Judy Ann Santos pulled out from Cinemalaya entry Mariquina



Hindi na kasama si Judy Ann Santos sa cast ng Mariquina, isang New Breed category finalist ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2014 (Year 10). Ito ay sinulat ni Jerrold Tarog, sa ilalim ng direksiyon ni Milo Sogueco.

Last week ay si Judy Ann Santos mismo ang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text messaging, at inamin niyang totoo ang balita at malaki ang panghihinayang niya.

"Ask them na lang kapatid," ang unang reply ni Juday sa tanong namin ng dahilan kung hindi na siya kasama sa cast ng Mariquina. Kasama rin supposedly ni Juday sa cast sina Joel Torre, Barbie Forteza, Dennis Padilla, etc.

Isa pa man din ang nasabing pelikula sa mga unang nag-announce ng kanilang lead actress sa social networking sites, kasama na ang kanilang fan page sa Facebook, at inaabangan na ito ng fans ni Judy Ann.

Right after naman ng story conference, si Juday rin mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account ng group shot ng buong cast and crew na present.

"Sayang talaga. Ako nga, in-Instagram ko pa... E, kaya lang...

"May mga bagay na hindi nag-swak din sa sched ko nang mag-change ang production, eh," text reply ng aktres.

Schedule changes ba ang dahilan o story changes?

"Schedule lang, kapatid. Nothing to do with the story."

Ilang araw ba ang committed days niya to shoot the movie at ilang araw doon ang "tinamaan" sa iba niyang schedules? Paano siya "umalis" sa group?

"Eight to ten days... Nag-usap lang kami nang maayos and nag-agree both parties, respected each other's decision naman," tugon ni Juday.

Ayon kay Juday, una pa lang napadala sa kanya ang script ay nagustuhan na niya ang kuwento ng pelikula kaya niya ito tinanggap at nag-look forward sa pagsu-shoot.

"[It is a] good script and I liked it, kaya ko tinanggap. Walang ibang issue.

"Ang importante, maganda ang istorya kaya ako gumagawa ng pelikula, mapa-indie man or mainstream," aniya.

Samantala, sumunod na araw, nakatanggap ng official statement ang PEP mula sa production ng Mariquina, upang ilahad ang kanilang side tungkol sa nangyari kay Juday.

"Hi Mell, here is our statement:

"Due to casting changes that resulted in scheduling conflicts, Ms. Judy Ann Santos is no longer available to play [the] role of Imelda in [the] Cinemalaya New Breed film Mariquina. Judy Ann, her camp, director Milo Sogueco and the producers have talked & all parties have reached an understanding. Team Mariquina & Ms Judy Ann wish each other well, & still hope to work with each other in the future."

Muli naming tinext si Judy Ann, ifinorward ang nasabing statement ng production, at hiningi namin ang kanyang personal reaction dito?

"Wala akong maibibigay na reaction, mars, kundi panghihinayang," text reply ng aktres.

Hindi ba niya naramdaman na maaaring hindi siya priority ng production bilang bida ng pelikula, dahil mas pinaboran nito ang sked o availability ng ibang nasa cast?

"No, wala ganoon, kapatid," paglilinaw ni Juday. "I totally understand the situation.

"Nakapag-shoot na sila ng 5 days. Sayang naman lahat ng pagod ng buong production, and may hinahabol silang deadline [from Cinemalaya organizers].

"Hindi lang talaga swak lahat sa sked ko.

"Maybe, hindi rin ukol na mapunta sa akin 'yung role. I'm sure, someday, gagawa rin kami ng movie na pasok sa lahat ng bagay. :)"


Nag-text rin ang PEP kay Direk Milo Sogueco ng Mariquina upang kunin ang kanyang side o reaksiyon sa issue.

Si Direk Milo ay nakagawa na rin ng isang Cinemalaya film a few years back, ang Sanglaan na pinagbidahan naman nina Tessie Tomas at Ina Feleo.

Sa personal message ng Facebook nag-reply si Direk Milo, na nagsabing mataas ang respeto nito kay Juday as an actress at hangad niya itong makatrabaho uli sa susunod na pagkakataon.

"Mell, as a reply to this query of yours with regards to Judai not already being a part of my film, MARIQUINA, here is my final word on it, my only request to you is not to edit or shorten any of it. I do not want anybody misunderstanding any of it. Thank you for the support, always:

"Although it is unfortunate that Judai is no longer part of my film, MARIQUINA, my respect and admiration for her have not diminished. In fact, all the more am I respectful of her.

"I am very thankful to have met Judai formally and am very grateful for the chance also to have met Tito Alfie [Lorenzo, her manager] and Jane Buencamino who are equally as welcoming and warm as Judai. I would like to thank them for giving me the opportunity.

"Sadly, the stars just did not align in time for production.

"There will be a next time and I cannot wait to once again humbly present a new project to Judai. I really admire and respect her as serious actress," sabi ni Direk Milo Sogueco.

Hindi na nag-reply si Juday sa tanong namin kung ano'ng damdamin niya na a week before, una siyang nawala sa Maria, Leonora, Teresa na first horror film ni Direk Wenn Deramas sa Star Cinema. Ang "schedule conflicts" rin ang sinasabing dahilan kung bakit hindi na kasama dito si Juday at eventually ay pinalitan siya ni Iza Calzado at nakapag-start agad ng shoot that week rin.

At press time, kino-consider ng production sina Carla Abellana at Carmina Villarroel na pumalit kay Juday.

Si Ricky Davao na ang pumalit kay Joel Torre na siyang dapat gaganap bilang ama ng karakter ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN