Sharon Cuneta taps Wenn Deramas to direct her upcoming movie

Wenn Deramas (right) hopes Gabby Concepcion will be Sharon Cuneta's leading man in an upcoming movie that he will direct.


Kinumpirma ni Wenn Deramas ang plano ni Megastar Sharon Cuneta na makagawa muli ng pelikula. Tinawagan ni Sharon si Direk Wenn para gawan siya ng pelikula bago umalis noon ang Megastar for a series of shows abroad.
“Sana matuloy yung 2015 naming proyekto. Sabi ko pagdating niya, doon namin pagusapan. Dumating na ba siya?” tanong ni Direk Wenn sa amin.
Ayon sa isang source, dumating na si Megastar noong July 6.
Unang nagkatrabaho sina Sharon at Direk Wenn sa pelikulang BFF: Best Friends Forever (2009). Kasama rin ni Sharon sa BFF movie ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.
Ani Direk Wenn, “Sabi ko, pagdating niya uupo kaming dalawa lang. Walang ibang tao. Kinausap na rin niya si Boss Vic [del Rosario, Jr., Sharon's manager], e. Sabi ko, ah, walang iba. Dalawa lang kami ni Mega. Kami ay uupo at maguusap.
“Hindi naman heart to heart talk. Napaka-serious naman noon.
“Ano lang, tsikahang masaya dahil gusto namin ng isang maganda at makabuluhang pelikula. Hopefully, si Gabby [Concepcion] ang leading man niya.”
Kung hindi pwede si Gabby bilang leading man ni Mega, itutuloy pa rin ba niya?
“Of course, Brad Pitt or Tom Cruise. Kaya umalis si Mega para ayusin ang mga lalaki ‘yan in case hindi gawin ni Gabby,” biro ni Direk Wenn.
Ang Viva Films daw ang magpro-produce ng pelikulan gagawin niya for Sharon with Gabby.
“Ay, siyempre Viva kasi si Mega, ‘di ba?
“Wala na siyang kontrata sa Star Cinema kasi umalis siya, e. Siguro kung hindi siya umalis, meron na siyang sariling network?
“Siya mismo hindi magandang tingnan na, iniwan mo tapos gagawa ka sa kanila, ‘di ba? Paano niya ipo-promote ang pelikula sa Star Cinema kung naka-kontrata siya sa ibang network?
“Minsan nga iniisip nila, bakit naman ganyan ang mga network-network?
“You have to protect your own, di ba? So, bakit ka magpro-promote ng ibang artista sa kalaban mo’ng network, ‘di ba?
“So, malabo na sa Star Cinema kasi Viva na siya. May Boss Vic na siya, e.”
May naisip na ba siyang concept na pelikula nila ni Sharon?
“Meron pero hindi ko pwedeng sabihin sa ‘yo kasi hindi pa pwedeng isulat. Pero ano siya, dramedy.”
Bakit hindi straight drama?
“Kung may strength naman yung tao at strength ko rin naman ang drama and comedy. But I hope talaga, ah, si Gabby yung leading man niya.”
May ginagawang pelikula ngayon si Direk Wenn under Viva Films, ang sequel ng Moron 5 and the Crying Lady na pinagbibisahan nina Luis Manzano, Marvin Agustin, Matteo Guidecelli, DJ Durano at Billy Crawford.
Kasabay nito, tinatapos na rin niya ang kanyang first horror film iunder Star Cinema, ang Maria Leonora Teresa (MLT).
Bakit niya naisip gumawa ng horror film?
“Fan kasi ako ng horror. So, lahat-lahat pinapanood ko.
“Matagal ko ng konsepto ang Maria Leonora Teresa na naungkat ko lang ulit nu’ng ginagawa ko yung Bromance. Tapos nakwento ko kay Enrico Santos. So, sa pitching niya sa Star Cinema naikuwento niya, ‘May ganitong concept si Direk Wenn.’ Nagustuhan, o, eto na siya ngayon.”
Gaano niya katagal itinago ang konsepto niya?
“Matagal, mga 2007 pa. Originally sa TV ‘to. Kaya lang after ko’ng gawin yung Maligno [horror-serye niya on ABS-CBN starring Claudine Barretto and Diether Ocampo], na-maligno rin naman ako habang ginagawa ko yun."
Paano?
“Siyempe iba talaga kapag nagdi-deal ka sa kwento mo about sa demonyo. So, may epekto at epekto pa rin talaga sa pagkatao ko lalo na’t ang hirap dahil nagiisa ako’ng anghel, ‘di ba?”
Nasaniban siya ng bad spirit?
“Oo, yung ganoon,” sambit ni Direk Wenn.
“Totoo, ang dami-dami sa staff ko ang nagsasabi sa akin. Sina Danny, yung production designer ko sa mga pelikula at TV shows ko, natatakot na sa akin. Sinasabi nila sa akin, ‘Direk, mukha ka ng demonyo. Galit ka.’
“Siyempre, ‘pag gising mo pa lang pupunta ka sa set iisipin mo yung kademonyohan. Ano yung mga gagawin mo’ng kademonyohan? O, e, it’s demonyo.
“E, lalo pa ‘yung Maligno ay tungkol sa anti-Christ talaga, yung paglabas niya. Counterpart ni Jesus Christ yung ginawa ko. Pero proud ako na kahit na kademmonyohan siya, e, good versus evil pa rin naman yun at maganda ko’ng nagawa. Isa sa mga paborito ko’ng serye ang Maligno.
Sa kabila ng nangyari sa kanya sa horro-serye niya noon, bakita siya gumawa ng horror film?
“Dahil lang sa ako mismo ay fan ng horror at lagi kapag nanonood ako ng horror minsan hindi, ginamot ko rito yung, alam mo, yung sa horror minsan hindi logical yung na yung mga pangyayari.
“Sa MLT, pinilit naming itama yung mga bagay na reklamo natin kapag nanonood tayo ng horror film. So, sa MLT hinalo ko yung drama at horror.
“Naging very realistic kami tungkol sa tatlong magulang na nawalan ng anak at yung pinaka-ano nila, lowest point ng buhay nila, doon sila ginamitan ng demonyo.
“So, ibig sahinin, nagpapakita kami rito na lahat tayo dadaan at dadaan sa yung tinatawag na lowest point ng buhay. At isa lang ang pwede nating kapitan pa rin, ang Panginoonn. At ang endng nito, syempre, magwawagi ang good over evil.”
Hindi naman niya naranasan yung nangyari sa kanya when he did Maligno?
“Oo, kasi bago naman kami gumawa nito, grabe-grabe ang dasal ko. Sa umaga paggising ko, i-guide kami ng Panginoon na ito ay isang pagpapakita ng kung ano ang power mo para talunin ang kalaban.
“At maganda kasi ang Star Cinema is very happy and very generous sa pagsabi na maganda yung ginagawa naminn. Nakita na nila ang ibang mga eksena.”
Kinakabahan ba siya for his first horror film considering na mas na-identified siya in doing comedy films?
“Mas excited ako,” ngiti niya.
“Well, marami agad nu’ng una pa lang na, ‘Ano ‘to, horror-comedy?’ Yung may comedy agad. Hindi natin maiiwasan yun. But once na nakita na nila yung end product nito masasabi nila na, ‘baka nga mas may husay pa si Wenn sa horror kesa sa comedy.’
“Sabi ko nga kay Kris Gazmen, yung creative producer namin for MLT, parang nage-enjoy ako sa horror.

“Sabi niya, ‘Huwag, walang gumagawa ng comedy mo.’ So, hindi ko pwedeng iwan ang paggawang comedy films, at oo naman.
“Dito nga ingat na ingat ako na, katulad kanina shinoot ko si Atak [comedian], yung simpleng action na nagugulat siya natatawa si Iza [Calzado].
“Sabi ko, ‘Atak, huwag ka’ng mag-comedy! Magulat ka yung sincere, yung mata mo, yung ganoon.’
“E, yun talaga ang mukha niya, e. Hindi naman pwedeng lagyan ng papel ang mukha niya.
“E, buti na lang first part pa lang ng pelikula yun kaya allowed pa ang mga tao noon. Saka para may hinga rin. Kasi yung scene na ‘yon sobrang nakakagulat yun. So, again paglabas ni Atak doon, hihinga ang tao doon nang bahagya.”
Ang Maria Leonora Teresa ang unang horror film ng Star Cinema for this year.
“Oo, yung Pagpag last December na umabot ng January this year. Tapos may Feng Shui 2 naman sila sa [Metro Manila] Film Fest. At maganda ang kita ng horror films ng Star Cinema, ha.”
Ano ang challenge sa pagawa ng horror film?
“Very challenging kasi first mo tapos ang dami nang nauna. At saka may Chito Roño ka na master na master ang paggawa nito [horror film]. At yung gumagawa ka sa kompanya na gumagawa ng pinaka-mahuhusay na horror films. So, kailangan mo’ng husayan. Kailangan huwag ka’ng magpapabaya.
“At ang maganda rin naman sa Star Cinema ay bigay-bigay din talaga. Ubos-ubos biyaya din sa pagbibigay at pagsuporta sa ginagawa mo,” pagtatapos ni Direk Wenn.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN