Mylene Dizon doesn't mind being replacement for Judy Ann Santos in Cinemalaya 2014 entry Mariquina

Mylene Dizon portrays a woman estranged from her father (played by Ricky Davao) in the Cinemalaya 2014 entry Mariquina.


Para kay Mylene Dizon, hindi mahalaga kung hindi man siya ang orihinal na choice para sa isang partikular na role sa pelikula.

Tulad ng pagbibida niya sa Mariquina, a Cinemalaya 2014 New Breed entry, na dinirek ni Milo Sogueco (mula sa screenplay ni Jerrold Tarog).

Napaulat nang ito ang entry na pagbibidahan sana ni Judy Ann Santos, na napunta kay Mylene.

"I really don't mind. None at all," sabi ni Mylene, sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) during the Cinemalaya Film Fest presscon kamakailan.

"Doon ako sinusuwerte yata, sa pagiging 2nd, 3rd [choice]... actually, hindi lang yata ako second choice [sa Mariquina], parang 10th choice yata!

"Hindi ko alam... malayo... maraming [napagpilian]," natatawang sabi si Mylene.

Sa gitna ng filming, ayon din sa napaulat, ang pagtanggap ni Mylene sa nabakanteng role "saved the day" for everyone in the production.

"Uhmm, yeah. I really liked the script, e," pagsang-ayon ng aktres.

"I really liked the movie and, I think, when the stars don't accept a film, that's when we are blessed.

"I'm not the second choice, for sure, but I'm happy to work with them and I really like the script.

"And yun nga, like I said earlier, dito ako sinusuwerte."

Samantala, mayroon ding projects na original choice si Mylene Dizon, tulad ng 2008 Cinemalaya entry na 100. Dahil sa role niya bilang isang dying woman, nagwagi siyang Best Actress sa Cinemalaya at nang sumunod na taon, sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

That served as Mylene Dizon's crowning glory sa kanyang acting career.

"Yeah, yeah... so far," nangiti siya as she recalled her past achievements.

Before doing Mariquina, Mylene was busy taping for Mirabella, ang ABS-CBN teleserye ni Julia Barretto na nagtapos kamakailan.

"And I just finished filming this one [Mariquina], so ngayon pa lang mag-uumpisa ang summer vacation ko," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Soon, may uumpisahan daw siyang projects, "Merong movie, meron ding for TV, but I don't think I'm at the liberty to talk about them yet."

ON PORTRAYING IMELDA. Ang Mariquina ay tungkol sa isang shoemaker (Ricky Davao) na namatay na at ang anak niya (played by Mylene) ay naghahanap ng perfect pair of shoes para sa ama niya.

Sa pelikula, ang karakter ni Mylene ay may pangalan na Imelda ngunit hindi ito mahilig sa sapatos dahil naging masalimuot ang relasyon nito sa ama na isang shoemaker.

May reference ang kuwento sa dating Unang Ginang na si Imelda Romualdez-Marcos. Partikular ang pagkahilig ni Madam Marcos sa pangungulekta ng mga sapatos, numbering more than 3,000 pairs nang lumisan sila sa Palasyo noong 1986.

Ang Marikina City ay pamoso rin bilang sentro ng industriya ng sapatos sa bansa.

Tungkol sa father-daughter relationship ang buod ng Mariquina.

"Sinasabi ng pelikula, ng kuwento nito, na lahat tayo ay may kuwento; lahat tayo ay may pinanggagalingan and we should not be quick to judge others,” ani Mylene.

"Lahat tayo may kanya-kanyang kuwento, at hindi natin dapat binabatikos ang ibang tao; o ang mga desisyon nila sa buhay, na lahat ay may mga pinanggagalingang kadahilanan."

By telling the story of Mariquina, na-overcome daw ng character ni Imelda ang mga hang-ups nito sa buhay.

FORMIDABLE COMPETITION. Sa 10th edition ng Cinemalaya, aware si Mylene Dizon sa mahigpit na competition para sa Best Actress award.

Sa New Breed category, kung saan kabilang ang Mariquina, makakalaban ni Mylene ang tulad nina: Eula Valdez para sa Dagitab; Ai-Ai delas Alas sa Ronda; Mara Lopez sa K'na, The Dreamweaver; Nova Villa sa 1st Ko Si 3rd; Sophie Albert and Coleen Garcia sa #Y, Angeli Bayani sa Bwaya; among others.

"Oh, yes. The roster this year is very encouraging.

"It's exciting... and I'm more looking forward to watching their films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I like watching Cinemalaya [entries] naman. Sana my schedule will permit."

NO LOVE INTEREST. Ayon pa kay Mylene, may slight love angle ang kuwento ng Mariquina, pero wala siyang love team partner.

"None, kasi hindi naman lahat ng pelikula, kailangan may love interest.

"It's not a love story. May love angle, but it's not the highlight.

"I've never played this role before, so I'm very happy doing it," sambit pa ni Mylene na may dalawa anak with Paolo Paraiso.

"I have two boys, my sons: Tomas is 9 years old, and Lucas is 5.

"They're growing up very well.

"I'd like to think that I'm able to give them a very happy childhood!"

On speaking terms ba sila ni Paolo, the father of her sons?

"Oh, yeah," tugon ni Mylene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN