Maratabat director Arlyn dela Cruz: "Ang laki ng utang na loob ko kay Kris Aquino..."

Arlyn dela Cruz (wearing white) depicts clan war in Mindanao in the film Maratabat (Dangal at Katarungan).


Isang indie film na may titulong Maratabat (Dangal at Katarungan) ang pagsasamahan sana nina Kris Aquino at Derek Ramsay. Ngunit, hindi ito natuloy dahil sa schedule ng hunk actor. Hindi rin pinayagan ng ABS-CBN ang TV host kaya hindi natuloy ang paggawa nila ng nasabing pelikula.

Sa interview ng ng PEP.ph kay Arlyn dela Cruz, writer at director ng Maratabat, nagpahayag ito ng pasasalamat sa Queen of All Media sa magagandang naging pahayag nito tungkol sa nasabing pelikula. Dahil dito, napukaw ang atensyon ng publiko dahil sa Instagram post ng kontrobersyal na aktres.

“Si Kris Aquino talaga ang first actress na gusto ko for the role of Stella, yung asawa ng character na si Ronwaldo. She’s very accommodating, yung binigay niyang suporta dito even nung nag-start yung movie, yun ang nag-generate ng interest. I want it sana to be silent pero nung binalita niya sa kaniyang Instagram account, I never realized na makakuha ng ganung atensyon both Muslims and non-Muslims lalo na yung mga brother Muslims natin, nagulat sila na magkakaroon ng pelikula sa isang bagay na alam nila which is Maratabatat.

“Sabi ko nga, ang laki ng utang na loob ko kay Kris Aquino by putting context, perspective and even generating interest sa public. Mas maganda sana kung nagkaroon siya ng time to do this kaya nga lang yung schedule niya. Silang dalawa sana ni Derek Ramsay ang magka-partner dito. Feeling ko lang ha, feeling ko lang, di kaya may kasalanan ako kung bakit sila pinagrereto sila pero hindi, nag-google ko, nauna yung pagli-link sa kanila.

“Ang sinabi niya, 'I will be there in the premiere night.' Naisip ko walang premiere night kungdi special screening lang. I will invite her sa special screening. Hiling ko dahil nagustuhan niya yung pagkakasulat ko, sana I will write a project exclusively for her na di nagmamadali o hinahabol ang deadline, sana matupad. Nabasa niya yung script and she likes the script."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad naming tinanong si Ms. Arlyn kung ano ba ang ibig sabihin ng Maratabat at kung sino-sino ang mga artistang kasama sa pelikulang ito.

Labis naman ang pasasalamat at papuri ng broadcast journalist-cum-director sa propesyonalismo na pinakita ni Ms. Elizabeth Oropeza na gumaganap ng napakahalagang role sa pelikula.

“Maratabat is pride and honor. Ito ay salitang naiintindihan ng mga Maguindanaoan, Maranaw, Tausug, Samal, Yakan. In other words, it unites epic tribes in Mindanao.

"Maratabat sa iba, naiintindihan din ng mga Malaysians, mga taga Brunei, mostly Asian dito sa Southeast Asia kasi para sa kultura nila na pare-pareho naman sa simula, ito yung kanilang palabra de honor. Ito ang dahilan kung bakit sila maaaring mauwi sa karahasan o manindigan na parang maglaban-laban para sa karangalan. Pag tinitingan mo siya sa labas, bayolente, it’s an act of violence. Halimbawa nag-away ang dalawang pamilya pero para sa kanila it’s everything, yun ang kanilang pagkatao, yun ang kanilang pride.

“Ngayon ang Maratabat ginawa ko siyang pangalan ng isang probinsya so Matarabat is a province of Maratabac. Ang kuwento ay nangyari sa lugar na ang tawag ay Maratabat.”

Sino-sino ang lead stars ng pelikula niya?

“Nagpapasalamat ako na kasama si Ping Medina who is an award-winning actor, Kristoffer King, Julio Diaz, Michelle dela Torre, Richard Quan, Lion Miguel, Shyr Valdez, Carlo Cruz, and Ms. Elizabeth Oropeza. She played the role of Bai Esperanza.

“Unang-una, pinakabetarana sa kanilang lahat si Elizabeth Oropeza and siya pinaka-cool, pinakamaunawain sa set. Nag-shooting kami sa isang lugar na walang tent, nag-shooting kami sa isang lugar na anim na oras ang brownout pero wala kang narinig ni isang reaklamo.”

“Even one time na na-late yung pagkain namin dahil yung cook namin umalis, siya ang unang-unang umunawa kahit na dapat di magugutom sa isang set, siya yung nakakita, 'ah kaya pala,' at naintindihan niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad ng ibang indie films, isasali muna nila Ms. Arlyn ang Maratabat sa international film festivals bago nila ito ipalabas sa Pilipinas.

“Yun ang intention, di na ako aabot sa Barcelona Film Fest kasi May 25 ang deadline. Yung isa, we are on the editing process right now, magsa-submit kami, sana matanggap, we are submitting pa lang, di namin alam kung matatanggap kami.

"Nage-aim kami na sana mapasok kami sa Venice Film Festival. Mayroon pang isa, yung Chicago Film Festival, kaya kami papasok dun kasi may category about Woman Director, tapos ang usapin is about human rights so parang feeling namin tugma siya.

“Ipapalabas namin ito sa atin pero pag-uusapan pa ang lahat.”

DEALING WITH CLAN WAR. Ayon kay Ms. Arlyn ay marami ang tumulong para maging possible na magawa ang Maratabat. Mga taong naniniwala sa intention ng pelikula.

“May mga tumulong sa amin dito na naniniwala sa intention ng pelikula, alam mo ang intention ng pelikula ay huwag makalimutan na sa kabila ng pagaaway-away o sa kabila ng napakatinding violence, yun na lang, there is a way, ano ba yung way na yun? Rido o kaso, rido is clamor. Pinakita namin dito na there is another path na puwedeng i-pursue which is through the justice system.”

Dahil clan war ang tema ng Maratabat, base ba ito sa totoong buhay?

“Wala siyang pinanggalingang istorya pero bilang mamamahayag, marami akong nakitang ganung klaseng kuwento, clan war. Pag tiningnan mo siya parang akala mo may pinanggalingan siyang istorya dahil ako, ko bilang journalista at ang mga tao naman bilang mga tagasubaybay sa balita, parang nakita niya na pero para sabihin mong may pinaggalinga itong isang istroya ito, wala. It’s a story of how people settle their differences dun sa lugar tulad ng Maratabat.”

Kilala si Ms. Arlyn bilang isang broadcast journalist na nagsimula sa ABS-CBN. Siya ay na-abduct ng Abu Sayyaf sa Sulu noong April 2002 ngunit pinakawalan matapos ang almost 100 days in captivity.

Kinuwento ni Ms. Arlyn na noon pa man ay gusto na niya talaga magsulat at mag-direk at nabigyang katuparan nga ito sa Maratabat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal ko na talaga na gusto yun. Nung 2009 kami nag-produce pero nailabas namin nung 2010 yung Puntod. Dun pa lang, gusto ko nang mag-direk. Ang ginawa ko muna, tinulungan ko muna si Cesar Apolinario, prinoduce namin yung Puntod.

"Malapit sa akin ang istorya ng Puntod. Noong working student ako, tumutulong kami sa batang lansangan sa Olongapo, dito umiikot ang istorya. Sabi ko kay Cesar, 'Sige, produce muna ako.' Pero pag gumawa na ako ng pelikula, gusto ko walang kuwesityon na di ko alam ang topic na ginagawa ko.

"But it took time bago ko nagawa kasi nagkaroon ng impeachment, kung anu-no, kumbaga your calling as a journalist nandiyan pa rin kaya na-suspend ng na-suspend ‘yung intention ko to direct pero noon pa man gusto ko na pero di ko nabuhos ng husto.”



ON THE INC FILM SUGO. Kinumusta namin kay Ms. Arlyn kung ano na ang nangyari sa pelikulang Sugo na inakala noon sa mapapanood sa darating na July para sana sa centennial anniversary ng Iglesia ni Cristo.

“I don’t want to discuss about it kasi di ba nung nag-presscon tayo nun it was very clear ang casting pero ang daming development sa Sugo ngayon. It’s still a go pero hindi ako puwedeng magsalita hanga’t di pa sinasabi.

"It’s not my project, it’s a project of Iglesia ni Cristo. Di na siguro aabot pero puwedeng centennial year aabot siya pero when it is to be filming exactly, it’s up to the church. Kung ako lang yun matagal ko nang gusto, it’s up not to me, It’s not up to anyone, it’s not up to the artists, to the writer, to the director, nasa taas yun.”

Na-enjoy ni Ms. Arlyn ang pagsusulat at pagdi-direk ng pelikula. Kapag planstado na ang lahat sa Maratabat ay magsisimula muli siya sa paggawa ng isa pang pelikula. Ito ay ang Bok na tungkol naman sa buhay ng mga Marines ng ating bansa.

“Ang sabi ko sa iyo ang kaibahan sa pagiging journalist, ginawa ko siya tinapos ko siya na and mindset ko at ang dikta ng katawan ko, para akong nagpo-produce ng newscast, yung may deadline. Kung ano ang tinarget mo sa araw na ito, kailangang tapusin mo otherwise overtime ka, otherwise di ka umabot sa deadline.

"May mga nagsasabi sa akin sa mga kasamahan ko, “bakit nauuna ka sa set? Di ko alam na hindi ka dapat mauna sa set, na dapat may mauuna pa sa iyo. Ang inisip ko pag sinabing 6 o’clock ang roll, before six nandun ka na. Di ko na siyamabago, Sistema ko na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mayroon akong kasunod kasi tinatapos ko siya sa target ng panahon na gusto kong tapusin. Malapit na siya pero gusto ko siyang simulan pag tapos na yung Maratabat. Nasa halfway na kami ng editing ng Maratabat, pag nag-ready na kami ng private screening para di ko siya napaghalo although yung second project na ang title is Bok, matagal na siya. It’s based on true stories of an event na nangyari nung May 25, 2008. It’s not fiction, it’s historical. Story ng Marines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN