Joem Bascon finds it more difficult to portray a gay character compared to being an action star

Bilang preparasyon sa kanyang role sa Ang Bagong Dugo, kinailangan ni Joem Bascon na matuto na bumabaril habang pinapaandar ang isang motorsiklo. Mapapanood ang action-drama film na ito simula June 18, 2014.


Bago at kakaiba para kay Joem Bascon ang action genre, kaya naging malaking challenge sa kanya ang paggawa ng bagong indie film titled Ang Bagong Dugo.
Mas nahasa at nakilala siya sa drama at pagiging bad boy, pero mas nagmarka si Joem para sa pelikulang Lihis na gay ang tema.
Kaya naman aminado si Joem na kinabahan siya sa pelikulang ito na ipalalabas na sa June 18.
Ano ang masasabi niya sa bagong chapter na ito sa kanyang career?
Sagot ni Joem, “Ngayon ay excited po at kinakabahan.
“Sana ay tanggapin ng mga Kapamilya at ng masa iyong pelikula namin.
“At least ngayon ay sinusubukan po namin na maibalik yung action.
“Sana matanggap po in a positive way ang pagbalik namin sa action.”
Patuloy niya, “Happy ako to be part of a film na ibinabalik yung mga action genre dati, iyong old school na walang CG [computer graphics].

“Happy po ako na at least, ‘di ba, magiging daan o maging part ako ng pagbabalik ng action films sa industriya ng pelikula.
“I’ve done a couple of films na starring role, like iyong Lihis.
“Pero this is the first na talagang ako ang bida, tapos ay action pa kaya medyo kinakabahan po talaga ako.’
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joem sa premiere night ng Ang Bagong Dugo noong May 25 sa Fisher Mall sa Quezon City.

A DIFFERENT JOEM. Ibang Joem ba ang makikita sa kanya sa pelikulang ito na prodyus ng 3J’s Film and Entertainment Production Incorporated?
“Yeah, ibang Joem ang makita nila sa akin sa pelikulang ito.”
Hindi kaya manibago ang mga sumusubaybay sa iyo na from kontrabida and gay roles, mapapanod ka naman ngayon sa hard action?
“Sana ay manibago sila. At least, para makita naman nila iyong range ng acting.
“Ako, mas happy ako kung maninibago sila sa akin sa pelikulang ito dahil makikita nila iyong transition ng ibang Joem naman.”
Ano ang naging reaction mo noong sinabi sa iyo na ikaw ang bida rito?
“Siyempre kinabahan ako, e, kasi, laging support role lang ang ginagawa ko. Kung kinukuha man ako sa lead, hindi siya lead, it’s more of an ensemble cast...na madami kami. Pero now, parang naka-focus sa akin [yung movie] tapos mas pressure, kasi action ang ibinabalik namin.
“Happy ako, kasi at least si Tatay Val [Iglesias] ang director nito. So, sana ay kagatin ng masa natin yung action films, kasi ang tagal na nating hindi nakakakita ulit ng action movie.”
Tingin mo Joem, eto ba yung right vehicle para sa iyo?
“Alam mo hindi, hindi naman. I mean, every film or every teleserye, mayroon yung right vehicle for me. It’s more of, ano lang, yung siguro, sana ma-portray ko ng tama yung character ko. Na maramdaman ng tao kung ano man yung pinagdadaanan ko.
“Tapos, sana ma-feel nila na, ’Ay oo nga, action film itong ginagawa ni Joem.’ And after that, sana ay tanggapin nila ng buong puso yung buong pelikula.”
Na-challenge ka ba sa pelikulang ito?
“Oo sobra, kasi hindi naman ako nag-a-action, hindi ba? More on drama ako e, dramatic actor ako, e.”
Sinabi rin ni Joem sa PEP kung paano niya pinaghandaan ang kanyang role rito.
“Kasi active naman ako when it comes to physical training, boxing … pero ngayon lang ako nag-rolling, ngayon lang ako bumaril ng tama.
“So, with the help of Direk Val and the whole cast, tinuruan nila akong bumaril, kung papaano makipaglaban in front of the camera, yung pagiging stuntman. So, tinuruan nila ako ng tamang ways kung papaano magiging cinematic yung eksena.
“Kasi iba yung suntok sa boxing, e. Iba yung totoong contact sports in front of the camera. So yun, noong tinuruan nila ako and sabi ko, ‘Ah, may pagkakaiba pala, may ibang disiplina pala yung dalawang martial arts na yun.’”
Sinabi rin niya kung saang mga eksena siya nahirapan dito?
“Hindi kasi ako marunong sumipa e,” nakatawang saad ni Joem. “Tinuruan nila akong sumipa.
“Actually si Ian [Ignacio, co-star niya sa Ang Bagong Dugo], na-injure siya sa pagsipa niya, natamaan niya iyong parang pole. So, nagdugo talaga yung knee nya. And siya nga talagang taekwondo player na siya, ako hindi ako marunong. So papaano pa kung ako?
“Pero sabi nila, ibigay ko lang daw iyong tiwala ko sa kanila at sila ang bahala sa akin. So yun, ginawa ko naman lahat [ng sabi nila] at nagawa ko naman ng tama yung mga eksena.”
Iyong mga action star ay matitinik sa chicks, may love scene ka ba rito?
“Ang daming love scenes, Hahaha!” Nakatawa niyang sagot. “Hindi, hindi, joke lang,” biglang bawi ni Joem.
“May love scene, pero siyempre sa isang action film ay hindi mawawala yung punto ng pagmamahal e. Actually, hindi lang sex scenes iyan e, kasi yung iba hindi ba kapag action, akala nila ay may sex scenes na kaagad? Pero hindi e, dito ay may pagmamahal kasi yung ginawa namin [referring to his leading lady Alexis Navarro] sa eksena. So panoorin n'yo na lang at sana ay matuwa kayo,” nakangiting sabi pa niya.
Sinabi pa ni Joem na isa itong old school na action film na may bagong timpla.
“Makikita nila rito yung collaboration ng old school at ng mga bagong idea. So, nagko-converge siya to build a better foundation para sa pelikula.
“Kaya proud kami para sa Ang Bagong Dugo, kasi hindi lang siya typical na old school na action film, ito yung collaboration ng pagkaka-intindi ng henerasyon namin ngayon at yung henerasyon nila dati. Na pinag-converge namin, kaya mayroon kaming bagong ipapakita sa masa.”
Swak ba ang movie niyang ito ito sa lahat ng mahihilig sa action?
“Yes, swak na swak ito sa mahihilig sa action, lalo na iyong tatay ko, iyong mahihilig noon sa action at mahihilig ngayon sa action. Kasi medyo may halo na ng teknolohiya yung action ngayon e.
“Ngayon, ihahalo namin yung parang new breed ng action sa old school na ipaparamdam namin na noong wala pang computer graphics, heto yung ginagawa namin. Pero may ihahalo kaming teknolohiya ngayong panahon, na mas mapapaganda pa yung pelikula.”
After starring in Ang Bagong Dugo, willing ka bang gumawa ulit ng action movie?
“Willing po akong gumawa ng action film, gay films… at kung anuman ang ibato sa akin. Lahat ay gagawin ko po, basta mapasaya ko ang mga manonood natin… mga kapamilya, kapuso. Hindi na ako mamimili basta mapapaligaya ko ang mga manonood, happy na po ako roon.”
Mas mahirap bang mag-action kaysa sa mga ibang ginawa mong pelikula?
“Sorry po, aaminin ko na, mas mahirap gumawa ng gay roles,” diretsahang sagot niya.
“Kasi, paano ko ba sasabihin ito?” wika niya habang nag-iisip ng isasagot. “Hindi kasi, wala sa personality ko kasi iyon. So, kapag ginagawa ko ito, talagang nagta-transform ako into a different character.
“Kapag action, siyempre ay mayroon kang emotion na pinagdadaanan noong character. Pero kasi, not to offend naman the third sex, pero kasi, sanay naman akong gumawa ng straight na character. So, kaya mo na siyang manipulahin,
“Pero kapag may third sex na [character], siyempre ay medyo maselan na, e. Parang, may iko-consider ka na baka ma-offend ang mga member ng third sex. Na baka kapag nakita nila, sabihih nila na, ‘Ay hindi naman kami ganyan e, bakit ganyan iyong ginagawa niya?’
“So, parang, bakit mo gagawin iyon ng ganoon kung hindi naman tama? Dapat, buo iyong character mo. Kaya mas mahirap iyong third sex na character, dahil mas mahirap timplahin iyon,” mahabang tugon niya.
Dagdag pa ni Joem, “Kapag action scenes kasi, puwede naman akong magpagulong-gulong diyan. Iyong third sex kasing emosyon, iba kasi iyong pagmamahal ko sa kapwa ko, mag-iiba iyon, e, kaysa doon sa pagmamahal ko sa babae. Kahit sabihin nating pagmamahal iyan, iba pa rin kasi dapat iyong ipo-portray mo.
“Kasi, hindi natin puwedeng gawin na parang half-baked iyong emotions ng third sex. Kasi nga, siyempre ay medyo maselan iyong sitwasyon nila ngayon, na ngayon pang natatanggap na sila. So, kailangang gawin siya ng buong puso mo talaga.”
Bukod kay Joem, ang Ang Bagong Dugo ay tinatampukan din nina Mark Gil, Monsour del Rosario, Alma Concepcion, Dick Israel, Efren Reyes Jr., Annaliza Baldondo (na mas kilala bilang Milagring), Alvin Anson, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN