Daniel Padilla describes She's Dating The Gangster: "dalawang story sa isang movie..."

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla say they are both proud of starring in the movie version of She's Dating The Gangster. In the film, Daniel plays a campus bad boy named Kenji while Kathryn is cast as a girl named Athena.


Noong Linggo July 6, nakiisa si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pagdiriwang ng 40th anniversary ng Oishi sa Glorietta 2 Activity Center, Makati City.

Pinuno ng hiyawan at sigawan ng mga supporters nina Kathryn at Daniel ang buong venue para ipakita ang pagmamahal nila sa dalawa.

Kaya naman masayang ibinahagi nina Kathryn at Daniel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanilang tuwa sa pagiging bahagi ng selebrasyon na ito.

“Of course masaya kasi ako yung only girl dito sa Oishi and then masaya ako na ini-endorse ko yung something na gusto ko talaga [Smart C+] and kasama ko si DJ, so masaya,” ani Kathryn.


Dagdag pa niya, “Masaya kasi parang nung bata pa lang ako bago pa ako ipanganak may Oishi na talaga.

“Tapos kinakain ko lang siya dati, parang favorite snack ko talaga siya kahit dati, tapos ngayon naging part na ako ng family nila.

“Forty years na sila kaya masaya ako na magkaroon ng partnership with them. “

Gaya ni Kathryn ay masaya rin si Daniel, “Siyempre happy dahil legend na ‘tong Oishi, e, and para makuha ka ‘di ba? Sobrang happy and thankful.”

Saad pa niya, “Kanina pinapakita yung Oishi dati. 'Di mo akalain magiging part pala ako pagtanda ko so ang galing nakakatuwa.”

Talaga nga namang tuloy-tuloy ang buhos ng blessings sa tambalan ng KathNiel kaya naman matapos ang successful primetime series nila na Got To Believe ay handa na nilang pakiligin ang mga tagahanga sa pamamagitan ng bagong pelikula.


Ang She’s Dating The Gangster ay ipapalabas na simula July 16. Ito ay tungkol sa isang campus bad boy named Kenji (played by Daniel) at si Athena (played by Kathryn) na magpapanggap bilang girlfriend niya.


(Read: 5 Things You Need to Know About She's Dating the Gangster)

SHE’S DATING THE GANGSTER. Hayagang sinabi nina Kathryn at Daniel na isa ito sa mga paborito nilang proyekto. Pareho silang kinakabahan at excited na ipakita at ipapanood ito sa kanilang mga tagahanga. Ang SDTG ay hango sa libro na isinulat ni Bianca Bernardino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ng dalawa na kahit may pressure ay mas lamang ang tuwa sa resulta ng pelikula na nagawa nila.

Pag-amin ni Daniel, “Siguro meron pero ako sobrang happy lang ako sa movie. Sobrang happy ako sa movie na ‘to.”

Confident din si DJ na iba talaga ito sa mga usual na napapanood ng tao, “Sobrang excited ako dahil maganda yung movie talaga, e. Hindi yung sa amin, e. Yung storya at iba ‘to, e ibang iba sa mga ibang movie.

“Iba yung story niya, kung paano ginawa ‘to, dalawang story sa isang movie, bago yun.”

Ganun din naman ang pakiramdam ni Kathryn, aniya, “Kinakabahan at excited siyempre kasi yung mga sinundan namin na movies as in mga box office talaga.

“Pero basta ako, mas nae-excite ako kaysa sa kinakabahan kasi kailangan nila mapanood yung movie kasi bago yung story, e. At saka sobrang saya ko sa movie na ‘to kasi nakakaproud.”



KISSING SCENE. Sa trailer ng SDTG, pinakilig nina Kathryn at Daniel ang kanilang fans at naging usap-usapan pa ang kilig “kissing scene” nila sa movie. Inamin naman ni Kathryn na isa pa lang iyon sa mga dapat nilang abangan sa movie.

Kuwento niya, “Buti kinilig sila kasi sobrang nag-enjoy kami gawin yung scene na yun kasi nakakatawa talaga pag napanood niyo ng buo.

“Kaya abangan niyo yun sa movie kasi yung scene na ‘yon yung isa sa mga nakakatawa.”

NEXT BIG THING. Masasabi na nga na isa sina Kathryn at Daniel na ginu-groom bilang susunod na big stars ng kanilang henerasyon. Ngayon nga ay tinagurian silang Teen King at Teen Queen. Ano nga ba ang nararamdaman ng dawala patungkol dito?

Sagot ni Kathryn, “Sobrang saya kasi si Direk Cathy [Garcia-Molina] pinu-push kami para mabigay namin yung mga kailangan ibigay tapos para mabigay yung 100 percent namin and malaki yung utang na loob namin sa kanila as in from Got To Believe hanggang dito grabe yung pag-aalaga nila sa amin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman kay DJ, “Ako kasi ang masasabi ko lang pag kay Direk Cathy ka matututo ka talaga. Kaya siguro ganun yung mga galing kay Direk Cathy magagaling na artista at saka hindi niya pinapabayaan yung mga artista niya.

“Kaya thankful kami na binigyan kami kay Direk Cathy for this movie so thank you sa ABS-CBN sa mga bossing at sa tiwala din po, thank you po.”

KATHRYN GOES FOR SHORT HAIR. Naging usap-usapan din ang pagpapagupit ni Kathryn ng buhok. Marami ang nagsasabi na senyales na ba ito ng pag-level up ng relasyon nina ni Daniel? Pero pag linaw ni Kathryn, “Malaking bagay ata na nagpagupit ako. Parang bumata daw ako.

“Parang gusto ko lang ng iba and parang feeling ko kasi since 18 na ako parang gusto ko naman mag-iba ng look. Kasi for the past two years long and black so para maiba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN