John Lapus begins shooting for Moron 5 and the Crying Lady sequel; Matteo Guidicelli replaces Mart Escudero


Isa si John “Sweet” Lapus sa maraming celebrities na dumalo sa 1st PEP List Awards na ginanap sa Solaire Resorts Hotel and Casino noong May 20.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ng two-time Golden Screen Awards winner na masaya siya sa kanyang ABS-CBN drama series na Mirabella na pinagbibidahan ni Julia Barretto.

“One reason kung bakit enjoy ako sa Mirabella ay dahil ka-tandem ko si Pokwang. With her around, mas maganda ang eksena namin kasi mayroon na kaming rapport. Mas magaan ang mga eksena namin kasi gamay na namin ang isa’t-isa,” ani Sweet about his co-star na tulad niya ay Golden Screen Awards winner din sa larangan ng comedy.

Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sina Sweet and Pokwang sa isang TV show pero sa pelikula ay dalawang beses na silang nagkatrabaho: sa Apat Dapat which was shown in 2007 at sa Call Center Girl na ipinalabas on November 2013.

Sa bagong serye na Mirabella, ginagampanan nina Sweet at Pokwang ang role ng best friends na sina Rafael “Paeng” Amarillo at Mimosa “Osang” Baleta. Sila ang umampon kay Mirabella nang mamatay ang nanay nito (played by Dimples Romana) na kaibigan nila. Inalagaan nina Paeng at Osang ang ulila na parang tunay nilang anak.

Masayang ibinalita ni Sweet na naka-two days shooting na siya sa Moron 5 and the Crying Lady sequel under the direction of Wenn Deramas. Retained ang original cast members na sina Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano, at Billy Crawford. Bagong addition sa cast si Matteo Guidicelli who replaced Mart Escudero.

Bagong pakikipagsapalaran na naman ito for the Moron 5 and their nemesis na si Becky Pamintuan (played by Sweet).

Excited si Sweet sa pagbabalik-pelikula niya via the Moron 5 sequel. “Marami na naman pasabog ang movie. Sa bagong kuwento, may pamilya at mga anak na ang members ng Moron 5. Dapat din abangan kung ano ang gagawin ni Becky Pamintuan para makatakas sa mental asylum at muling gumanti sa grupo ng Moron 5,” kwento ni Sweet.

“Mas maraming stars kaming makakasama sa Moron 5 and the Crying Lady kasi nga yung mga members ng Moron 5 ay may kanya-kanya nang pamilya. Saka ang takeoff ng kwento ay seven years after supposed to be ay nangyari ang huli naming engkwentro ng Moron 5 kaya mas maraming development sa istorya na dapat abangan,” wika pa ni Sweet.

May isang movie pa raw siya na natitira sa kanyang kontrata sa Viva. Ito dapat ang kanyang launching film pero Sweet is keeping his fingers crossed na kahit mag-eexpire na ang kanyang Viva contract sa June ay makagagawa pa siya ng isang movie para sa film outfit na pinamumunuan ni Vic del Rosario.

May next movie na rin siya sa bakuran naman ng Regal. Ayon kay Sweet, pinadalhan na siya ng script ni Mother Lily Monteverde para sa project na joint venture ng Regal Entertainment at Reality Entertainment.

Feeling ni Sweet ay magiging swerte sa kanya ang 2014. Maganda ang pasok ng taon at pakiramdam niya ay tama ang sabi sa feng shui na 2014 will be a good year for him. Hindi siya masyadong naniniwala sa feng shui pero lahat daw nang inihula sa kanya noong 2013 ay natutupad kaya ang pakiramdam ni Sweet ay makakabawi nga siya, career-wise, sa taong ito.

“Parang maraming mga hindi magandang nangyari sa akin pero I am getting back on track na. Last year ay kinuha akong muli ng Kapamilya Network so ngayong 2014 sana tuluy-tuloy na talaga ang trabaho. Ayokong nababakante so para talagang masaya. Gusto ko rin na maraming work para mabayaran ko na rin ang bahay ko. Once I’ve finished paying my house, gusto ko naman mag-travel.

“Nag-a-advance ako ng bayad sa bahay para umigsi ang number of years na dapat akong magbayad at saka para lumiit din ang amortization. Pero I really want to travel,” pahayag pa ni Sweet.

May forthcoming trip si Sweet sa Canada this year pero ibang set of celebrities from Star Magic naman ang makakasama niya. Last year ay nakasama niya sa Star Magic tour ang mga teleserye boys na sina Xian Lim, Gerard Anderson, Enrique Gil, Rayver Cruz at Enchong Dee. This time naman ay makakasama niya sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Kim Chiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN