Joem Bascon shoots rape scene in prison for indie film Ang Bagong Dugo

Ang Bagong Dugo director Val Iglesias tags Joem Bascon as the “next Rudy Fernandez.”


For the first time, bidang-bida sa isang bagong action film si Joem Bascon, sa Ang Bagong Dugo ng veteran action and stunt director na si Val Iglesias.


Si Direk Val rin ang humawak sa mga action films noon nina Robin Padilla, Eddie Garcia, at Rudy Fernandez.
Nakapag-bida na rin si Joem sa past films niya like Lihis (with Jake Cuenca), Blu Bustamante (with Dimples Romana), Qwerty, at iba pa. Pero dito sa Ang Bagong Dugo (showing starting June 18 in cinemas) ay siya ang solo lead at action pa.

Kasama rin sa pelikula sina Mark Gil, Monsour del Rosario, Alma Concepcion, Roi Vinzon, Efren Reyes Jr., Alvin Anson, etc.
“Kinakabahan ako dahil ito po ang unang-unang action film na ginawa ko sa buong career ko na ako ang bida,” simula ni Joem nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng nasabing movie kamakailan sa Morita Restaurant sa Fisher Mall, Quezon City.
“Nagpapasalamat ako kay Tatay Val and Sir Boy Roque dahil binigyan nila ako ng chance at training para sa preparation sa paggawa ng isang action film.
‘Dito sa Ang Bagong Dugo, hindi lang po itong basta action film. Pinapakita namin dito ang puso ng tao, lalung-lalo na sa main character, ang pinagdadaanan niya.
“Hindi lang po ito action-packed na pelikula. Makikita niyo po dito ang twist ng istorya, na aakalain niyo po na yung mga nagawa natin dating films, e, straightforward lang ang istorya, ito ay marami siyang twists and turns.
“Ako, I expect of more mature men as audience namin, like age ng daddy ko, sila yung audience na naghahanap ng action movies na nawawala na talaga ngayon.
“Mas nakaka-relate sila sa mga ganoong klase ng istorya kasi, during their time, sa movies, you handle problems with guns, e. Ngayon, you handle problems with words, pero before, patayan talaga.”
Gusto ba niyang makilala bilang action star or dramatic actor?
“I’d like to be known as a character actor. Kasi, as a character actor, ang dami mong puwedeng gawing roles. Puwede kang mag-bida o kontrabida.
“Puwede kang gumawa ng gay roles, action roles. To be a character actor is the best thing for me.
“Pero now, with Tatay Val, talagang hinuhubog niya ako na maging isang aktor na puwedeng gumawa ng action stunts. Sa ngayon, mag-i-stick muna ako sa action roles.”
Sa naturang presscon, nasabi ni Direk Val Iglesias, na sana raw ay si Joem Bascon ang sumunod sa mga yapak ng nasirang action superstar na si Rudy Fernandez na dinirek niya sa ilang pelikula.
“Si Rudy kasi, serious action talaga ang ginagawa niya, unlike si Robin Padilla na nagko-comedy pa. Nakita ko kay Joem yun, bagay sa kanya ang serious action,” ang papuri ni Direk Val kay Joem.
Ano’ng reaction dito ni Joem?
“Siyempre, isa pong malaking inspirasyon sa akin si Mr Rudy Fernandez. Pero siyempre, si Daboy, hindi mo puwedeng mapalitan ‘yan.
“Yung iniwan niyang legacy sa atin, para sa akin, yun na yung inspirasyon for me, para maitawid namin yung pelikulang dala-dala ko.
“Yun nga ang motivation sa akin ni Tatay Val habang nagsu-shoot. Sa mga eksenang nagtatakbuhan, nagbabarilan, kahit pagod na pagod ka na, sasabihin ni Tatay Val ang mga traits o aral na nakita natin kay Daboy noong kasama pa natin siya.
“Siyempre, natutuwa, nae-excite, at nape-pressure! Sana, mag-pull off at mabigyan natin ng justice ang character ko dito sa Ang Bagong Dugo.
“Pero para sabihing ako yung susunod sa kanya, naku, marami pa po akong pagdadaanan…”
Ano’ng pakiramdam ni Joem na full action ito kumpara sa dating drama na ginagawa niya?
“Wala naman, every role naman na ibigay sa akin, it’s the same for me, e. Sobrang hirap pero masaya siyang gawin.”
Pero sa dinami-dami ng actors sa ngayon na puwedeng pagpilian, personal and only choice raw siya ni Direk Val para magbida sa Ang Bagong Dugo.
“Naging stunt director kasi namin si Tatay Val sa action scenes naming ni Alden Richards sa 10,000 Hours [Metro Manila Film Fest entry] with Robin Padilla).
“Natuwa naman ako dahil napili ako ni Tatay Val. Siguro, na-pull off ko doon sa 10,000 Hours, sana, pag napanood niyo itong Ang Bagong Dugo, okay rin. Kayo na ang mag-judge sa akin. Kayo na mag-criticize.”
Noong una bang in-offer sa kanya ang Ang Bagong Dugo ay hindi siya kinabahan, considering na full action ito at siya ang bida’t magdadala ng pelikula?
“Hindi naman po ako kinabahan, nagawa ko naman yung Lihis [action-gay sexy-drama]. Nag-action rin ako doon, pero iba namang action yun. Hahaha! Lahat ng action doon, ginawa ko.
“Dito, ayun, makikita n’yo na naman ang puwet ko rito,” tawa niya uli.
Ang tinutukoy ni Joem ay ang eksenang nasa kulungan sila at re-rape-in siya ng mga bilanggong “uhaw” sa sex!
“Yung eksena, half-awake ako, tapos, ewan ko, nadilaan 'ata ako sa katawan ko at sa puwet ko! E, naka-close up sa kanila [and camera] e, kailangan, mukhang tinototoo nila ang pag-rape sa akin.
“Sabi ko [tungkol sa eksena], ‘Okay lang, bakit hindi? Kaya natin ‘yan!’
“Grabe, naghubad talaga yung mga gumanap na inmates.
“Paano mo ie-edit out yun? Ang dami nila, e, nakitaan sila [full frontal nudity], talagang walang suot kahit plaster.”
Kung tutuusin ay mas grabe nga yung love-sex scene nila ni Jake Cuenca sa batis sa Lihis!
“Dito sa Ang Bagong Dugo, three takes yung rape scene. E, sa Lihis, whole day shoot yung scene na yun sa batis, e!
“Whole day yun, from 9 AM to 4 PM. Grabe talaga yun.”

Sa presscon proper ng new action flick niyang ito, nabanggit ni Joem na ang gusto niyang tahaking landas ngayon sa kanyang movie career ay “action-drama.”
Ano ang pinanggagalingan niya sa sinabi niyang ‘yon?
“Nag-stick kasi sa mata ng tao yung Lihis, e. Ganoon talaga e, ‘di ko matanggal. ‘Pag nakikita nila ako, ‘O, kumusta si Jake [Cuenca]?’ Ganoon na agad, e. Masyadong tumatak, e.
“Kaya sabi ko, i-break ko na muna for a while [ang ganoong impression], mabura yung sexy image. Puwede naming bumalik doon uli, okay lang naming gumawa uli [ng ganoon] kung may magandang script.
“Hindi naman bibilang ng years. E, kunwari, magsusulat uli si Tito Ricky Lee ng nice script like Lihis, pero iba naman, at i-offer sa ‘yo, bakit hindi?
“Basta, ma-break lang for a while [ang gay/ sexy image], basta malaman lang ng tao na kaya mo palang gawin ang kahit na anong role ang ibigay sa ‘yo.”


DREAM ROLE. Ano ba ang dream role ng isang Joem Bascon?
“Alam mo, ang dream role ko, pinag-uusapan namin ni Direk Jerry [Sineneng, his co-manager under Star Magic], yung role na limang tao sa iisang katauhan. Parang schizophrenic. Limang personalidad sa iisang tao.
“Multiple characters, ganoon. ‘Saka yung talagang magta-transform yung character to be transsexual, ganoon. Tapos, kunwari, na-achieve mo na’ng maging ‘trans’, tapos, na-realize mong, ‘Shit, lalaki pa rin pala ako?’
“Tapos, ibabalik mo na naman siya sa emotions noong lalaki. Parang naglalaru-laro siya siguro.
“’Yung iba kasi, ang gusto nila, yung role na nababaliw. Ang dami nang nakakagawa noon, e, so bakit hindi naman maiba?
“Kasi, noong nagawa ko ang Lihis, naisip ko, lahat ng straight [actors], e, kaya pala nila mag-gay role. Depende sa sitwasyon.
“What if nga na kaya mong baguhin talaga totally ang imahe mo emotionally, na talagang magiging transsexual ka, magiging babae ka, pero deep inside, may mahi-hit kang wall na, ‘Shit, mali pala ang ginawa ko, lalaki pa pala ako! Papaano ko maibabalik ang lahat, emotionally at physically?
“Phyically, ‘di mo maibalik, pero emotionally, ‘di ba, parang mababaliw ka?”
Sino ba ang ina-idolize na local actors ni Joem?
“Siyempre, Mark Gil, Joel Torre, Sid Lucero. Mga character actors na kaya nilang gumawa ng kahit na ano.
“Character actor na lang talaga ako. Kasi, ‘di ko na kayang mag-matinee idol, e, ang dami na nila! Graduate na ako doon, sina Daniel Padilla na ang bago ngayon, sina Alden Richards, Aljur Abrenica.”
Ayon kay Joem, among our senior action stars, idols niya rin sina Rudy Fernandez and Fernando Poe Jr.
Nakapanood ba siya ng past films ng mga ito?
“Yes po, kay Tito Rudy, napanood ko ang Pasukuin Si Waway at Alyas Baby Ama,” aniya.
Nabanggit rin ni Direk Val Iglesias sa presscon proper na nakikita nito kay Joem na ito ang “Next Rudy Fernandez” or actor na puwedeng sumunod sa mga yapak ni Daboy bilang action star.
“Sana, sana,” reaksyon ni Joem.
E, di papangatawanan na niya ang “image” na ‘yun?
“Oo, siyempre, why not di ba?”
Obserbasyon ng press na kausap ni Joem, sa age bracket ni Joem, walang ibang puwedeng malinya sa action movies.
“Si Ejay [Falcon],” pagko-korek ni Joem.
“Magka-age lang kami noon, 25-26 na yun. Yung Saka-Saka movie niya, pinag-usapan namin ni Direk Toto Natividad na siya ring director noon.”
Sa Ang Bagong Dugo, ayon kay Joem, halos lahat ng co-stars niya dito ay mga first time niyang nakatrabaho tulad nina Monsour del Rosario, Roi Vinzon, etc.
“First time ko po sa karamihan sa kanila. Si Monsour, alam nating marami rin siyag nagawang action films dati.
“Nagbibilin rin siya ng tips sa action scenes. Magaling at malakas pa rin siyang sumipa. Matangkad, mahaba ang mga legs.
“May taekwando school yata po siya, e, siya ang pambato natin dati. Ngayon, councilor na siya ng Makati.
“Kaya natuwa nga ako noon nang napagbigyan niya kami ng araw ng shoot. Kasi, masyado nga siyang busy.”
As for Joem, wala raw siyang inclination na pasukin ang politics in the future, like Monsour.
“Siguro, ang mag-produce ng pelikula, ‘pag nakaipon soon, pero pulitika, wala talaga.”
Kumusta ang new leading lady niya rito na si Alexis Navarro?
“Si Alexis? Okay siya, mabait siya, under Viva siya now. May dalawa kaming lovescenes dito, simple lang,” sabi ni Joem.


ON HIS GF TRISHA UY. Samantala, kinumusta naman namin ang lovelife ni Joem. Ayon sa actor, masaya ito at in-love sa non-showbiz girlfriend niya ngayon.
“I’m happy, may girlfriend po ako ngayon, si Trisha Uy, TV commercial model po siya. Three years na kami.
“Gustong mag-artista noon, di ko lang alam kung gusto ng parents niya. Kung ako ang tatanungin, bakit hindi, kung gusto niya.
“Puwedeng kontrabidang babae. Para pareho kaming character actors.”
Paano niya na-meet si Trisha?
“Kay April, yung sa PBB [Pinoy Big Brother] before, common friend namin, siya nagpakilala. Nag-date-date kami, tapos, yun.”
Ayon kay Joem, matagal niya itong niligawan. Mas gusto ba niya ang non-showbiz girlfriend kesa nasa industriya?
“Depende kasi, e. Kasi, noong time na yun, non-showbiz ang dumating na nagustuhan ko. ‘Di mo naman mapipigil ‘yan pag dumating.”
Napanood ba ng girlfriend niya ang Lihis?
“Yes, yun yung umiyak siya! ‘Di niya kasi ine-expect na ganoon pala. Ang akala lang niya, meron lang akong NPA gay [lover], noong nakita na niya ang love scene [namin ni Jake] sa batis, sabi niya, ‘Hey, ano’ng ginawa mo?’
“Pero okay naman siya after. Naka-recover agad. Alam naman niyang lalaki ako, e.”
Bakit siya naiyak?
“Nagulat kasi, e, na-shock siya. E, kapitbahay pa namin si Jake, so, kakakuwentuhan pa namin siya.
“Tapos, ten shooting days yun, lagi kaming magkasama. Liblib yung lugar, ano’ng puwede naming gawin? Walang wi-fi.
“Nagkukuwentuhan lang kami the whole time.
“Pero, of course, alam naman ng girlfriend ko na all is just part of work,” pagtatapos ni Joem.
Dapat ay nasa Bwaya si Joem, isang Cinemalaya 2014 New Breed entry, pero hindi siya puwedeng mag-stay sa Agusan del Sur for the shooting period na 15-17 days. Conflict rin kasi ito sa schedule ni Joem ng taping para sa ABS-CBN teleserye na The Legal Wife.


Kasama rin si Joem sa upcoming biopic na Heneral Luna, topbilled by John Arcilla.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN