Joyce Ching all keyed up during shoot of indie film Sitio Kamkam

Joyce Ching recalls the pressure of working film director Joel Lamangan in the indie film Sitio Kamkam: “Gusto niya rehearsal pa lang ginagawa mo na yung gagawin kapag take na."


Hindi daw naiwasang kabahan ang Kapuso Tween Star na si Joyce Ching ng makatrabaho niya for the first time ang award-winning director na si Joel Lamangan sa indie film na Sitio Kamkam.

“Nakakanerbiyos si Direk Joel," pahayag ni Joyce sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Gusto niya rehearsal pa lang ginagawa mo na yung gagawin kapag take na.

“Sobrang nakaka-preasure talaga.

"Kung ano yung level mo nung rehearsal kailangan ganun din pag nag-take na.

“First time ko kasi siyang nakatrabaho kaya hindi ko alam na ganun pala ang gusto niya sa isang artista.

“Pero enjoy naman akong katrabaho siya kasi magaling at mabait si Direk Joel bukod sa marami talaga akong natutunan sa kanya when it comes to professionalism at pagmamahal sa trabaho."

GOOD TRAINING. Hindi naman daw siya nasigawan ni Direk Joel na naging kilabot sa industriya dahil sa ugali niyang ito.

Kuwento ni Joyce, “Wala naman po kasi nung nalaman ko na ganun ang gusto niya sa artista na kailangan laging ready, sinigurado ko na lagi akong handa pagtungtong ko sa set or else alam ko na ang mangyayari.

“Mabait siya pero sinabi nga niya na ayaw niya ng tanga na artista.

“Gusto niya kapag pupunta ka ng set alam mo ang gagawin mo.

“Kaya lahat kami laging ready kapag dumarating sa set.

“Magandang training nga yun kasi nabibigay mo yung best mo, yung 100 percent mo."

BUSY. Masaya si Joyce ngayon dahil hindi siya nawawalan ng project sa GMA-7.

Sa pananaw niya, “Masaya po kasi alam naman natin na mahirap mabakante kasi parang nakakalimutan mo yung pagarte, parang balik ka na na naman sa feeling mo naguumpisa ka.

“Yung pakiramdam na ang tagal mong nawalan ng trabaho tapos biglang magkakaroon ka.

"Yun yung medyo kakabahan ka kasi matagal kang hindi umaarte.

“Naramdaman ko rin kasi yun nung time na medyo matagal bago nasundan yung next project ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung adjustment sa namahinga ka ng matagal tapos bigla kang aarte ulit.

“Mas maganda kasi kapag dire-direcho kasi mas nahahasa ang acting mo.

“Kaya nga ngayon thankful ako sa GMA-7 kasi sunod-sunod ang proyektong ginagawa ko sa kanila.

“At least napa-practice ko yung acting ko at mas napapagaling ko kasi sunod-sunod ang trabaho ko.

DREAM HOUSE. May pinagiipunan ka ba kaya gusto mong sunod-sunod ang trabaho mo?

Ayon kay Joyce, “Hindi naman, gusto ko lang talagang may trabaho lagi.

"Katulad ng sabi ko sa aming mga artista mahirap yung nababakante lalo na’t passion mo ang pag arte.

“Malaking factor kasi sa artist na laging may trabaho para napa-practice niya ying kanyang acting sa iba’t ibang roles na binibigay sa’yo.

“Mas nahahasa ka at mas gagaling ka.

“Pero sa ngayon naman kasi nag iipon pa rin ako para makabili ng dream house ko.

"'Yun kasi yung gusto ko talagang magkaroon di lang para sa akin kung hindi para na rin sa pamilya ko.

“Wala akong peg kung anong klaseng bahay siya.

"Basta ang gusto ko lang malaking bahay para sa aming lahat.

“Hopefully makaipon ako ng sapat na halaga para makabili ako ng malaking bahay na gusto ko.

“Pero sa ngayon kailangan talaga na kumayod para makaipon ng pera para sa aking dream house.

NO LOVE. Nang tanungin ito tungkol sa kanyang love life, mabilis ang naging tugon ni Joyce, “Naku wala!"

Tama na raw muna ang love life, "career muna."

Saad pa niya, “If ever na papasok ulit ako sa pakikipagrelasyon mas gusto ko na ready na ako.

“Sa ngayon kasi hindi pa ako ready, kumbaga pahinga muna ako sa love life.

“Mas gusto kong atupagin ang career ko at isantabi muna ang buhay pagibig.

“Alam ko naman na darating din ang right time for that.

"Pero right now habang maganda ang takbo ng career ko, ito muna ang uunahin ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN