Judy Ann and Ryan feel lucky compared to "Sakal, Sakali, Saklolo" characters

by Mercy Lejarde
Dec 11, 2007
In Sakal, Sakali, Saklolo, Angie (Judy Ann Santos) and Jed (Ryan Agoncillo) are going through the joys and pains of first-time parenting. Jed leaves for a business trip and Angie tags along, leaving their child behind. Messy confusion among their friends and mothers-in-law erupts.

Malaki ang pasasalamat ni Judy Ann Santos na ibang-iba ang ugali ng parents ni Ryan Agoncillo sa mga parents-in-law ng character niyang si Angie sa Metro Manila Film Fest entry na Sakal, Sakali, Saklolo (SSS).



Sa presscon ng SSS—ang sequel ng Star Cinema hit Kasal, Kasali, Kasalo—natanong si Judy Ann Santos kung paano niya ita-trato ang kanyang in-laws if ever, lalo't kung manipulative ang mga ito tulad ng role nina Gloria Diaz at Ariel Ureta sa Kasal, Kasali, Kasalo at sa sequel nitong SSS.



"Siguro wala namang in-laws na hindi mo kayang pakisamahan especially kung mahal mo talaga yung asawa mo, di ba? Parte ng pag-aasawa yung pakikisamahan mo ang lahat ng miyembro ng pamilya especially the parents," paliwanag ng young superstar.



"In fairness naman po sa parents ni Ryan they are very, very different, talagang sobrang opposite sila sa parents ni Jed [played by Ryan] doon sa Kasal, Kasali, Kasalo. Masuwerte ako sa parents ni Ryan dahil hindi nila kami binibigyan ng hard time, kundi sila pa nga ang nagsasabi sa amin ng...okay lang yan. ‘Pag may nangyayari sa amin ni Ryan, sila pa yung referee namin, yung ganun. So masuwerte ako when it comes to in-laws, and parents and boyfriend.



"Natutuwa ako na meron parte ng buhay ko na hindi masyadong pahirap. Magaang na inspirasyon and masaya. Kung makakatagpo ako ng in-laws ng katulad ng parents ni Jed dun sa Kasal, Kasali, Kasalo, ipagdarasal ko na lang siguro na matawid ko yung experience na yon, hahaha!" ang mahabang pahayag ni Juday.



Si Ryan naman ay natanong kung how he handles a lover's quarrel with Juday. "Yung mga isyu namin...the first year nung aming relationship, it's very different from our issues now. We're almost in our third year now and markadong-markado how we deal with the issues and the issues themselves.



"Like now, siguro ang problema namin ngayon ay kung saan na mag-aaral si Yohan because she's about to enter pre-school na. It's not an argument but it's more like she has an opinion about the school and ako naman meron din opinion. Ganun lang ang mga argumento namin ngayon.



"Tapos whether isasama pa namin yung bata sa mga lakad namin kasi gabi na or things like that. Hindi na yung mga selos, hindi na yung sino naman ang kasama mo, hindi na yung mga ganun, e.


"Ang mga issues namin ngayon, e, naka-focus kung how we will spend weekends with the kid kasi ako nagtra-trabaho, siya nagtra-trabaho...ganun na. Yung mga concerns namin, iba na rin. So hindi siya matatawag na isyu. Pero those are the things that we disagree about at napapag-usapan naman namin kung paano iso-solve ang mga bagay-bagay at the end of the day," sabi ni Ryan.



Kaya nga dito sa kanilang Sakal, Sakali, Saklolo movie na showing na this coming December 25 ay parang may part din na hango sa kanilang real-life story because in the movie, Juday and Ryan now explore the joys and trials of parenthood. Their characters Angie and Jed are entangled with their little bundle of joy along with a bunch of riotous situations in this movie written and directed once again by Jose Javier Reyes.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Sakal, Sakali, Saklolo, Angie (Judy Ann Santos) and Jed (Ryan Agoncillo) are going through the joys and pains of first-time parenting. Jed leaves for a business trip and Angie tags along, leaving their child behind. Messy confusion among their friends and mothers-in-law erupts.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results