Nora Aunor’s character gets beaten up in Cinemalaya entry Hustisya

The 2014 Cinemalaya entry Hustisya is topbilled by (L-R) Rocco Nacino, Rosanna Roces and Nora Aunor.


Masaya at punung-puno ng sigla ang tinig ng premyadong mandudula at nobelistang si Ricardo “Ricky” Lee, patungkol kay Nora Aunor. Si Ricky ang may akda ng screenplay ng pelikulang Hustisya kunsaan bida ang Superstar.

"Ibang Nora Aunor!" bungad ni Ricky Lee, ugnay sa lead actress ng Hustisya sa pinakahuling interview niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Ibang-iba, dahil siyempre, mas mature na si Guy ngayon, at malaki na ang ipinag-iba ng panahon."

Dagdag ni Ricky, "At unlike noon, na ang main characters ay sina Nora at Boyet [Christopher de Leon], ngayon ay si Nora na lang [ang bida] na napapalibutan ng lahat ng characters.

"Mas masama din ang character ni Nora ngayon, compared noon... na mas inosente," saad pa ni Ricky.

Bilang maikling pagbabalik-tanaw, ang Hustisya ay nagsimula bilang konsepto at nasimulang i-develop ni Ricky Lee ang kuwento at screenplay ng pelikula noong 1984, bilang obra ng late National Artist for Film na si Ishmael Bernal para sa Regal Films.

Ang mga bida ng nasimulang i-shoot na pelikula ay sina Nora Aunor at Christopher de Leon, bilang simpatiko ngunit tusong abugado na ima-manipulate ang sitwasyon ng pagkakakulong ni Nora, sa papel ng isang low-class bar girl na na-accuse ng murder.

For some reason, na-shelve ang pagsasa-pelikula ng Hustisya noon, pero iningatan ni Ricky Lee ang materyal niya, upang mai-update ngayong 2014, matapos ang tatlumpung taon.

Ang 2014 version ng Hustisya, na nasa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan, ay napili bilang Cinemalaya entry. Bilang parte ng Directors Showcase category ng 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, nakatakdang ipalabas ang Hustisya sa mga venues tulad ng Cultural Center of the Philippines, Trinoma, at Ayala Malls mula August 1-10, 2014.



SOLO LEAD STARRER. Sa bagong kuwento ng Hustisya, ayon kay Ricky Lee, si Nora na lang ang bida, bilang si Biring, na napapalibutan ng mga corrupt na characters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Biring ay dating probinsiyang lumuwas ng Maynila at nag-trabaho sa kanyang pinsang si Vivian (Rosanna Roces) na sangkot sa mga illegal na gawain, tulad ng human trafficking.

"Mas masama din ang character ni Nora ngayon, compared noon... na mas inosente," banggit nga ni Ricky.

Nora's character, as Biring, was further described in the story synopsis, thus: "A foul-mouthed woman, who sees no evil and hears no evil amidst the corruption around her. But when she is framed up for murder, she is forced to confront realities. She experiences the slow grind of justice in the Philippines; the corrupt practices of the powers that be and realizes the utter helplessness of it all."

Kabilang sa mga co-actors ni Nora ay sina Rosanna Roces, Gardo Versoza, Romnick Sarmenta, Jeric Gonzales, John Rendez, Chynna Ortaleza, Sunshine Dizon, Miles Kanapi, Tony Mabesa, Jim Pebanco, at iba pa.



ATTY. GERALD ON MS. NORA. Ang papel ng abugadong tuso, na gagampanan sana noon ni Boyet de Leon, ay naiatang ngayon kay Rocco Nacino.

Lubos ang pagpapasalamat ng young actor sa pagkakataon na gumanap bilang si Gerald, isang abugado.

"To be able to work with Ms. Nora Aunor is such a huge honor!" sambit ni Rocco sa isang hiwalay na interview ng PEP.

Maraming shooting days na ang nagugol ni Rocco with Ate Guy para sa Hustisya.

"Nakakakaba, pero nakakaraos naman," aniya pa.

Paulit-ulit ding binabanggit ni Rocco sa mga nakakausap na taga-press, patungkol kay Nora Aunor, na "Talagang tototo yung [sinasabing] nangungusap yung mga mata niya.''

Bilang co-actor, ano naman ang masasabi ni Rocco sa pagta-trabaho nila ni Ate Guy?

"Mabait siya [Nora], nagbibigay talaga. Nagbibigayan kami, so, it's ah... ginagawa niyang madali ang eksena para sa akin.

"Nakikipag-kuwentuhan siya sa amin, nakikipag-tawanan sa amin, kaya nagiging madali lang ang lahat.

"Magaan ang trabaho, dahil sa kanya," pagpupuri pa ni Rocco kay Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minamahal niya ang mga co-stars niya."



“BUGBUGAN” SCENE INSIDE PRISON.
Natutuwa rin si Ricky Lee sa puspusang trabaho at dediskasyon na expected of Hustisya director, Joel Lamangan.

Ang kapansin-pansin daw na pagkakaiba ngayon, mas focused ang premyadong direktor sa idinidireheng materyal, down to the last details.

"Talagang pinagbubuti ni Joel [Lamangan, direktor ng Hustisya]; yung treatment, pati sa hitsura ni Guy."

Kaabang-abang, base rin sa kuwento ni Ricky Lee, ang jail scenes sa Hustisya, involving Nora and co-actors Sue Prado, bilang naka-assign na police woman sa presinto; Mailes Kanapi, bilang striktang “mayora” (jail warden) at Chynna Ortaleza, ang inmate na may ka-relasyong tomboy.

Noong unang linggo ng Mayo kinunan ang jail scenes.

Kuwento ni Ricky Lee sa PEP: "Yung na-shoot the other day, bugbugan, e. Bugbog sa kanya [Nora] ni Mailes Kanapi, e. Todo-bugbog talaga..."

Hindi ba maiku-kumpara, o makakahalintulad ng pelikulang Bulaklak Sa City Jail (1984) ni Mario O'Hara, ang Hustisya (2014) ni Joel Lamangan?

"Ah, yung jail scenes dito, ano lang... ilang scenes lang.

"E, [sa mga eksena], si Guy pa ang nagtuturo kay Mailes Kanapi. Kasi naghe-hesitate si Miles na buntal-buntalin siya.

"Sasabihan naman siya ni Guy ng, 'Hindi... sige, itodo mo! Ibuwelo mo yung kamay mo nang ganito... yung mas malayo ang buwelo, para mas malakas ang tama...'

Si Nora pa nga raw mismo ang nagmumuwestra ng posisyon o paggalaw na dapat gawin.

"Siguro mga 18 sequences yung jail scenes. In one day, natapos yung mga eksena sa loob ng jail, e. Konti lang.

"Bago mag-take, in character na si Guy, e."

Fulfilling ba for Ricky Lee, as a writer, ang nakikita niyang pagta-trabaho nina Nora at mga co-actors sa bagong Cinemalaya entry?

"Oo, sa akin, as a writer, masaya ako sa nangyayari, kasi nakikita ko yung pagbuhos ni Joel ng lahat-lahat [para mapaganda ang pelikula].

"Pero si Guy din, nakikita ko din na ganado siya, e. At saka, pagka gusto niya ang project, nakikita ko, ganado siya, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN