Seasoned actor Christopher de Leon plays dream role in "Banal"


"Dream role ko ito at matagal ko nang pinangarap, at ngayong dumating, ayokong palampasin," says Christopher de Leon about playing a SWAT trainer in the 2007 Metro Manila Film Festival entry Banal.



Sa presscon ng 2007 Metro Manila Film Festival entry na Banal noong December 7 sa Metrowalk, Pasig City, napansin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sa apat na major characters ng pelikula ay si Christopher de Leon lang ang dumating in character. Kung sina Alfred Vargas, Paolo Paraiso, at Paolo Contis ay casual ang mga suot, si Boyet ay naka-SWAT uniform—mula sumbrero, name tag, hanggang sapatos.



Pinanindigan talaga ng aktor ang ginampanang role bilang Major Miguel Sagala, SWAT trainer, hanggang sa presscon at siguro hanggang sa Parade of Stars sa December 24. Dream role ito ni Christopher, at matagal niyang hinintay, sa first venture ng Com Guild Productions .



"I'm proud to be a part of this movie," sambit ni Boyet." It talks about attempted assassination of Pope John Paul."



Sabi ni Boyet, mala-Training Day ang Banal. Pero sa napanood naming maigting at mapuwersang trailer ng first directorial job ni Cesar Apolinario—reporter ng GMA News—ay may shade din ito ng The Departed.



Ano ang masasabi ni Boyet sa kanyang direktor na kung tawagin siya'y "Tito Boyet"?



"Ang kaibahan ni Cesar sa ibang directors, hindi siya madumi at laging makisig. Makisig at malinis. Gusto ko ma-experience makatrabaho ang mga gaya niyang bata, fresh ang ideas at sobra-sobra ang enthusiasm. Something new and welcome for me ang mga kakaiba niyang ideas. Happy ako na hindi masyadong de-kahon ang pagka-action nito at ang action scenes ay hindi unusual," sabi ng multi-awarded actor.



Pinansin ng PEP ang billing ng pangalan ni Boyet sa poster layout ng movie. Oo nga't nauna ang pangalan niya, pero kahilera niya sina Alfred, Paolo Paraiso, at Paolo Contis. Okay lang ba sa kanyang one line lang ang mga pangalan nila, considering na mas senior siya sa tatlo?



"Of course, okay lang sa akin," sagot niya. "Sabi ko nga, doon ako sa dulo. Hindi ako billing-conscious at alam kong ang mina-market ngayon are the young ones. I have no problem with that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



What about his role? Masaya ba siya sa ibinigay sa kanyang role?



"Wala rin akong problema at kahit support lang ako dito, tatanggapin ko. Dream role ko ito at matagal ko nang pinangarap, at ngayong dumating, ayokong palampasin. In fact, supporting talaga ako rito at aaminin kong ang galing-galing ni Paolo [Contis] dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN