Enrique Gil-Liza Soberano movie among Summit Media books to be adapted for the big screen

Summit Media President Lisa Gokongwei-Cheng (fifth from left) points out: "Star Cinema is the genius in movie making, so we trust them in making decisions.” She is joined in this photo by Star Cinema executives Malou Santos and Olivia Lamasan as well as the authors (holding books) Ariesa Domingo (Seducing Drake Palma), Jade Margarette Pitogo (Three Words, Eight Letters, Say It I’m Yours), Kimberly Joy Villanueva (


Naging matagumpay ang kauna-unang pelikula na base sa libro ng Summit Media, ang She’s Dating The Gangster na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ayon sa Star Cinema, kumita ng P100 million ang naturang Kathniel movie sa loob ng limang araw.

(Read: Daniel Padilla-Kathryn Bernardo movie earns P100 million in five days)

Earlier this month, muling nagkaroon ng contract signing ang Summit Media at Star Cinema para sa pagsasapelikula ng lima pang libro ng naturang publishing company.

Ang mga dumalo sa naturang contract signing ay sina Star Cinema Managing Director Malou Santos, Head of Creatives Olivia Lamasan at Summit Media President Lisa Gokongwei-Cheng.

Kasama nilang pumirma ng kontrata ang apat na author ng librong isasa-pelikula. Ito ay sina: Ariesa Domingo (Seducing Drake Palma), Jade Margarette Pitogo (Three Words, Eight Letters, Say It I’m Yours), Kimberly Joy Villanueva (The Bet) at Ellaine Larena (Ang Boyfriend Kong Artista).

In a previous interview, in-announce na sina Enrique Gil at Liza Soberano ang bida sa The Bet. Tungkol ito sa isang lalaki na paglalaruan ang damdamin ng isang babae dahil lamang sa isang bet o hamon.

(Read: Enrique Gil’s character will play with Liza Soberano’s feelings in The Bet)

How do you feel na matapos na isapelikula ang She’s Dating The Gangster, may contract signing ulit para sa mga libro ng Summit na isasapelikula rin?

Lisa Gokongwei: “Sobra kaming excited, kasi nga yung mga libro namin ay naisasapelikula na. We’re very happy sa result ng She’s Dating The Gangster.

Ano pong masasabi n'yo na dahil sa pagsasapelikula ng mga libro n'yo ay bumabalik ang hilig sa pagbabasa ng mga kabataan?

Lisa Gokongwei: “You know, since we’re a publishing company sobra kaming happy na nagbabasa na naman ang mga bata. Yung role ng pop fiction, yung mga libro namin na base on Wattpad, yun yung role we’ve played, na bumalik sila sa pagbabasa ng libro. We’re very very proud of it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano po ninyo pinipili kung aling stories sa Wattpad ang ipu-publish into book form?

Lisa Gokongwei: “Pinag-aaralan namin yung fan page nung author. Pinag-aaralan namin yung reads. Binabasa namin yung libro at tinitingnan namin kung magki-click ba ito. Meron ba silang maraming following? Matunog ba sila sa social media? Yun ang mga basis namin.”

Nasabi n’yo earlier na napanood n'yo na full trailer ng She’s Dating The Gangster. Anong reaction n'yo bilang kayo ang publisher ng librong iyon?

Lisa Gokongwei: “Sobra akong kinilig! I was screaming nga sa cubicle ko kanina habang pinapanuod ko.”


Limang libro ng Summit Media ang gagawing pelikula. Paano ba pinipili ng Star Cinema ang mga libro na isasapelikula? Kayo ba ang nagsa-suggest sa kanila or sila ang pumipili?

Lisa Gokongwei: “What we do is we suggest to them. We tell to them that this is a big hit and they listen to us naman. But, of course, dapat magustuhan din nila yung istorya nung libro bago nila isapelikula.”

Nagsimula sa She’s Dating The Gangster, ngayon naging sunud-sunod na ang pagsasapelikula ng libro ng Summit Media. Did you expect that to happen?

Lisa Gokongwei: “Alam mo, I would say na there is a 50% chance because the self-publishing phenomenon has been broken all over the world. Baligtad na ngayon, noon from printed book nagiging electronic. Ngayon, from self-publishing sa electronic platform nagdedevelop ng relationship ang author sa kanilang fan base at kung maganda yung relationship na ito ay ginagawa naming libro.”

May "say” ba and Summit Media sa pagpili ng mga artistang gaganap sa pelikulang gagawin or ang Star Cinema na ba ang bahala sa gaganap sa karakter ng mga libro?

Lisa Gokongwei: “I think, the authors—more than us—ang mas may 'say' for that. It’s the author's creation. I believe that Star Cinema listens to them, pero at the end, Star Cinema is the genius in movie making, so we trust them in making decisions.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN