Robin Padilla gets help from Andres Bonifacio descendant for MMFF entry

After portraying a senator-turned-fugitive in 10,000 Hours, Robin Padilla will bring life to Andres Bonifacio in an upcoming Metro Manila Film Fest entry.


Ngayong 2014, wala na raw ibang puwedeng proyekto na gagawin si Robin Padilla dahil ang Metro Manila Film Fest entry na Bonifacio lang ang pagkakaabalahan niya.
Lahad niya, “Mahirap ang pelikula, sa September pa kami, pero gusto nila mag-shooting na bukas.
"Sabi ko, 'Ayoko, Ramadan kami.'
“Ayokong mag-shooting ng Ramadan, kasi panahon para sa Diyos yun, mahirap haluan ng… pakabait muna ako.
“Mahirap paniwalaan pero...”


Matatandaan na noong 2010, nagdirehe si Mario O'Hara ng indie film titled Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio at noong 2012, si Richard Somes ang nagdirehe ng pelikulang Supremo. Parehong si Alfred Vargas ang gumanap sa pelikula bilang ang naturang lider ng Katipunan.

Ano ang kaibahan ng Bonifacio na isasali niya sa MMFF sa mga nauna nang pelikula na tungkol sa bayani?

Ayon kay Robin, “Marami, unang-una, ang Bonifacio na nagawa noon, interpretasyon ng mga kaaway ni Bonifacio.
“Lumabas na mainitin ang ulo, terorista, komunista.
"‘Eto, galing sa pamilya ni Bonifacio, partner namin dito ang pamilya ni Bonifacio sa pag-aaral, pagsasaliksik namin, palaging nandoon.
"Umuwi pa nga ang isang apo ni Bonifacio galing Europa para magkasama-sama kami sa Marogondon.
"Nag-pilgrimage kami ro'n kung saan siya pinatay.”


Ang huling MMFF entry ni Robin na 10,000 Hours ay award-winning film na nakatamo ng major awards sa 39th edition ng film festival.

Ano ang inaasahan niya ngayon sa Bonifacio?
“Noong binanggit ang pangalan ng Bonifacio na Metro Manila Film Festival, yun agad ang unang-una kong sinabi sa director [Lawrence Williams].
“Sabi ko, 'Pare ko, ang laking pressure nito sa ‘yo.
"'Kung yung fiction na 10,000 Hours humakot ng award, ito, totoong istorya ‘to, Bonifacio ‘to, dapat kaparehas.'
“E, nangangako naman sila na ibibigay nila ang lahat ng suporta.
"At ang maganda, yung producer ro'n, mga pamilya ni Bonifacio, mga labor leaders at saka Mason.”


(To view list of the MMFF 2014 official entries, CLICK HERE)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN