Ronnie Quizon bags El Ray Award for Excellence in Acting in 2014 Barcelona International Film Fest

Aside from Ronnie Quizon's recent citation in the 2014 Barcelona Film Festival, Rekorder also won the Special Jury Prize and Best Music Award in the 31st Annonay International Film Festival in France last February.


Nasorpresa si Ronnie Quizon nang makarating sa kanya ang balitang nanalo siya ng El Ray Award for Excellence in Acting in a Lead Role sa 2014 Barcelona International Film Festival para sa indie film na Rekorder.

Ang Rekorder ay directorial debut ni Mikhail Red at isa sa naging official entry ng 2013 Cinemalaya Philippine Independence Film Festival under the New Breed Category.

Hindi makapaniwala ang isa sa mga anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy na nanalo siya sa isang international film festival.

In-announce ang winners ng naturang film festival sa pamamagitan ng website nito (www.barcelonafilmfestival.com).

Mahigit 50 countries ang lumahok sa Barcelona International Film Festival in Spain sa taong ito at namigay sila ng maraming awards including the Grand Jury Prize, Special Jury Prize, various Best of Category Honors and Official Finalists Recognition.

Masuwerte si Ronnie na kabilang siya sa mga pinarangalan ngayong taon kaya siya ang ginawaran ng Excellence in Acting in a Lead Role ng naturang film festival.

“DANG! Ang sarap pakinggan…ang hirap paniwalaan…Thank you so much for this wonderful news and for the messages of praise, kudos and support! Mabuhay ang Pinoy!” pag-post pa ni Ronnie sa kanyang Facebook account nang makarating sa kanya ang balita.

Ang Rekorder ay isang psychological thriller tungkol sa isang dating film cameraman na nagpipirata na ng mga pelikula sa pamamagitan ng kanyang digital camera. Naka-witness siya ng isang krimen at nakunan niya ito ng kanyang camera at kumalat ito sa Internet.

Bukod sa pagkapanalo ni Ronnie ng Best Actor sa Barcelona International Film Festival, nanalo rin ang Rekorder ng Special Jury Prize and Best Music Award sa 31st Annonay International Film Festival sa France noong nakaraang February.

Active din si Ronnie sa pag-arte sa mga teleserye. Huli siyang napanood sa TV series ng ABS-CBN na Dugong Buhay na pinagbidahan ni Ejay Falcon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May sisimulang bagong indie film si Ronnie titled Sa Ngalan ng Anak na ididirek ni Toto Natividad.

Makakasama rito ni Ronnie sina Ejay Falcon, Phillip Salvador, Carlo Aquino, Nash Aguas, Derrick Hubalde, Perla Bautista, Paul Salas, Sharlene San Pedro, Diane Medina at John Manalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN