Jackie Rice says her boyfriend walked out when she shot daring love scene in Kamkam

Jackie Rice on shooting kissing scene in Kamkam: “Itinatanong ko kay Direk yung kissing scene kung may dila ba yun? Bumubukas ba yung bibig?”


Isang pelikula tungkol sa corruption sa isang komunidad ang ginawa ni Direk Joel Lamangan. Ito ang Kamkam (international title: Greed) written by Palanca awardee Jerry Gracio at produced ng Heaven’s Best Entertainment.

Umiikot ito sa istorya ng isang local kingpin named Johnny (portrayed by Allen Dizon) na may tatlong asawa (portrayed by Jean Garcia, Sunshine Dizon and Jackie Rice).

Kasama rin sa pelikula sina Emilio Garcia, Elizabeth Oropesa, Jaime Pebanco, Kerbie Zamora, Joyce Ching, Lucho Ayala, Rita De Guzman, Hiro Peralta. Introducing naman sina Athena Bautista (anak ni Herbert Bautista kay Tates Gana) at Zeke Sarmenta (anak nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista).

Sa press conference ng Kamkam na ginanap kamakailan, nagkaroon ng pagkakataon ang media na makapanayam si Jackie Rice tungkol sa mapangahas niyang role sa pelikulang ito na ipapalabas sa mga sinehan simula July 9.

Aminado si Jackie na dahil sa love scene niya sa Kamkam, nagkaroon ng issue sa kanila ng kanyang non-showbiz boyfriend na five years na niyang karelasyon.

Binigyan ng Cinema Evaluation Board ng Grade “A” ang Kamkam. Dahil sa mga sensitibong eksena sa pelikulang ito ay binigyan ito ng Movie and Television Review and Classification Board ng R-16 rating without cuts.

Please tell something about your role dito sa Kamkam?

Jackie: “Ako rito si Shane, ang third wife ni Allen Dizon. Galing ako sa club bilang prostitute, ang pangarap ko lang ay makaalis sa club at ibahay ng lalaki, mahal man niya ako or hindi.”

Bakit Kamkam? Ano ang kabuuan ng istorya nito?

Jackie: Kamkam is Greed. Kinakamkam yung lupain. It’s a story of poverty. Kung ano yung kahirapang nangyayari ngayon sa bansa natin. Kung gaano karumal dumal yung gobyerno natin. Masarap silang makaupo sa malambot nilang silya, ang mga taong ito sa lapag lang. Nag-aagawan kung sino ang dapat mag may-ari sa lupa na yun, tayo bang simpleng mamamayan o yung gobyerno na kaya tayong paalisin basta-basta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi daw nagustuhan ng boyfriend mo yung love scene n’yo ni Allen at nag-away kayo?

Jackie: “Yung boyfriend ko, hindi ko masasabing ayaw niya, e. Kasi habang ginagawa namin ni Allen yung love scene, nagulat ako na bigla siyang umalis. Everytime na may taping kasi ako lagi ko siyang kasama ko, e. Nagulat lang ako na nag walk-out siya.”

Hindi ka ba nagpaalam sa kanya na may gagawin kang ganung eksena?

Jackie: “Alam niya, e. Siguro hindi lang siya sanay sa ganung eksenang ginagawa ko. Hindi naman kasi akong laging may ka love team, e.”

Bakit ba siya nag walk-out, gaano ba katindi yung love scene n’yo rito?

Jackie: “Never pa kasi ako nagkaroon ng ganito katinding love scene. Matindi siya, e! Hindi ko siya kayang i-explain, pero sexy siya, daring siya kung daring, pero hindi naman malaswa. Nagulat lang yung mga kakilala ko nung napanuod nila dahil hindi nila akalain na magagawa ko yun.”

Ano na yung status n’yo ng boyfriend mo? Hiwalay na ba kayo dahil sa love scene ng pelikula?

Jackie: “Hindi pa naman, tampuhan lang siguro, hindi naman umabot sa hiwalayan. Ewan ko lang pag napanuod niya na yung Kamkam siguro. Hahaha!”

Kinausap mo ba siya tungkol doon sa eksena na wala yun at trabaho lang yun?

Jackie: “Hindi pa, sa tuwing may gagawin naman akong kakaibang eksena, ipinapakita ko sa kanya na masaya ko sa ginagawa ko, para maintindihan niya na eto yung gusto kong gawin.”

“Kung mahal niya ako, maiintindihan niya ako, e. Kung papipiliin niya ako kung trabaho ko or siya. I think selfish yun para sa akin. Gusto niya nga, pero ano ba naman yung gusto ko. Hindi niya ba pwedeng irespeto yun. Babae ako, hindi naman palaging may chance sa aking career.”

Pero hindi pa naman ba umabot na point na pinapipili ka niya ngayon kung career mo or siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jackie: “Sana huwag naman umabot sa point na ganun, di ba? Ang career kasi ng artista hindi palagi, e. Ganun ba siya ka selfish para papiliin niya ako over my career, di ba? Huwag naman ganun, kung mahal niya ako, maintindihan niya yun. Kasi kung papipiliin niya ako, pipiliin ko yung career ko kesa sa kanya.”

Kilala si Direk Joel Lamangan sa isa mga mahigpit na director pagdating sa mga eksena. Natakot ka ba kay Direk kaya mo ginawa yung love scene n’yo in one take?

Jackie: “Maliban sa hindi naman ako madalas nagpapa sexy, isa pa sa mga iniisip ko 'yan, na baka masigawan ako ni Direk Joel, so, bago ko tinanggap yung Kamkam, nagtatanung tanung muna ako kung paano ba yung kissing scene?

"Para akong bata na itinatanong ko kay Direk yung kissing scene kung may dila ba yun? Bumubukas ba yung bibig? Tawa lang sila ng tawa. Sabi nila na once na napunta na ako sa eksena, alam ko na raw yun. And nung napunta na nga ako dun, mi-nake sure naman ni Direk Joel na di niya ako pababayaan, yun, ginawa ko lang yung best ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN