Enchong Dee on his mature role in Once A Princess: “This is an adult material.”

Ipinagmamalaki ni Enchong Dee ang pelikula nilang Once A Princess dahil nag-level up na daw ang kanilang karakter sa pagganap sa isang pelikula.


Mature roles ang gagampanan nina Enchong Dee, JC de Vera, at Erich Gonzales sa upcoming Star Cinema movie na Once A Princess. Ang kuwento ng pelikula ay tumatalakay sa infidelity o pakikiapid sa isang may karelasyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enchong, inusisa namin sa actor ang tungkol sa pagiging sexy din ng ilang mga eksena sa movie.

Saad niya, “Uhm, siguro yung ano lang…lahat naman tayo papunta sa ganun. You can’t stay forever sa teenybopper na kuwento.

“And ito ay parang isang pintuan na i-introduce namin ang mga sarili namin ulit sa publiko na ito na, this is an adult material.

Once a Princess was not just a pa-cute material, but it's something na kasabay namin. We're growing up, we're maturing and kasabay namin yung mga proyekto namin na mga ginagawa namin.”

Ang huling pinagsamahang pelikula nina Enchong at Erich ay ang 2010 romantic comedy na I Do.

Malaki daw ang kaibahan ng pelikula dahil nag-level up daw talaga ang kanilang pag-atake sa kuwento. Saad pa nito, “Makikita niyo yung difference from I Do to now, totally different.

“Kasabay namin yung mga sumusuporta sa amin na tumatanda rin. I guess maintindihan talaga nila.”

Ano naman kaya ang masasabi niya tungkol sa infidelity, na isa sa pinakauso ngayong tema ng mga teleserye at pelikula?

Saad ni Enchong, “It’s a reality. It’s something that happens every now and then, not only in the Philippines but all over the world.

“So, siguro it’s very relatable, at a certain age sasabihin nila, ‘Ay naku, kuwento ko ‘yan na may nang-agaw sa akin. Ay, kuwento ko ‘yan, inagawan ako. Ay kuwento ko ‘yan, ako yung nasa gitna.’

“Kung bakit siya naging hit, from The Legal Wife to The Mistress, because it’s a reality.

If ever ba paano niya lalabanan ang mga temptation sa totoong buhay? Lahad nito, “When you’re in that situation, ito na yung temtasyon o, andiyan na yung pinakamamahal mo, ano yung susundin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung puso mo na nasa tingin niya tama siya o yung utak mo na sa tingin niya rin tama siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN