Pokwang thankful to Bea Alonzo for supporting My Illegal Wife: "Mas siya pa nga yung excited sa amin kung maka-post sa Instagram."

Pokwang on leading man Zanjoe Marudo: “Hindi naman ako choosy sa panahon ngayon, hindi na ako maarte, 'no? Tisoy, moreno na kagaya ni Zanjoe. Napakasuwerte lang na si Zanjoe, pinagsasama na yung moreno, guwapo, mabait, gentleman."


Isa sa mga excited na mapanood ng pelikulang My Illegal Wife nina Pokwang at Zanjoe Marudo ay ang girlfriend ng aktor na si Bea Alonzo.

Gusto raw nitong mapanood ang pag-i-spoof sa kanya ni Pokwang mula sa pelikula nila nina Dingdong Dantes at Enrique Gil na She’s The One (2013).

Sabi nga ni Zanjoe, kahit may kissing scenes at bed scenes sila ni Pokwang sa pelikula, hindi nagseselos si Bea.

Pagpapatunay naman ni Pokwang, “Tawang-tawa nga siya.

"Actually, mas siya pa nga yung excited sa amin kung maka-post sa Instagram.

“Kaya very thankful kami kay Bea, unang-una, nagpu-push siya na panoorin kami.”

Magkatambal sina Pokwang at Zanjoe sa pelikula.

Nagpanggap si Pokwang na asawa ni Zanjoe, na nagkaroon ng amnesia, para lang magkaroon ng father figure ang kanyang mga anak.

Sa trailer, maraming eksenang nagpapakita ng kaguwapuhan at ka-macho-han ni Zanjoe.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pokwang sa presscon ng pelikula kahapon, June 2, sa Dolce Latte Coffee and Resto, kung ano naglalaro sa isip niya kapag nakikita niya ang kakisigan ng kanyang leading man.

Sagot ng Kapamilya comedienne, “Hindi naman ako choosy sa panahon ngayon, hindi na ako maarte, 'no?

"Tisoy, moreno na kagaya ni Zanjoe.


“Napakasuwerte lang na si Zanjoe, pinagsasama na yung moreno, guwapo, mabait, gentleman."

TSANSING. Masaya raw ang naging samahan nila ni Zanjoe sa set.

Ayon kay Pokwang, “Naalala na lang namin yung kasiraan ng ulo namin sa set.

"Ginagawa na lang namin ito para marami kaming mapasaya.”

Malaking bagay ba ang pagiging komedyante niya para hindi siya mapag-isipang nagte-take advantage sa mga payakap-yakap at pahalik-halik niya kay Zanjoe?

Ani Pokwang, “Advantage yun, aminin na natin.

"Hindi halata yung para-paraan, may mga para-paraan.

“Pero siyempre, with the utos of direktor na rin at hinihingi ng eksena.

"Kaya lang, 'pag komedyante ang gumawa, parang hindi masyadong bastos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POKWANG REIGNS. Sa presscon ng My Illegal Wife ay binansagan sina Zanjoe at Pokwang na “King and Queen of Skylight” dulot ng box-office success ng mga pinagbidahan nilang mga pelikula.

Ipinagdiinan ng komedyana na hindi sa kanya galing ang title na “Queen,” pero ikinatutuwa niya ang mabansagang ganito.

Saad pa niya, “Ay, dyuskupo! Hindi sa akin nagmula 'yan, ha?

"Pangit naman kung sa aking nagmula.

"Pero kung yun ang kanilang paniniwala at ibinigay na tiwala, ang saya-saya lang.

“Tuloy lang ang bigay ng saya sa followers.”

Hindi ba malaking responsibilidad ito na i-maintain ang stature niya bilang "reyna"?

Tugon ni Pokwang, “E, alam mo naman sa buhay ng isang tao, kailangan meron kang responsibilidad para may mahuhugot ka.

"Pagbutihin mo ang ginagawa mo saka maging inspirasyon mo yun.

“Pressure, oo, totoo yun. Kailangan e.”

Ang Skylight Films ang subsidiary movie arm ng Star Cinema na nag-produce ng My Cactus Heart (Maja Salvador, Mateo Guidicelli, Xian Lim); Corazon: Unang Aswang (Erich Gonzales, Derek Ramsay); Amorosa (Angel Aquino, Enrique Gil, Martin del Rosario); Bromance (Zanjoe Marudo, Cristine Reyes); Tuhog (Eugene Domingo, Enchong Dee, Jake Cuenca); Call Center Girl (Pokwang, Jessy Mendiola, Enchong Dee), at ang latest na My Illegal Wife.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN