Jackie Rice reveals her dad stopped talking to her when he saw her daring love scenes

Jackie Rice relates her dad stopped talking to her after she showed him the stills of her love scenes in Kamkam. “So ibig sabihin, gano’n siya talaga ka-daring," says the 24-year-old actress. In this photo, Jackie shot a daring love scene with Kerbie Zamora who is cast as her boyfriend.


Pinanindigan ni Jackie Rice ang desisyon niya na maging daring onscreen sa mga love scenes nila ng lead actor na si Allen Dizon sa pelikulang Kamkam.

Sa pictorial niya kahapon, June 10, para sa nasabing pelikula ay bigay na bigay na si Jackie sa bawat sexy pose.

Napaka-revealing rin ng suot niyang nighties na naglalantad ng kanyang kaseksihan.

Sa nabanggit na movie, ginagampanan ni Jackie ang role ng isang bar girl na isa sa tatlong asawa ni Allen.


“Sa story ay si Jean [Garcia] ang unang asawa ni Allen. Pangalawa si Sunshine [Dizon]. And pangatlo ako.


“First time ko talaga na mag-portray ng sobrang daring ang role na may mga lovescene at showing of skin.


“No’ng i-offer ito sa akin, hindi naman ako nagdalawang isip na tanggapin agad ‘yong role.


“Kasi unang-una, si Direk Joel [Lamangan] ang director.

"Gustong-gusto ko siyang makatrabaho.


“Pangalawa, maganda ‘yong story.


“Pangatlo, siyempre bilang artista gusto ko namang may iba naman akong magawa.

"I mean, ayokong laging iyon at iyon lang na bida-kontrabida o komedyante.

“Iyon at iyon lang.


“Kaya gusto ko ng something new. Something different.

“Something na hindi ko pa nagagawa before.

“Pero kung ipapaulit sa akin ‘yong mga ginawa ko dito sa Kamkam, hindi ko kayang ulitin!” sabay tawa ni Jackie.

Saad pa niya, “Ang daming hindi ko na nga yata kayang uliting gawin.


“’Yong mga sampal nila sa akin… ang sakit!


“Ang sakit manampal nina Ms. Jean at Ms. Elizabeth [Oropesa].

HOW DARING? Hindi pa raw niya masabi kung gaano ka-daring ‘yong mga eksenang ginawa niya sa pelikula.

"Kumbaga, maraming hindi nag-expect na ako ‘yon base sa mga lumabas na mga still photos.

“Ipinakita ko nga ‘yon sa daddy ko… hindi siya naging masaya.

“So ibig sabihin, gano’n siya talaga ka-daring.

“Siyempre ako, proud ako na ginawa ko ‘to, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Excited ako na ipakita sa daddy ko. Pero hindi naman siya masaya sa ginawa ko.”

Sinita siya ng daddy niya kung bakit niya ginawa?


“Hindi naman. Ibinalik lang niya sa akin ‘yong mga ipinakita kong still photos.

“Hindi siya nagsalita. Hindi na lang niya ako kinausap.

“And hindi na rin ako nag-explain sa kanya kasi nagawa ko na, e.

“I mean, masaya ako na nagawa ko kasi sabi ko nga nagawa ko ito, hindi ko na kayang ulitin ulit.


“As in all out talaga ‘yong ginawa ko.


“Hindi ‘yong daring scenes kundi ‘yong pangkalahatang mga naging demands no’ng role.”

A FOLLOW-UP? Tuloy-tuloy na ba ang sinimulan niyang pagpapa-sexy na onscreen?

“Kung si Direk Joel ulit ang director!” tawa ulit ni Jackie.

“Hindi. Basta magaling ang director at maganda ang istorya.

“Ayoko ‘yong basta-basta na lang, e, ‘yong masabing nagpa-sexy lang.

“Ito kasing Kamkam, maganda ‘yong cast. Magaling ‘yong director. Maganda ‘yong istorya.

“Parang all-in. Bakit ko tatanggihan, di ba?

“Marami akong ginawa sa pelikulang ito na hindi ako makapaniwalang nakaya kong gawin.

"Hindi ko ma-explain, e.

“Oo. Basta… ‘yong personality ko kasi sobrang tahimik.

“Sa Bubble Gang nga, hindi nila ako mapag-two piece, e.

“Mahiyain ako.

“Kahit nakapag-pose na ako sa mga men’s magazine, mahiyain ako.

“Dito sa Kamkam, kakaiba talaga.

"Sa mga nakakita na ng still photos ko sa pelikula, marami ang nagtatanong… ikaw ba ‘yan?”

Paano kung halimbawa, mag-expect ang marami sa mas daring pang puwede niyang gawin sa kanyang mga susunod na projects
o gagampanang roles?

FIRST INTIMATE SCENE. Kakayanin ba niyang mag-topless o talagang maghubad nang husto sa harap ng camera?

“Parang hindi.

“Ang nagawa ko nga sa Kamkam, ‘yong nagpakita ako ng likod.

"Sobrang daring iyon na parang hindi ko na nga kayang ulitin.

“So kung mag-i-expect ng mas daring pang puwede kong gawin, right now hindi ko masasagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Yong love scene namin ni Allen, first intimate na eksena rin na nagawa ko kaya sobrang kabado ako nang kunan ‘yon.

“'Tapos naka-plaster lang si Allen.

“Pero tinulungan naman nila akong lahat na ma-overcome ‘yong kaba ko. Minotivate nila ako.

“Pinanood nila ako ng video. Pinalakas nila ang loob ko.

“Tinulungan nila akong lahat pati ni Direk Joel.

"Pati ni Allen at ng iba pang artistang katrabaho ko.

“Kaya maganda naman ‘yong kinalabasan,” panghuling nasabi ni Jackie.


Ang Kamkam ng Heaven’s Best ay ipapalabas na sa July 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN