Bayani Agbayani: "Fifty na ako, it’s about time na gumawa ako ng mga daring roles."

by Rose Garcia
Mar 14, 2019
PHOTO/S: Rose Garcia


Bago para kay Bayani Agbayani ang mga ginawa niya sa kanyang upcoming movie titled Pansamantagal na mapapanood na sa March 20.

Ang pagiging daring nila rito ng leading lady na si Gelli de Belen ay idinaan talaga sa mga “vulgar words” na kaswal lang nilang sinasabi at pinag-uusapan.

Komedyante si Bayani pero masasabi raw niya na may pagka-wholesome ang approach niya sa pagpapatawa.

“Kinausap kami ni Direk Joven [Tan] isa’t-isa, lalo na kami ni Gelli. Noong hindi ko pa nakikita ang script, kinausap ko pa noon si Direk sa telepono, sinabi niya sa akin na medyo ano ‘to ha, wala yung pagka-wholesome mo na gusto mong mangyari.

“Noong makita ko ang script, sabi ko, 50 na naman ako, it’s about time na gumawa ako ng mga daring roles. Hindi physically, kahit man lang verbally at saka sa istorya.

“Sabi ko, kaya ko naman ‘tong bitawan na hindi offensive. Kasi, nakikita ko naman sa gatherings na kapag nagbitaw ako ng medyo bastos, natatanggap nila.”

Continue reading below ↓

Sobrang natuwa nga raw si Bayani dahil sa napaka-positibong pagtanggap sa trailer ng Pansamantagal na umabot na agad ng 7 million views sa ilang araw pa lang na nai-upload ito.

“Sabi ko nga, buti tinanggap nila,” saad niya tungkol sa trailer ng pelikula na produced by Horseshoe Productions.

“Pati yung kay Gelli, tinanggap nila. Kasi, alam niyo, merong itsura ang tao na alam nila na hindi ka naman ganun kahit sabihin mo yung mga ganung salita, tinatanggap nila.

"Alam din nila kapag hindi mo sinabi at alam din nila kung bastos ka talaga. Alam nila yun.”

Sa trailer ng pelikulang Pansamantagal, tinanong ng karakter ni Gelli si Bayani: "Malaki din ba ang t*t* mo?"

Sa totoong buhay, naranasan na ba niya sa personal na may nagtanong sa kanya kung malaki ang kargada niya?

“Wala naman,” natatawang sagot ni Bayani.

“Pero ngayon, marami na ang nagtatanong. Pati sa mga threads-threads, [tinatanong] malaki ba talaga? Sabi ko, kayo naman, ano lang ‘yan,” natatawang sabi ng komedyante.

Continue reading below ↓

Paano kung mauso na may mga kaswal na nga lang na nagtatanong sa lalaki nun?

“Hindi ko na maintindihan, sinuong ko na lang ang buhay ko diyan,” hirit niya.

“Pero alam niyo, natutuwa naman ako para maging ganun karami ang views niya, ibig sabihin, tinanggap siya. Lalo na ng mga millennials. Kasi, ang anak ko ang nagsasabi sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bayani kamakailan sa Horseshoe Productions office sa may Panay Avenue.

Matagal na raw silang magkaibigan ni Gelli, pero hindi pa sila nagkakasama sa pelikula. Minsan pa lang daw sa dati nilang show sa TV5.

“Ngayon pa lang talaga kami nagkasama ni Gelli sa work. Nauna sa akin si Gelli sa showbiz. Di pa ko artista, Gelli de Belen na siya. Pero matagal ko na siyang kaibigan, kasi, common friends.”

Pero alam na raw ni Bayani na magaling na komedyante at aktres si Gelli.

Continue reading below ↓

“Alam ko na magaling siyang magpatawa at magaling siyang aktres. Alam ko yun, dati pa,” saad niya.

Sabi pa ni Bayani, “Isa rin sa mga talagang gusto kong mukha at hitsura sa showbiz, siya. Sinasabi ko sa kanya yun, even before. Hindi ko nga alam na siya ang kasama ko rito sa Pansamantagal.

“Kasi, ayokong nakikialam sa casting ng pelikula or even show, kasi for me, offensive yun na namimili ka ng makaka-partner mo. Director yun, siya ang bahala at saka, kahit naman sino ang makasama mo, kaya mo namang pakisamahan at alam naman ni Direk ‘yan.

“At noong makatrabaho ko siya, doon ko napatunayan na magaling siya. Sabi ko nga, alam mo, hindi ka nagbago. Yung itsura mo before at itsura mo ngayon, ganoon pa rin, pati sa katawan, pati sa pananamit.

“Lalo na sa pag-acting, lalo siyang gumaling.”

Gustong-gusto raw niya ang buong personalidad ni Gelli. Yung kabaitan nito at kung paano makisama sa industriya.

Continue reading below ↓

“Parang wala nga akong nabalitaan na nakagalit niya,” sabi pa niya patungkol sa kanyang leading lady.



Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results