Director dubs Zanjoe Marudo as the "young Vic Sotto"

Zanjoe Marudo on why he idolizes Vic Sotto: "Siguro yung ano, yung pagiging relaxed, napaka-relaxed na tao. Tapos yung mga pelikula niya kahit comedy laging may lesson, kung baga lagi siyang may mabuting tao."


Hindi nag-alangan na purihin ng veteran director na si Tony Y. Reyes ang ABS-CBN actor na si Zanjoe Marudo sa press conference ng kanilang pelikula na My Illegal Wife. Ginanap ito kahapon, June 2, sa Dolcelatte Restaurant sa Quezon City.


Makakasama muli ni Zanjoe si Pokwang na naging leading lady na rin niya sa horror-thriller na Cinco (2010).

Sa pagtatapos ng presscon, sinabi ni Direk Tony na napabilib siya sa husay ni Zanjoe magpatawa.

Aniya, "I'm amazed with Zanjoe [Marudo] kasi parang nakita ko ang young Vic Sotto sa kanya."

Dagdag pa ng direktor, "Nagkataon din na idol ni Zanjoe si Vic kaya walang naging problema."


Nakatrabaho ni Direk Tony si Vic sa mga pelikulang Pak! Pak! My Dr. Kwak (2011) at Enteng Ng Ina Mo (2011).

Laking pasasalamat naman ni Zanjoe sa kanyang director nang marinig ang papuri nito.

Sabi ni Zanjoe, "Thank you Direk Tony. Thank you at nagka-trabaho tayo at kahit papaano naramdaman kong ako si Vic Sotto sa pelikulang ito."


VIC SOTTO’S HEIR? Matapos ang presscon, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng press si Zanjoe tungkol sa papuri ibinigay sa kanya ni Direk Tony.

Ayon sa Star Magic talent, matagal na niyang iniidolo si Bossing kaya naman natuwa siya nang malaman na si Direk Tony ang makakatrabaho niya sa pelikulang My Illegal Wife na ipapalabas sa mga sinehan simula June 11.

Sabi ni Zanjoe, "Lagi kong pinapanood yung mga projects niya kaya natuwa ako na si Direk Tony yung kasama namin.

"So at least si Direk Tony laging kasama si Bossing."

Susunod kaya siya sa yapak ni Vic Sotto?

Sagot ni Zanjoe, "Ewan ko kung saan man dalhin. Nung bata ako, sila na talaga yung mga pinapanood ko hanggang ngayon.

"So hindi na talaga nawala sa 'kin, sila Bossing talaga yung nakuha nila yung market ng lalaki."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang dahilan kung bakit niya naging idolo si Vic Sotto?

Tugon ng actor, "Siguro yung ano, yung pagiging relaxed, napaka-relaxed na tao.

"Tapos yung mga pelikula niya kahit comedy laging may lesson, kung baga lagi siyang may mabuting tao."

ZANJOE THE COMEDIAN. Inamin naman ni Zanjoe na hindi pa niya gamay ang paggawa ng comedy projects kahit na sunud-sunod ang pasok nito.

Bago ang My Illegal Wife, ilang comedy films na rin ang nagawa ni Zanjoe kabilang ang Bromance: My Brother's Romance (2013), Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme (2012), at Wedding Tayo, Wedding Hindi (2011).

"May ginagawa naman akong projects na sa unang araw talaga naprepressure pa ako, hindi ko pa alam yung gagawin.

"Then yun pag nasundan na, second day, third day, doon ko pa lang nararamdaman paano talaga yung flow, yung flow ng character ko, yung flow ng istorya.

"Kasi yung unang taping ng nashooting namin dito medyo ligaw pa ako, e.

"Wala pa akong alam comedy pero minsan nagiging drama pero nung tumagal na ayun, kusa nang kumilos yung katawan ko na comedy."

Dagdag pa ng aktor, hindi pa niya makukunsidera ang sarili bilang isang ganap na komedyante. Paliwanag ni Zanjoe, "Hindi mo masasabi na komedyante pa ako, kasi hindi mo naman ako maiiwan sa stage, e.

"Kung kaya kong patawanin yung audience, hindi ko kaya yun."

Dagdag pa niya, "Siguro nasasabihan ako na komedyante kasi nabibigyan lang ako ng project na comedy and hindi naman ako yung kailangan gumawa ng mga para magpatawa.

"Sinusunod ko lang kung ano yung ginagawa nila.

"Actually nung una mahirap nung una, kasi itong movie namin na ito kahit na magdrama may value pa rin ng comedy.

"Hindi naman siya talaga tinatake na pag drama, straight drama; pag comedy, straight comedy."

Na-pressure kaya si Zanjoe matapos ang success ng kanyang huling pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro ngayon, mas nabawasan ng konti dahil siyempre kasama ko na si Pokwang hindi katulad dati ng Bromance, dalawa lang ako, mag-isa lang ako noon e, ngayon siyempre nabawasan din.

"Natutuwa ako, natutuwa ako sa movie and sana panoorin ito ng mga tao dahil ang ganda ng pagkakasulat at nag-enjoy kami sa buong pelikula nila direk.

"Ang dami na nga naming nakukuha, hindi namin alam kung paano namin ipapasok sa pelikula."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN