Katrina Halili talks about "Shake, Rattle and Roll 9"

by Dinno Erece
Dec 8, 2007
Young sexy actress Katrina Halili plays the title role in the "Engkanto" episode of Shake, Rattle & Roll 9.

Title role si Katrina Halili sa kanyang first Shake, Rattle & Roll appearance—ang ninth installment ng naturang Regal horror franchise. Siya ang bida sa "Engkanto" episode ni Direk Topel Lee.

Kasama ni Katrina rito ang Pinoy Big Brother Teen Edition ex-housemate na si Matt Evans, StarStruck 4 winners Mart Escudero and Jewel Mische, Star Circle Quest 1 graduate Melissa Ricks, Studs member Felix Roco, and Little Big Superstar champion Sam Concepcion.

Second film festival entry ni Katrina ang Shake, Rattle & Roll 9 after last year's Super Noypi. Third movie naman niya ito after her launching film Gigil and this is also her first horror movie. Ito rin ang first time niyang maging kontrabida sa pelikula.

Sabi ni Katrina sa presscon ng SRR 9 noong December 2 sa Imperial Palace Suites, enjoy pa rin siya sa shooting ng "Engkanto" dahil breather daw ito sa Marimar nila ni Marian Rivera.

"Sa Marimar, sa dami pa lang po ng damit na pinagpapalit-palitan ko kada eksena, pati na hairstyle—compared sa shooting dito [SRR 9] na isang damit at isang hairstyle lang—ang gaan nito para sa akin," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

Mas kilala man ngayon bilang the sexiest woman for the past two years via FHM at primera-kontrabida sa Marimar, hindi ito ang gustong iwang marka ni Katrina sa audience niya kundi ang pagiging komedyante niya.

Napapansin na rin ng marami na kakaibang klaseng pagku-kontrabida ang ginagawa niya sa Marimar dahil may halo itong komedya.

"Ayoko pong mag-iwan ng marka sa tao na bad ako, baka kagalitan ako ng tao. May fans akong bata," natatawa niyang dagdag.

Sa Marimar, pinapayagan daw siya ng dalawang directors nilang sina Joyce Bernal at Mac Alejandre na mag-adlib.

"Yun po ang nakakatuwa. Yung mga comedy lines namin ni Sheena [Halili, na gumaganap na Monica], ako ang nagdadagdag nun," kuwento niya.

Nag-explain naman siya na hindi niya ito pinipilit sa directors niya. Sila raw mismo ang nagsa-suggest nito.

"Bago po kasi take, rehearsal muna. Minsan, bigla akong may maiisip na sundot ‘tapos masasabi ko. Sina Direk Joyce, biglang sasabihin, ‘Ay nakakatawa ‘yan, ilagay mo ‘yan."

Continue reading below ↓

Very proud din si Katrina na ang mga punchlines ni Sheena sa Marimar ay galing daw lahat sa kanya.

"Ang Marimar po kasi, mabigat," sabi ni Katrina. "Kaya iniisip ko, kapag nakikita na kami ni Sheena, dapat light naman kahit paano. Ako ang nagbibigay ng punchline kay Sheena. Sasabihin ko sa kanya, ‘Ito ang isundot mo para nakakatawa.' So far, okay naman po sa viewers. Mga kontrabida kami, pero aliw, hindi masasama."

Kung gugustuhin ni Katrina, ang character niyang si Angelika ang palaging mag-punchline. Pero ibinibigay niya ito kay Sheena kung kaya't nagsa-shine din ang kanyang co-Avenger noon sa first StarStruck.

"Sa character niya po mas bagay yung mga linya kaya sa kanya ko ibinibigay," paliwanag niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young sexy actress Katrina Halili plays the title role in the "Engkanto" episode of Shake, Rattle & Roll 9.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results