Vice Ganda explains delay in shooting movie with Daniel Padilla

“Yung success ng pelikulang yun, siyempre, malaki rin ang share doon ni Derek [Ramsay]," says Vice Ganda (in photo) about his former co-star in Praybeyt Benjamin.



For the first time, makakasama sa pelikula ni Vice Ganda ang tsinitong actor na si Richard Yap sa Praybeyt Benjamin 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Masaya,” ani Vice tungkol sa kanyang co-star sa naturang Metro Manila Film Fest entry.
“Nung tinanong ako sabi ko agad, 'Talaga, Richard Yap?' Para ibang putahe naman.
"Saka mahal ko kasi yun, e. Oo, mahal ko yun.
“Tapos, inano ko yun dati, inechos ko.
“Sabi ko, ‘Uy, kapag magmo-movie ka, ha, dalawa tayo, ha?’
“‘Oo naman. Gusto ko rin naman kapag first movie ko dalawa tayo,’ sabi niyang ganoon. Kaya masaya.
“At pareho kami ng handler. Para kaming magkapatid noon,” pagmamalaki niya.
Ano naman ang aasahan ng mga tao sa Praybeyt Benjamin 2?
Ani Vice, “Bongga ang pelikukang ‘to, for sure.
"Knowing Star Cinema hindi sila magpapalabas ng putso-putso na pelikula.
“Kung putso-putso na rin lang, e, hindi na nila ipapalabas.
"Kaya makakaasa sila... "




DEREK RAMSAY. Wala na ba talagang chance na makasama niya ulit ang nauna niyang leading man sa Praybeyt Benjamin na si Derek Ramsay?
“Wala na, e, kasi wala na siya sa Star Cinema, ‘di ba?
"Nakaka-sad din kasi ang laki ng bahagi ni Derek sa Part 1 ng Private Benjamin.
“Yung success ng pelikulang yun, siyempre, malaki rin ang share doon ni Derek.
"At saka he has been a good friend to me.
“Kaya nakaka-sad din pero marami pa namang pagkakataon.
"For sure, magkakasama at magkakasama pa rin kami ni Derek,” dasal ni Vice.
Malalandi ba niya si Richard sa movie tulad noon kay Derek?
“Ita-try ko,” sabay tawa ni Vice.
“Kasi yung kay Derek totoo yun, e. Totoo yung landi.”


DANIEL PADILLA. Bakit hindi natuloy na makasama niya muli sa isang pelikula si Daniel Padilla?
Paliwanag ni Vice, “Oo, pero ibang project kasi yun.
"Pero nung nag-meeting sila, sabi nila i-reserve na lang daw sa ibang schedule.
“Kasi hindi rin kakayanin ni... hindi mag-meet ang schedule namin ni Daniel.
"So, some other time."
Alin ang nauna, ang movie with Daniel o ang Praybeyt Benjamin 2?
“Yung Praybeyt Benjamin 2, noon pa naman kasi talaga nakabinbin yun. Bago pa mag-Sisterakas, may PB2 na.
"Bago pa mag-Girl, Boy, Bakla, Tomboy, naka-schedule na yung PB2.
"Nausog na lang nang nausog kaya sabi ni Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director], 'Ito na yun. Kailangan ngayon na natin gawin ang sequel.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN