Keanna Reeves topbills Magtiwala Ka, a film depicting struggles of Yolanda victims


Pinag-usapan hindi lamang dito sa Pilipinas maging sa buong mundo ang hagupit ng super typhoon Yolanda na tumama sa ating bansa noong December 2013. Halos buong mundo ay nakiramay at nagpadala ng tulong sa mga naging biktima ng bagyo.

May mga iba’t ibang makabagbagdamdaming istorya rin ng biktima ng bagyo ang lumabas patungkol sa kung anong klaseng paghihirap at dalamhati ang kanilang naranasan sa pagkawala ng kanilang tahanan, kabuhayan at mahal sa buhay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan si Jorik Raquiza, ang director ng pelikulang Magtiwala Ka: A Super Typhoon Story. Batay ito sa buhay ng mga pamilyang nakatira sa Samar at Leyte noong tumama ang super typhoon.

Ipapalabas na ngayong July 16 sa ilang SM Cinemas, Robinson Theatres, Ever Commonwealth at Ortigas ang Magtiwala Ka: A Super Yolanda Typhoon Story.

Ang Magtiwala Ka ay punung-puno ng drama at actual video footage noong kasagsagan ng bagyong Yolanda sa Samar at Leyte at tungkol sa pagbibigay relief, pagkain, tubig, at rehabilitasyon.

Ano ang aabangan ng moviegoers sa pelikulang ito?

Direk Jorik: "Sa kabila ng pagiging kontrobersyal ng mga napapaulat na hindi pagdating ng suporta, bilang ng mga nasawi, mga pabahay na itinayo ay ipapakita ng pelikulang ito ang pagbangon ng mga kababayan natin mula sa pagkalugmok."

Sinu-sino ang mga cast members sa movie na ito?

Direk Jorik: "Pinangungunahan ni Ms. Keanna Reeves, Dhen Ibañez of Rhythmotion Band, Kevin Mercado, Dr. Manny Calayan, Andrea del Rosario at iba pa."

Sino ang nag-inspire sa’yo to do the film?

Direk Jorik: "Ang nag-inspire sa’kin para gawin ang pelikulang ito, ay walang iba kundi ang mga kababayan ko sa Samar at Leyte at ito’y isang inspiring film na nagsasabing may pag-asa pang bumangon sa kabila ng lahat ng pagsubok sa buhay."

Anu-ano ang mga na-encounter mong problema bago natapos yung movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Direk Jorik: "Ang paglakbay sa Samar, sumakay ng ordinary bus kasama ang mga crew and staff tapos walang kuryente sa location at walang makain, mainom at wala ring matulugan dahil sa washed-out lahat ng bahay doon."

Ilang pamilya ang nainterview niyo bago nabuo ang istorya?

Direk Jorik: "Mahigit 200 na pamilya rin ang aming nainterview na talagang mga biktima ni Yolanda. Pero siyempre pinili lang namin yung may mga inspiring story para isama sa pelikula."

Bakit istorya nila ang napili mong isapelikula?

Direk Jorik: "Istorya nila ang aking napili dahil makatotohanan at talagang magandang gumawa ng realistic film at higit sa lahat totoong nangyari na base mismo sa actual footage ng bagyo pati na rin ang relief operations."

Saan-saang lugar n’yo shinoot yung pelikula?

Direk Jorik: "Ilang parte ng Samar at Leyte."

Si Direk Jorik ay isa rin siya sa mga biktima ng bagyo na maging ang ari-arian at naipong resort at bahay na nagkakahalaga ng P4.6 million.

"For me, it’s only a material loss, pero nagpapasalamat ako sa Diyos nabuhay pa rin ang family ko. Nagpapasalamat ako kay God una sa lahat at maging sa Crystal Audio Productions kay Mr. KCM at sa Corporate Communications ng Globe Telecom Department lalo na kay Ma’m Yolly Crisanto, VP [vice president] ng marketing at Sir Ferrer, marketing director, para sa pagsuporta para mabuo at matapos ko ang pelikulang ito."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN