Short films from Brillante Mendoza workshop being shown until June 12


Isa si Direk Brillante Mendoza sa mga kinikilalang magaling na direktor sa henerasyon natin ngayon.
Nanalo siya bilang Best Director sa Cannes Film Festival noong 2009 para sa pelikula niyang Kinatay.
Ang kanyang mga pelikula ay naipalabas na sa top-tier film festivals sa Venice at Berlin.
Bilang pasasalamat ni Direk Brillante sa kanyang tagumpay bilang filmmaker ay nais niyang ibahagi ang kanyang talento sa kapwa Pilipino. Dahil dito, nag organize siya ng workshops para sa aspiring directors at mga artista na nais paghusayan ang kanilang kakayahan sa pag-arte.
Sa kanyang short film exhibit sa SM Aura, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph na makapanayam si Direk Brillante tungkol sa workshop na ito, at ito ang kanyang ilang pahayag:

Kamusta ang kauna-unahang directing at acting workshop na in-organize ninyo?
“Well masaya kami kasi after ng culminating workshop last month, continuity ito ng activity namin last time. Yung nangyari last time was the graduation ng kanilang workshop. Ngayon, through the sponsorship ng Samsung at ng SM Aura Premier, yung mga shoppers dito can have a chance to view the short films for free.
"Ibig sabihin, magkakaroon kami ng exhibit ng mga 19 short films na napili namin na ipapalabas dito sa SM Aura Premiere na ginawa ng mga estudyante ko.”

Hanggang kailan nila mapapanood ng publiko ang mga short films na ito?
“Mag start ng June 6 hanggang sa Independence Day sa June 12, 2014. Dahil nga Independent Film ito kaya isinabay nila sa Independence Day yung exhibit.”

Mula sa workshops ninyo, may nakita na ba kayong pwedeng maging next Brillante Mendoza?
Natawa si Direk bago sumagot, “Marami, marami mga potential. Ang importante dito ay yung commitment nila at willingness nila to learn, so, yun, yung mga importanteng aspeto ng mga wanna be director.”

Sinong mga artista at director ang naging parte ng inyong workshop?
“Marami, maraming naging facilitator na naging bahagi ng aking workshop. Sa mga artista, pumunta sina Coco Martin, Eugene Domingo, si Cherry Pie Picache, saka si Jaclyn Jose. Sa mga directors naman, sumuporta sina Direk Chito Rono, si Direk Joel Lamangan at si Direk Carlitos Siguion-Reyna.”
Inimbitahan nyo po ba si Nora Aunor na mag participate at maging facilitator sa workshop?
“Oo, kaya lang that time kasi busy si Ate Guy, may shoot siya sa Batanes.”

Hanggang ngayon po ay pinag-uusapan pa rin ang pagiging National Artist ni Nora Aunor. Para sa inyo bilang director, ano ang tatlong rason kung bakit karapat-dapat na tawaging National Artist si Nora Aunor?
“Well actually, tinanong na ako niyan noon pa, even when we are doing Thy Womb. Nasabi ko na rin yung rason ko na deserving naman talaga siya na maging National Artist.
"Una, sa kanyang filmography, makikita mo naman sa mga pelikulang ginawa niya. Pangalawa, yung mga international exposure niya. Ibig sabihin meron siyang mga pelikulang ginawa na pinalabas internationally like sa Cannes, sa Berlin, etc. Yun, pwede ring i-recognize yun na achievement kasi hindi naman lahat ng artists ay nakaka-attend sa mga international film festivals na ito. And then yung pangatlo, yung kanyang contribution sa show business hindi lang sa pag arte kundi sa pagkanta rin, saka yung kanyang influence sa mga tao, sa mga fans.
"Siyempre dumating din sa point na talagang, alam mo yun lalo na noong '70s, ang taas ng tingin sa kanya ng mga tao at nakaka inpluwensiya siya sa buhay ng mga fans niya.”

Gaano kayo ka proud kay Coco Martin na sikat na sikat na ngayon after n'yo siyang gawing bida sa indie film ninyo?
“Well, siyempre, ako yung unang masaya para sa kanya para sa mga nagiging achievements niya. Alam naman nating lahat na nagsimula siya bilang indie film actor. Pruweba siya na ang isang indie film artist ay pwede ring tumawid sa mainstream at magkakaroon siya ng access sa mainstream audience. Ibig sabihin, mas maraming makakapanood sa kanya at mai-aaply niya yung mga natutunan niya sa independent film.”

Kailan po kayo uli gagawa ng pelikula with Coco Martin?
“Soon, soon, meron kaming mga incoming projects, may mga pinag-uusapan na kaming projects. Medyo busy lang kasi siya sa dami ng mga projects niya ngayon. Meron pa rin siyang pelikulang gagawin with Kris Aquino para sa Metro Manila Film Festival, meron pa siyang pelikulang ginagawa kay Ate Guy. So, sobrang busy ni Coco ngayon.”

Hindi po ba kayo nagtatampo kay Coco na medyo busy na siya ngayon at hindi makagawa ng pelikula with you?
“Parang hindi naman. Unang-una, wala ka namang dapat ikatampo dahil kahit papaano ay iba na yung ginagalawan nyang mundo, talagang busy, talagang dapat pagbigyan ng panahon.”

Ang 19 short films na ipalalabas sa SM Aura hanggang
June 12, 2014 ay ang On Duty, Caretaker, Epitaph, Here, Masher, The Make-Up Artist, Sinungaling, Papetir, Labas-Pasok, Monique, Pasa, Biboy, Night Shift, Legacy, Taxi, Anggulo, A Reason to Live, The Great Pretender, at Madonna and Child.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN