Xian Lim on Kim Chiu: "Mayroon naman kaming sari-sariling path..."

Kim Chiu and Xian Lim (in photo) will be joined by Ai-Ai delas Alas in the movie tentatively titled Past Tense.


Ngayong nagsisimula na ang shooting ng pelikulang pagtatambalan nila muli ni Kim Chiu at Xian Lim kasama ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas, aminado ang aktor na nandun ang kaba.

Ayon kay Xian, kapaan muli sila ng kanyang kapareha dahil matagal-tagal ding namahinga ang kanilang loveteam. Huling napanood ang KimXi tandem sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak at sa pelikulang Bride For Rent na umabot ng P280 million sa box-office.

(Read: Kim Chiu-Xian Lim movie earns P280 million in the box-office)


Ang pelikula na pagtatambalan muli nina Kim at Xian ay may working title na Past Tense.

Wala nang dapat patunayan pa ang Kimxi loveteam kung ang pagbabasehan ay ang mga proyektong pinagtambalan nila pero sa kabila nito ay nandun pa rin pala ang pressure at kaba kay Xian.

“Siyempre may halong kaba, nandun yung kapaan, bagong character ito, bagong istorya. Para sa akin yung kapaan ang nakakakaba dun.”

“Pero siyempre once na magsimula na ang isang project nandun na yung adrenaline rush, nandiyan na yung saya na mapapagod na kami para sa isang magandang project.
Agad naming tinanong ang aktor kung ano ang pagkakaiba ng pelikulang gagawin nila kumpara sa nauna nilang romantic comedies gaya ng Bakit Di ka Crush ng Crush Mo at Bride For Rent.

“Well siyempre yung istorya ibang-iba. To quote Ms. Ai-Ai, first in the Philippines daw. Well, ako naniniwala ako na ang istorya nito ay kakaiba.
Dahil kasama si Ai-Ai sa nasabing pelikula, naniniwala si Xian na marami siyang matutuhan sa komedyana ngayong magkakasama muli sila sa isang proyekto.

“Sobrang nakakatawa, nakasama ko na siya nung Binondo Girl. Ngayon nakakatuwa kasi sa pelikula, siyempre iba naman pag sa pelikula. Nae-excite ako kasi sa story con, nakakatawa sobra yung mga hirit niya. Alam ko marami akong matututuhan.
Napahinga ng matagal-tagal din ang KimXi loveteam kung kaya't labis ang pasasalamat ng aktor na binigyan sila uli ng proyekto ng Star Cinema.

“Siyempre yung rhythm, it’s the rhythm I miss most. From nagkikita kami everyday, now medyo nagpahinga yung loveteam but I’m very happy na Star Cinema gave us the chance to work again.
Pinareha si Kim kay Coco Martin sa teleseryeng Ikaw Lamang pero sa kabila nito ay hindi bumitiw ang mga KimXi fans. Ayon naman kay Xian sa kabila ng napareha sa iba si Kim ay hindi siya nakaramdam ng kaba o takot.

“Siyempre yung mga supporters namin nandiyan naman talaga. They always fight for us.

"Kaba? Wala, wala naman. Mayroon naman kaming sari-sariling path and we’re working on that, di ba?

"Pag nasa bahay ako, nakikita-kita ko naman [ang teleserye].”
Matagal-tagal na ring panahon nang mapanood sa isang serye, tinanong namin ang aktor kung may serye ba na nakalinya silang gawin ng kapareha?

“Oo naman, why not, di ba? May naririnig-rinig ako pero sigurado lang ‘yan once na nagsimula na.”
Sa kabila ng hindi pagsasama sa isang proyekto sa loob ng matagal-tagal ding panahon, kapansin-pansin na hindi nabawasan ang closeness at sweetness nina Kim at Xian sa isa’t-isa. Sa guestings ng aktor sa ASAP ay nakikitang sila lagi ni Kim ang magkasama at magkausap. Wala pa mang pag-amin na sila na nga talaga ay kinuwento naman ni Xian na lalong lumalalim ang samahan nila ng kapareha.

“Okay naman kami. Oo naman, lagi naman, e. Di ba, pag nagtatagal ang samahan siyempre mas lumalalim."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN