Does Heart Evangelista want to be considered a trophy wife?




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Fresh from her Europe vacation si Heart Evangelista kaya halata na na-recharge ang TV host-actress. Mas maganda ang aura nito nang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang Trophy Wife.
Sa pagbabalik ni Heart, magiging busy muna siya sa pagpo-promote ng Trophy Wife na kauna-unahan niyang pelikula sa Viva Films kunsaan, makakasama niya sina Derek Ramsay, Cristine Reyes at John Estrada.

Ang karakter daw ni Heart ang magiging “twist” ng pelikula na tungkol sa pag-ibig at revenge.
“I play a key role, ako ang magiging twist ng story.”
Nahirapan ba siya sa karakter niya bilang si Gwen?
“Hindi siya mahirap actually. We shot the movie mga three times over-over kasi, nagpalit kami ng director. The last time that we did the movie, we changed everything. I really didn’t have to step-out of my comfort zone, Direk Andoy [Ranay] made it very easy for me.
“In fact, yung mga kissing scene, ginawa niyang very light, very easy, so, it wasn’t so hard for me kasi nga, alam niyang nanginginig ako. But then, it wasn’t also called for naman. We needed to show the difference of what Cristine is doing and what I’m doing. We need to see that black and white different.”
Naka-trabaho na rin daw niya si Direk Andoy Ranay kaya kumportable na siya.
“Definitely, I’ve worked with him, 16, 17 ako so, very comfortable na ako with Direk Andoy.”
Nilinaw ni Heart na hindi niya rin makokonsider na pinaka-daring na ginawa niya ito sa pelikula.
Aniya, “Hindi nga siya daring sa akin. Hindi siya dumating sa ganun. Originally, it was supposed to be daring, but it was really Cristine. She did everything.”
Mas masaya siya na ang karakter na nga niya ang napunta sa kanya?
“Okay na sa akin, oo, okay na sa akin,” natawang sabi niya.
Dugtong pa niya, “Hindi ko rin naman kaya yung role ni Cristine. I wouldn’t be in the movie talaga. It’s my first movie with Viva. I accepted the role because, you know, they gave it to me. But talagang it was clear in the beginning na hindi yun ang gagawin ko.”
Bilib nga raw siya kay Cristine.
“Grabe siya, grabe siya, bilib talaga ko sa kanya. She is where is today because she can do certain things I cannot do.”
Sa palagay niya, hindi niya talaga makakayang maging daring katulad ni Cristine kahit sa mga future projects niya?
“Hindi po, I don’t think that it’s something I would also like to do personally. I’m very liberated with my personal life and I’m very open about my ex-boyfriends or whoever I dated but when it comes to certain things, there’s just certain limits that I cannot pass.
“So, yeah, iwanan natin kay Cristine. She did a really good job. Sobrang ibang klase talaga siya. Tanggal, tanggal talaga.”
Kumusta namang leading man si Derek Ramsay?
“Okay siya. He’s something I’m comfortable to work with. I did Panday with Derek. I think that’s his first soap with ABS[-CBN] that time and he hasn’t changed. He’s not the type of person na palaging nakatago sa kotse. He’s very sociable, so, it’s very comfortable to work with Derek.”
Kasama rin sa cast ng pelikula si John Estrada.
Hindi naman daw niya kinailangan pang magpaalam sa boyfriend na si Senator Chiz Escudero kung may kissing scene man siya sa pelikula.
Sabi nga ni Heart, “I don’t make paalam.
“Sobrang wala siyang isyu sa mga ganun.”
Ang title ng movie nila ay Trophy Wife. Sa totoong bahay, gusto rin ba niyang maging trophy wife?
“Kung gusto nila,” natawa niyang sabi.
“I really don’t—actually, a trophy wife is a prized catch. Somebody that you put in a pedestal. Somebody that an arm candy, that’s a trophy wife, a beautiful wife. So, I don’t mind to be a beautiful wife. But it’s not something that I really want to be.
“I just want to be normal wife. I don’t want to be—kasi, a trophy wife is more of a need. So, ayoko naman ng ganun. Iba naman ang intention ko.”
Papunta na rin kaya siya sa pagiging “wife” sa totoong buhay?
“Definitely papunta na ko r’on,” pag-amin niya.
“But you know, we’re taking our time. We’re very open about our relationship. We talk and we’re honest to each other and we plan things out. But it’s just…basta,” nakangiti niyang sabi.
Kung magiging isang misis na raw siya, gusto raw niyang gampanan talaga ng buong-buo ang pagiging maybahay.
“Definitely, I want to play an active role. I missed a lot of growing up. I didn’t get the chance to travel. I didn’t get the chance to experience college or normal life. So, definitely, yung chapter na yun sa buhay ko, I really want to experience it.
“Pero, hindi ibig sabihin na aalis ako sa showbiz.
“Maybe, I wouldn’t do that much soap [operas] anymore. Maybe, I’ll venture into hosting and that was naman my plan, ever since before. I always wanted to have that normal life but, hindi naman ako aalis ng showbiz.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN