami siguro kaya ayan, para may iconic na statue na magre-remind sa kanila na doon nga shinoot ang unforgettable na pelikula.
“Aside from that, naitaon na Provincial Fiesta ng Ilocos Norte (La Milarosa Festival) in honor of La Virgen Milagrosa de Badoc, our patroness na siyang pinagmumulan ng maraming kwento ng paghihimala – so, konektado din and like a miraculous apparition, the statue of Elsa rises from the Sand Dunes to remind ourselves that the real miracle happens when people come together and celebrate Milagrosa, Himala, Himala sa Buhangin.”
Ano ang height at gawa saan ang “Elsa” monument? Saan binase ng sculptor ang larawan ni Nora/ Elsa?
“Larger than life dapat ang end result. Kasi lulubog sa sand dunes ang estatwa ‘pag life size lang.
“It's made of fiber glass muna at ito ay gawa ni Maestro Gerry Leonardo sa Philippine High School for the Arts sa Makiling, na guro din ni Leeroy New (installation artist) na may mga installations din sa Sand Dunes on May 10.
“The statue was based doon sa mga photo clips from the movie itself. Even ‘yung kahoy sa tabi ni Elsa ay based din sa orihinal na imahen sa pelikula.”
Anu-ano ang magaganap sa Paoay sa May 10 event?
“Part ito ng La Milagrosa Provincial Fiesta in honor of our Patroness.
“May 10, ito yung last day ng fiesta, so parang huling hirit bago magtapos. Buong araw na may Zorb Ball, Sand Castle Building, Art Installations (Leeroy New), 4x4 race, sandboarding at marami pang iba na kung saan maramingn taga Ilocos Norte and very excited magparticipate kasi hindi taon taon ang Himala sa Buhangin, ang huli ay nung 2012.”
Ano ang gustong iparating sa publiko ni Gov. Imee tungkol sa event at sa rebulto ni Nora?
“Ang Ilocos Norte lamang sa buong bansa ang may malawak Sand Dunes at dahil di naman ito pwedeng tamnan, mainit at sobrang dry ng lupa.
“It has always been her desire na gawin itong tourist destination para magbigay ng opurtunidad at trabaho sa mga naninirahan sa lugar na iyon at sa buong probinsiya.
“The Governor wanted to remind us Ilocanos na matagal nang patok ang Norte at Paoay sa film at media production location.
“[It shall] remind us perhaps na napakaimportanteng i-celebrate ang pagkakaisa ng mga Ilocano, ang nakaraan, ang kadakilaan at kagandahan ng Ilocos Norte at bigyang buhay ang mga renowned na pelikulang nagshoot sa Norte.
“Kumbaga, umpisa pa lang ang estatwa ni Elsa, mas marami pang susunod. Pinaguusapan na rin ang kay Panday. Isang pagkilala sa mga Filipino film greats at ang mga di matatawarang kontribusyon nila sa pagpapakilala sa paoay at sa buong probinsiya di lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.”
Kumpirmadong darating si Nora sa May 10 sa nasabing event. Ano ang personal na reaksyon ni Nora tungkol dito noong una niyang malaman?
“We sent her an invitation to the festival and pinarating sa amin ng mga taong malapit sa kanya na pinaunlakan niya ang aming pag-imbita at siya ay masaya sa parangal na ito.
“Ngunit mas nagagalak kami sa Norte, kasi alam namin na mahigpit ang schedule ni Ms. Nora Aunor dahil sa kabikabilaang shoot pero after a long time, babalik siya sa isang lugar na kung saan naging memorable para sa kanya at tumatak sa utak ng bawat Pilipinong nakapanood ng pelikula at iba pang kasama sa paggawa ng Himala.
“Magkaibigan din sila ni Gov Imee Marcos at pati si Ma'am ay masayang masaya na may mini-reunion ang mga malalaking pangalan behind Himala,” pagtatapos ni June.
Una nang ginawan ng "life size statue" (na colored gold) si Nora ng kanyang hukbo ng fans noong 1990s.
Nakatapos na rin si Nora ng tatlong full-length films: ang Padre de Familia with Coco Martin, Joel Torre, Julia Montes, etc. directed by Adolf Alix Jr; ang Dementia with Jasmine Curtis Smith, directed by Perci Intalan, at ang Whistle Blower (Silbato) with Carlo Aquino, Rosanna Roces, Bernardo Bernardo, Cogie Domingo, etc., also under Alix.
Nakapag-first shooting day na rin ngayong araw na ito, May 7, si Ate Guy ng Hustisya ang first Cinemalaya film niya. It ay sa ilalim ng direksiyon ni Direk Joel Lamangan, mula sa script ni Ricky Lee. Kasama naman niya rito sina Rocco Nacino, Osang, Gardo Versoza, Sunshine Dizon, Romnick Sarmenta, at iba pa.

(To learn more about Hustisya, CLICK HERE)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN