Rocco Nacino says he might work with girlfriend Lovi Poe in an indie film


“Nakaka-humble na they see me as an actor, not just as a celebrity,” pahayag ni Rocco Nacino, isa sa mga bida sa indie film na Hustisya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rocco noong July 9 sa press con ng 2014 Cinemalaya Independent Film Festival na ginanap sa main lobby ng Cultural Center of the Philippines.

Malaking bagay para kay Rocco na siya ay napili para makasama sa cast ng Hustisya, topbilled by multi-awarded actress Nora Aunor.

Rocco considers it a high point in his career na makatrabaho ang nag-iisang Superstar sa unang pelikula nito sa Cinemalaya.

Maganda na ang takbo ng career ni Rocco at masuwerte rin siya sa kanyang lovelife matapos aminin ni Lovi Poe sa Startalk noong July 12 na may relasyon na sila ng aktor.

“I can’t ask for anything more. Masaya ako sa aking lovelife and ang maganda roon ay naba-balance ko lahat. I am able to do my work tapos may lovelife pa,” nakangiting pahayag ng actor.

In the movie Hustisya, Rocco is playing a bad boy. “He is bad in a way na…mahirap kasi sabihin kasi pag ginawa ko iyon, I will be revealing much of the story. All I can say is that my character will cause the change in the character being played by Ate Guy,” wika niya.

“Lawyer ako rito pero ibang klaseng lawyer. May mga ginagawa siya na hindi maganda. Parang he is more on the dark side.”

Kumusta naman working with Ate Guy? How would you describe the experience?

“Noong una naman inaamin ko na nahihirapan ako. You have to ready na makaeksena siya. Kahit na hindi pa siya ready, dapat nagpi-prepare na ako for my scene with her. Pagpasok niya sa eksena, she’s in character na.

"Ang ginawa ko, nag-research ako. Paano ba dumiskarte ang mga lawyers? Nagpunta ako sa Hall of Justice ng Quezon City tapos pinanood ko ang mga abogado then gumawa ako ng sarili kong interpretation na ginamit ko sa character ko.

“Nahirapan ako sa mga scenes namin ni Ate Guy kasi very intimidating ang dating niya. When you look into her eyes, very intimidating ang effect sa akin. I had to acknowledge na ang lakas ng aura niya [Nora] but I used that to push myself further sa acting ko. I was challenged sa every scene na kasama ko si Ate Guy,” pahayag pa ni Rocco.

Ano ba ang mayroon sa mga mata ni Ate Guy that makes you say na intimidating ang aura?

“Yun ang sinasabi nilang nangungusap ang mga mata. Hindi na niya kailangang magsalita. May time na nahirapan ako sa isang scene ko. Kulang pa ako sa confidence, nangangapa pa ako noon. Tumingin siya sa akin, hindi na siya nagsalita pero naintindihan ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin.

‘Kaya mo iyan,’ parang yun ang sinasabi niya sa akin,” kuwento pa ni Rocco.

Would you say ito ang biggest break mo since your award-winning performance in Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa for which Rocco won Breakthrough Performance by an Actor in the Golden Screen Awards?

“Yes, actually, I was really challenged sa role na ginampanan ko rito. I have never played a lawyer so parang nangangapa ako. I was asking myself paano ko gagawin ito? Happy ako na maganda naman ang reaction ni Direk Joel [Lamangan] sa aking performance,” wika pa ni Rocco.

“Masarap katrabaho si Direk Joel. Second time namin ito together since nagkatrabaho na kami sa Burgos.

"Nagkukuwentuhan kami before the take pero pagdating sa set, he becomes strict. He expects na alam mo dapat ang role mo. Doon ko natutunan kung kailan ang laro at kung kailan ka dapat maging seryoso sa trabaho.”

Going back to the movie Hustisya, sa tingin ba niya ay may laban siya come the Cinemalaya awards night?

“Siguro po sa best supporting actor. Yun po ang sabi ni Sir Dennis Evangelista [their line-producer]. Sabi po niya he almost got teary eyed sa mga eksena ko. Natutuwa naman ako kasi nagandahan siya sa performance ko. Nakakataba naman ng puso. Hopefully, sana. Pero doing this project ay malaking bagay na para sa akin. It’s like winning an award na rin,” sagot ni Rocco.




ON LOVI POE. Natutuwa rin si Rocco sa suporta ni Lovi Poe sa kanya. Aside from being gym buddies, Rocco also says being disciplined is also one key kung bakit magkasundo sila ni Lovi. Hindi na sila masyadong nagpupuyat because they go to the gym to workout.

Anong reaction n'ya na si Lovi ang umamin tungkol sa kanilang relasyon?

“Pagdating sa bagay na iyan, ang belief ko it should come from the girl and the guy would re-confirm kasi siyempre para sa akin, hindi dapat ipagmalaki agad ng lalaki iyan. Kasi ang dating ay parang pinapangunahan mo so ang tingin ko mas maganda kung sa girl manggagaling ang announcement. Babae muna,” sabi niya.

Ayon pa kay Rocco, nagulat daw siya sa naging pag-amin ni Lovi. Nasa Cebu daw siya that time for a a mall show nang makatanggap siya ng maraming messages congratulating him.

“So tinawagan ko siya and I asked kung ano ang nangyayari. She said ‘I admitted our relationship.’ Ah okay. It’s a good thing. Hindi naman ako nagalit pero hindi naman namin napag-usapan ang tungkol sa pag-amin,” wika pa niya.

“Nakakatuwa kasi from the start pa lang, maraming na ang sumusuporta sa aming dalawa. Pero hindi pa namin napapag-usapan ang tungkol sa kasal. Maganda ang takbo ng aming respective careers so mas maganda na we enjoy each other’s company bilang mag-sweetheart.”

Marami pa raw silang priorities ni Lovi when it comes to their respective careers. Ibinalita rin ni Rocco na baka magkasama sila ni Lovi sa isang pelikula na entry sa Cinema One Originals sa Nobyembre.

“I am excited to work with her again kasi mas makikita na ang chemistry naming dalawa. We’ve worked together sa TV so maganda naman sa movie naman kami magkasama.”

Paano ba niya tinanong si Lovi na maging girlfriend niya?

Sa may Eiffel Tower siya sinagot ni Lovi. Masakit pa nga raw ang paa nito dahil sa bagong sapatos na binili nito pero tumuloy pa rin sila sa pagpunta sa Eiffel Tower. While they were enjoying the view, it was then that Rocco popped the question if Lovi would be his girlfriend. She said yes.

“The Eiffel Tower is a very romantic venue for such occasion and I would need to top that,” sabi pa ng binata.

Gusto raw talaga niya na i-set-up ang naturang proposal habang nasa Paris pa sila. Kung sakaling sagutin na siya, mas maganda.

May mga tampuhan din ba sila?

“Sobrang babaw lang. Parang bata na nag-aaway tapos after five minutes naglalambingan na uli. I am really happy sa relationship namin.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN