Young cast of "Bahay Kubo" learn invaluable lessons from Maricel Soriano

by Dinno Erece
Dec 8, 2007
Four of the young cast members of Bahay Kubo—Shaina Magdayao, Yasmien Kurdi, Jiro Manio, and Rayver Cruz (inset)—talk about their working experience with Diamond Star Maricel Soriano.


Sa presscon for the bagets cast na kasali sa Bahay Kubo ng Regal last Wednesday, December 5, kapansin-pansin na iba't iba ang tawag nila sa kanilang "ina" sa pelikula na si Maricel Soriano as terms of endearment.

Dahil maraming beses nang nagkasama sina Shaina Magdayao at Maricel, "Inay" ang tawag ng young actress sa Diamond Star—a name most often used when referring to Marya. "Tita Mary" naman ang tawag ni Jiro Manio kay Marya na minsan na ring nagamit noon sa fantasy sitcom na Mary D Potter. "Ate Marya" ang tawag ni Rayver Cruz na bagama't nagkikita sa bakuran ng ABS-CBN ay hindi pa talaga nagkakasama, ‘tulad ng sa Bahay Kubo. Ang nag-iisang Kapuso star that presscon na si Yasmien Kurdi ay "Tita Marya" ang tawag kay Maricel.

Iba't iba man ang tawag nila kay Marya, unanimous silang nagsabing napakarami nilang natutunan while working with her.

Hands-on acting experience ang nakuha ni Yasmien kay Maricel.

Continue reading below ↓

"Sa mga eksena po kasi namin, ina-act niya muna ang dapat kong gawin lalo na sa mga close-ups ko. Siya muna ang gagawa kung paano. Sasabihin niya, ‘Ganito gawin mo kapag narinig mo na ang line na ito.' ‘Tapos gagayahin ko po. Ang dami ko pong natutunan sa kanya sa ganitong paraan," kuwento ni Yasmien.

Ilan lang ang eksena nina Maricel at Rayver sa Bahay Kubo, ngunit natuto raw ang young actor kung paano atakihin ang role.

"Kasi po, bago po mag-take, siya [Maricel] handa na. Sila [Yasmien, Shaina, and Marian Rivera] harutan pa nang harutan. Kaya ako po, nang nakaeksena ko na siya, hindi pa umaandar ang camera, pini-prepare ko na rin ang sarili ko," sabi ni Rayver.

Ito rin ang natutunan ni Shaina kay Maricel.

"Sinasabi sa amin ni Inay kapag magkakasama kami, tumigil muna kami sa harutan at kulitan. Para ‘pag umandar na ang camera, in character na po kami," lahad ni Shaina.

Continue reading below ↓

Proper emotion naman ang natutunan ni Jiro kay Maricel.

"Kapag magkasama kami, sa tindi ng emotion ko, naiiyak ako agad. Lalo pa nakaka-relate ako sa kanya kaya tumutulo agad luha ko ‘pag mabigat na eksena na. Sabi sa akin, kontrolin ko raw ang iyak para mas matindi ang dating. Mas hindi kasi umiiyak, mas naaarte nang tama ang bigat ng emotion," kuwento ni Jiro na maagang naulila sa ina.

Para rin sa kanilang apat, unforgettable experience ang pakikipagtrabaho nila sa nag-iisang Diamond Star.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Four of the young cast members of Bahay Kubo—Shaina Magdayao, Yasmien Kurdi, Jiro Manio, and Rayver Cruz (inset)—talk about their working experience with Diamond Star Maricel Soriano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results