Brillante Mendoza eyeing Nora Aunor to be part of his film about Yolanda victims

Brillante Mendoza is photographed with actress-workshopper and Best Actress winner, Natileigh "Natz" Sitoy, for the short film entry, Labas Pasok.



Kaugnay ng una niyang film workshop ay ang puspusan na ang pag-develop ni Brillante Mendoza sa mga talents na naging bahagi nito bilang actors and directors.

"Nagsimula ito [handling talents] dahil sa mga workshops. That's why we have directors na nag-o-observe, and actors na part na rin ng production ko.

"Sa acting, sa directing ngayon, isinasama ko na sila sa production ko, so nate-train na sila.

"Although some of them, or most of them, lumalabas-labas na.

"Continuous lang yung training. Para maintindihan nila yung gusto kong klase ng acting.

Interesanteng malaman na kabilang sa grupo ng bagong talents na dini-develop ngayon ni Brillante Mendoza ang younger half-brother ni Coco Martin na si Ron Cieno.

Si Ron Cieno at iba pang kasabayan, tulad nina Vince Rillon, Aldrico Lubaton Padilla, Luis Ruiz, Raymund Rinoza, Ryan Sy, John Paul Duray, Japo Percero, among others, ay nakakasama na sa mga projects ni Brillante. Ang mga proyekto nila ay TV commercials at ang upcoming action indie film, ang Bigwas, para sa Solar Films.

Nasa grupo rin si Jomari Umpa, ang young actor na gumanap bilang anak ni Joel Torre sa Kabisera, a major winning entry at the 2013 Cinema One Originals Film Fest.

Sa culminating activity ng Brillante Mendoza film workshop ay nagwaging best actor si Jomari Umpa. Nanalo siya para sa pagganap niya bilang sexually-liberated guy na nangambang magkaroon ng AIDS sa short film na Pasa, na entry ng directing workshop participant na si Ernest Gatpandan.

"Even with the directing class, sa choice of stories, namu-mold mo na rin sila," sambit pa ng Cannes Filmfest best director awardee for Kinatay (2009).

Brillante hopes his film workshop becomes an annual event.

Bukod sa acting and directing, magkakaroon na rin ng mas maraming participants para sa iba pang aspeto ng paggawa ng pelikula, tulad ng production design, cinematography and editing.

"Hopefully, kasi masaya, e," Brillante enthused. "Especially kapag nakikita ko yung passion nila para sa ginagawang projects.

"Basically, kami-kami, sa creative team; sina Bing [Lao], ako, although mas sa script si Bing Lao. Meron siyang workshops para sa mga writers."

Next year, magiging full-length films na ba ang gagawin ng workshop participants ni Brillante?

"Mahirap, kasi magastos," aniya. "Pero okay na ako sa short films. Next year siguro, longer lang; mga 10-minute shorts, then 15-minute..."



BRILLANTE AS PRODUCER. Mag-i-isang dekada na rin mula nang magtatag ng sarili niyang indie film outfit si Brillante Mendoza, ang Centerstage Productions.

Ang unang obrang prinodyus at dinirek ni Brillante para sa production outfit niya ay ang Masahista na naglunsad sa young actor na si Coco Martin in 2005.

The film won a major award, Best Film (Video category) at the Locarno International Filmfest, in Switzerland, at mula noon, nag tuloy-tuloy si Brillante Mendoza bilang producer at director ng international prize winning films, kabilang ang Manoro, Tirador, Serbis, Kinatay, Lola, at Thy Womb.

Si Brillante Mendoza rin, through his Centerstage Productions, ang nag-produce ng Unfriend ni Jay Altarejos, na na-exhibit early this year sa Berlin International Filmfest. Inilunsad naman dito ang theater at indie actor na si Sandino Martin.

Ang isa pang pelikula produced by Brillante last year ay ang Dukit ni Armando "Bing" Lao.

Ang pelikula ay tungkol sa Kapampangan sculptor-painter Willy Tadeo Layug; major winner sa MMFF-New Wave 2013 Film Fest, at nominee rin, in various major categories sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na gaganapin this June 2014.

"Balak kong isali ang Dukit sa festivals abroad," sambit ni Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PRO-BADJAO ADVOCACY. Lately, naging abala rin si Brillante Mendoza sa mga gawaing may kinalaman sa pinasusulong niyang advocacy hinggil sa plight ng mga katutubong Badjao ng southern Philippines.

Naging malapit sa puso ng premyadong direktor ang mga katutubong naninirahan sa karagatan ng islang naging sentro ng kuwento ng Thy Womb.

Kaya alarming, para kay Brillante, ang malaman na na-dislocate ang karamihan sa kanila, matapos ang Zamboanga siege at iba pang kaguluhan sa katimugan ng bansa.

"Nagkakaroon ng relocation sa Zamboanga, kaya sinusuportahan ko sila, dahil alam ko naman ang plight ng mga Badjao.

"Nire-relocate sila sa mga bundok, o sa mga lupa.

"E, alam natin na sa dagat sila nakatira. Hindi sila puwedeng mag-exist doon [sa mga bundok].

"Ang problema daw kasi, most of them... parang mga squatters sila doon. Kailangan talaga magkaroon sila ng tamang lugar. O community. Hindi sila puwede sa bundok. Kahit ilagay mo sila doon, hindi naman sila mabubuhay doon.

"So iyan ang tinutulungan ko; itong grupong ito, para ma-relocate sila properly."

"Nilapitan ko na rin si Senator [Loren] Legarda about this.

"Tinawagan na rin niya yung Mayor [ng Zamboanga], pero ang concern na namin ngayon, yung signed petition, kasi ipinasok namin siya sa change.org, para magkaroon kami ng several thousands of signatures: to stop the displacement of the Badjaos at mai-relocate sila sa tamang lugar."

Ayon din sa kilalang director-producer, nai-prinisinta na niya ang mga nakalap na lagda sa tanggapan ni Senator Loren Legarda, na agad ding gumawa ng mga kaukulang hakbang para sa gagawing suporta sa mga Badjao.



SUPPORT FROM NORA AUNOR. "In fact, gusto kong kausapin si Ate Guy [Nora's monicker] para masuportahan niya itong grupong ito," sabi ni Brillante.

Positibo si Direk Brillante na hindi siya magdadalawang-salita kay Nora, dahil may nauna nang pahayag ng layuning pag-suporta ang Superstar, para sa mga naninirahang Badjaos sa Tawi-Tawi, noon pa mang matapos nilang gawin ang Thy Womb.

"Siyempre, sino pa ang susuporta sa kanila? Pero, busy pa siya [Nora], e. Soon, dapat."

Balak din bang gumawa ni Brillante ng pelikula on the current situation of the displaced Badjaos?

"Siguro, not at this moment," saad niya.

"Maliban doon, marami pang issues, hindi lang naman kasi [tungkol sa] mga Badjao.

"Gumawa na rin ako ng tungkol sa mga Aeta [na tinalakay sa 2006 film niya na Manoro]. Ngayon naman, mga Badjao."

Na may nauna na ngang pagtalakay on their plight, sa Thy Womb, in 2002.

"So, iba-ibang minority groups [ang balak kong gawan ng film]."



FILM ON YOLANDA VICTIMS. Napapag-usapan na rin ang gagawing indie film ni Brillante Mendoza tungkol sa Yolanda typhoon aftermath.

Tampok ba rito si Nora Aunor?

"Oo... tuloy pa rin," pag-kumpirma ni Direk Brillante.

May initial talks na sina Nora at Brillante hinggil sa gagawing importanteng proyekto, hindi pa nga lamang matukoy ng director-producer ang mga kaukulang detalye.

"Naghahanap pa kami ng funding, pina-finalize namin. Pero tuloy pa rin ang research, pre-prod."

Kinumpirma rin ito ng PEP sa isang staff member ng Centerstage Productions na si Larry Castillo.

"Kaya kami pumunta sa Leyte, para mag-research," pagtukoy ni Castillo.

"Gusto kasi namin, based sa true experiences [ng mga nasalanta] ang kuwento ng Yolanda [tentative title]," pagtukoy ni Castillo.

"Ang mga funds namin, hindi naman nanggagaling sa mga [co-] producers, but... mga private organizations," pagtatapos ni Brillante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN