"Erotika: M2M 2" video demonstrates sexy dancing

by Ruel J. Mendoza
Dec 14, 2007
Videoflick Production has released Erotika: M2M 2 (The Art of Striptease and Sensual Dancing), the sequel of M2M: Masahe. This instructional video will show viewers the basics of lap dancing, striptease and pole dancing.


Pinag-uusapan na ang bagong proyekto ng Videoflick Production, ang Erotika: M2M 2 (The Art of Striptease and Sensual Dancing). Ang naturang produksyon ang siya rin nag-release ng kontrobersyal na M2M: Masahe na nagturo naman ng art of sensual massage.

Ang Erotika video ang nagsisilbing sequel ng naunang M2M video. Isa rin itong instructional video ngunit sexy dancing naman ang itinuturo. Perfect ito lalong-lalo na sa mga mahilig gumiling at sumayaw sa saliw ng mababagal at mapang-akit na musika.

Kabilang sa mga sexy dance routines na mapapanood sa Erotika ay ang lap dancing, striptease at pole dancing. Hindi ito mahirap sabayan dahil ilan sa mga bahagi nito ay slow motion upang lalong makita ang bawat detalye ng galaw ng katawan ng mga models.

Speaking of models, hindi kumpleto ang ganitong klaseng instructional video kung wala ang mga matitipuno at guwapong models upang mag-demonstrate ng mga sexy dance moves. Sa Erotika, tampok ang mga newcomers na sina Dexter Castro,—first runner-up ng Ginoong Pilipinas 2006—Ivan Maxwell, Gael, Rojer at Seff Posadas. Sila ang mga iindak sa inyong mga video screen, suot ang mga sexy at skimpy outfits na lalong magpapagana sa inyong pagsasayaw.

Continue reading below ↓

Ang mga naturang models ay sumailalim sa isang dance workshop na pinamunuan ni Charles Thompson, ang chief choreographer ng dance company na Hotlegs.

Hotter than ever, sizzling, electrifying and gyrating—ilan 'yan sa mga salitang nakasulat sa cover ng VCD ng Erotika: M2M 2 (The Art of Striptease and Sensual Dancing). Mabibili na ito sa mga record at video stores.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Videoflick Production has released Erotika: M2M 2 (The Art of Striptease and Sensual Dancing), the sequel of M2M: Masahe. This instructional video will show viewers the basics of lap dancing, striptease and pole dancing.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results