Allen Dizon on co-star Jackie Rice: "Makikiliti ang imahinasyon ng mga lalaking nagpapantasya sa kanya."

Allen Dizon has just finished shooting for the drama film Kamkam (Greed): “I feel blessed na hindi ako nawawalan ng movie offers dahil dito, mas lalo pa akong nai-inspire na pagbutihin ang trabaho ko.”



Nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen Dizon na nakahubad habang nagpi-pictorial sa studio ni Edward dela Cuesta sa Quezon City, kahapon, June 10.

Ang nasabing photo shoot ay para sa pelikulang Kamkam (Greed) ng Heaven’s Best, na idinirek ni Joel Lamangan at nakatakdang ipalabas sa July 9.

Leading ladies ni Allen sa pelikula sina Jean Garcia, Sunshine Dizon, at Jackie Rice, na gumaganap bilang mga asawa niya sa istorya.

Dati kasing nagbitaw ng salita ang aktor na graduate na siya sa sexy roles.

Nakangiting sabi ni Allen, “Balik-sexy kasi kailangan sa istorya.

“Meron kaming love scene ni Jackie, 'tapos meron din kami ni Jean.

“E, unang-una, maganda yung project at saka yung istorya. Si Direk Joel pa ang director.

“Si Direk Joel ang nag-request na, 'Kailangan ganito, kita yung butt, ganyan-ganyan.'

“So, wala naman akong choice!” sabay tawa ng aktor.

Dagdag ni Allen, “Kung gaano ka-sexy yung ginagawa ko noon, ganun ang mapapanood sa pelikula.

“Pero hindi na puwedeng mas daring pa!”

Pinaka-daring daw ang eksenang may butt exposure siya sa love scene nila ni Jackie.

“Pero may plaster naman. Hindi puwedeng wala.

“Hindi ako pumapayag na walang plaster para makagalaw ako nang maayos.

“At saka nakakahiya naman sa ka-partner mo sa eksena kung makitaan ka. O magkakitaan kayo ng… 'di ba?

“Mahirap naman ‘yon. So, mas magandang may plaster.

“Kumbaga, hindi naman kailangan na magpakita ka ng private part, so itago mo na lang!

“Huwag mo na lang ipakita!” natatawang sabi ni Allen.

JACKIE RICE. Pinaghandaan pa ba niya ang mga maseselang eksena sa pelikula, lalo na ang love scene nila ni Jackie?

Ayon sa aktor, “Hindi na masyado. Kasi kumbaga, ako naman ang magdadala dun sa kaeksena ko.

"Kasi, unang-una, mas alam ko yung tungkol sa love scene, kasi sanay na ako dun, e.

“So, ako yung mag-iingat sa kapareha ko dun sa eksena at naging kumportable naman sa akin si Jackie nung kunan ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman siya kinabahan o nailang sa akin. Kasi alam din naman niya na trabaho lang.

“Okay katrabaho si Jackie.

"Unang-una, napaka-professional niya.

“Magaling siyang artista, 'tapos sexy at maganda.

“Sigurado ako, kapag napanood siya sa pelikulang ito, makikiliti ang imahinasyon ng mga lalaking nagpapantasya sa kanya.

“Kasi makikita nila yung kaseksihan ni Jackie Rice.”

Hindi ba siya natangay sa pakikipag-love scene kay Jakie?

“Hindi naman yung tangay na tangay!” tawa ni Allen.

“Unang-una, kapag nagandahan ka sa partner mo, madali lang for you na mailabas yung pagiging sensuwal na kailangan sa ganung eksena.

“Pero hindi naman yung madadala ka na talaga. Hindi naman gano’n.

“Kasi more on professionalism dapat pagdating sa mga ganyang eksena.”



IN DEMAND. Mula sa pagiging sexy actor, nagawang ihulma ni Allen ang kanyang sarili bilang isang magaling at premyadong aktor.

Ilang acting trophies na ang kanyang napanalunan mula sa FAMAS, Star Awards, Gawad Tanglaw, at Pasado Award.

Sabi niya tungkol dito, “Happy ako. Mula sa pagiging sexy actor ay naging award-winning actor ako.

“Kumbaga, nakikita ko ang pinagpaguran ko from that time na nag-i-struggle ako sa career ko.

“Masarap maramdaman na may mga taong naniniwala sa akin pagdating sa pag-arte, at may mga kumukuha pa rin sa akin.

“Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami akong kasabayan noon na wala na ngayon sa industriya.

“Nakakatuwa na ako, nandito pa rin. Patuloy na may nagtitiwala na bigyan ako ng proyekto.

“Nakakataba ng puso, 'di ba?”

Sunod-sunod nga ang indie films na ginagawa ngayon ni Allen.

Bukod sa Kamkam, natapos na rin niyang i-shoot ang Magkakabaung (The Coffin Maker) na planong isali sa iba’t ibang international film festivals.

“Ginagawa ko rin ngayon yung Children’s Show na para naman sa Cinemalaya.

“Meron akong sisimulang isa pang pelikula na si Mel Chionglo ang direktor.

"Wala pang title, pero ang istorya nito ay tungkol sa isang pari na nakabuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel blessed na hindi ako nawawalan ng movie offers. Dahil dito, mas lalo pa akong nai-inspire na pagbutihin ang trabaho ko.”

HOT DADDY. Bukod sa kanyang guwapong mukha, nagawa ring i-maintain ni Allen ang seksi niyang pangangatawan.

Sabi niya, “Tuluy-tuloy na diet lang ‘yan at saka exercise.

"'Tapos dapat stress-free dahil nakakataba at nakakatanda kapag stressed ka, 'di ba?

“So, kailangan stay healthy ka. Maging maingat sa kinakain mo.

“Malaking factor din yung happy ka sa buhay mo.”


Sa hitsura ni Allen, walang mag-aakalang apat na ang kanyang anak.

“Tatlong babae at isang lalake ang mga anak ko.

"Twelve yung eldest daughter ko, nine yung pangalawa na babae rin, nine yung son ko.

"Ten months old naman yung bunso naming baby girl.”

Malapit na ang Father’s Day. Paano niya planong i-celebrate ito?

Sagot ni Allen, “Sa Father’s Day, siyempre magkakasama kami ng mga bata… buong family.

"Magdi-dinner lang lang siguro sa labas o kaya ay sa bahay lang.

"Kasi para sa akin, isini-celebrate ng lahat ang Father’s Day. Pero kumbaga, every day naman, Father’s Day at Mother’s Day.

“Para sa mga bata, every day dapat Family Day, 'di ba?

“E, ako, kapag walang trabaho, sinisiguro ko na I spend quality time para sa asawa at mga anak ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN