Lav Diaz film enters main competition of 67th Locarno film fest in Switzerland

An international jury recently chose the Lav Diaz film Mula Sa Kung Ano Ang Noon as Best Picture of the 1st World Premieres Film Festival-Philippines.


Pagkatapos umani ng kaliwa’t kanang parangal sa Pilipinas at sa iba’t ibang film festivals abroad ang critically-acclaimed indie film ni Lav Diaz na Norte, Hangganan ng Kasaysayan, muling may natapos na naman siyang bagong pelikula at lalaban ito sa 67th Locarno International Film Festival in Switzerland sa Agosto.

Ito ay ang Mula Sa Kung Ano Ang Noon.

Magku-compete ang bagong epic film na ito ni Diaz sa Concorso internazionale or international competition section ng naturang film festival.

Eligible nang mag-compete muli si Diaz sa Locarno International Film Festival dahil hindi na siya miyembro ng jury.

Last year ay umupo bilang president ng jury si Diaz ng naturang international film festival.

Limang oras ang haba ng pelikulang Mula Sa Kung Ano Ang Noon na lalaban para sa highest award ng naturang festival na Padro d’oro or Golden Leopard Grand Prize.

Produced ng Film Development Council of the Philippines at Sine Olivia Pilipinas ang Mula Sa Kung Ano Ang Noon. Ito ay period film na ang setting ay noong panahon ng Martial Law noong 1972 at tumatalakay sa mga nagaganap sa buhay ng ilang mga tao sa isang malayong probinsya.

Ayon pa sa official website ni Diaz (lavdiazofficial.tk): “The title of the film was actually taken from the Latin phrase “a priori,” which is used in Western philosophy as knowledge independent of all particular experiences, an argument/ justification on the essentiality of truth that is easily gleaned even without empirical evidence.

“Loosely based on real events and characters, the film examines how an individual and collective psyche responds to extreme and mysterious changes in social and physical environment.

“The Philippines, 1972. Mysterious things are happening in a remote barrio. Wails are heard from the forest, cows are hacked to death, a man is found bleeding to death at the crossroad and houses are burned. Ferdinand E. Marcos announces Proclamation No. 1081 putting the entire country under Martial Law.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga bida nga sa indie film na ito ay sina Perry Dizon, Roeder Camañag, Hazel Orencio, Karenina Haniel, Reynan Abcede, Joel Saracho, Mailes Kanapi, Ian Lomongo, Noel Sto. Domingo, Evelyn Vargas, Teng Mangansakan, Ching Valdes-Aran, Bambi Beltran, Dea Chua, Kristian Chua, Kim Perez at Kints Kintana.

Recently ay itinanghal ang Mula Sa Kung Ano Ang Noon bilang Best Picturesa 1st World Premieres Film Festival-Philippines.

Gaganapin ang 67th Locarno Film Festival mula August 6-16.

Isa si Lav Diaz sa mahuhusay na filmmakers ng bansa. Kabilang sa mga award-winning films niya ang Serafin Geronimo: Kriminal Ng Baryo Concepcion (1998); Batang Westside (2001); Ebolusyon Ng Isang Pamilyang Pilipino (2005); Heremias, Unang Aklat: Ang Alamat Ng Prinsesang Bayawak (2006); Kagadanan Sa Banwaan Ning Mga Engkanto (2008); Melancholia (2009); Siglo Ng Pagluluwal (2011); Florentina Hubaldo (2012).

Last year ang kanyang obrang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ay umani ng parangal sa Cinemanila International Film Festival (Best Director); International Cinephile Society Awards (Best Picture); Nuremberg International Human Rights Film Festival at Gawad Urian Awards (Best Picture, Best Actress, Best Screenplay, Best Cinematography).

Noong 2005, ang pelikula ni Brillante Mendoza na Masahista ay nanalo ng Golden Leopard award sa Locarno Film Fest.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN