PEP EXCLUSIVE: Heart Evangelista admits she got "upset" with her latest movie

Heart Evangelista (wearing pink) on sexy drama Trophy Wife: “It wasn’t really a priority kaya medyo na-upset ako na nag-drag on siya over a year yung shooting kasi I wasn’t very happy with the movie to begin with. Kasi maliit lang yung role.” Heart also adds: “Masyado kasi akong na-bored sa character ko dito sa movie na ito.” Photo on right shows Cristine Reyes and Heart in one of their confrontation scenes


Nakatakdang ipalabas sa July 30 sa mga sinehan ang unang pelikula ni Heart Evangelista sa Viva Films na pinamagatang Trophy Wife.

Ang sexy drama na ito ay pinagbibidahan din nina Cristine Reyes, John Estrada, at Derek Ramsay, mula sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Ngayon pa lang, sinasabi na ni Heart na hindi masyadong challenging ang kanyang role, bagkus ay simple lang daw ito.

Ani Heart, “My role wasn’t challenging at all.

“Kasi hindi siya yung ini-expect nang tao na nagpakita ako or anything. Wala.

“It was really… parang ano lang, simple lang yung role ko.

“It was actually moment talaga ni Cristine yung movie.

“So, walang masyadong challenge.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa GMA Network habang umeere ang Sunday All Stars.

Ayon sa kanya, nabago ang unang concept ng partisipasyon niya sa pelikula na dapat sana ay si Elwood Perez ang direktor.

“Nabago yung unang concept na medyo daring.

“’Tapos nagbago yung direktor namin, so he had a different approach to everything na hindi na namin kailangan ni Cristine na magpakaano dahil moment na niya yun, e.

“So, siya talaga yung nagpaka-daring, ako hindi.”

Okay lang ba kay Heart na ganito ang kinalabasan ng pagbabago ng original concept ng movie?

Sagot niya, “Okay lang sa akin.

“Hihintayin ko na lang din yung moment ko na may sarili rin ako na parang mas maganda yung role or maybe a bigger role.

“Ayaw ko rin namang magpakita for nothing.”

Patuloy pang paglilinaw ni Heart, “Tama lang naman yung movie, so okay lang.”

Pumapayag pala siya sa mga supporting roles?

Aniya, “Actually, hindi yun ang ini-expect ko, pero iyon ang ibinigay sa akin ng Viva for a first movie… I want to be grateful na lang.

“Pero sa mga next movies ko, definitely pag-aaralan naming mabuti ang mga bagay-bagay before I accept.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-disappoint ba si Heart in a way?

“Not really, kasi at this point, hindi ko naman siya sa priority. There are so many other things going on.

“Parang it wasn’t really a priority kaya medyo na-upset ako na nag-drag on siya over a year yung shooting.

“Kasi I wasn’t very happy with the movie to begin with. Kasi maliit lang yung role.

“Pero since past lang naman ang usapan, okay lang sa akin mag-shooting.”

Pag-uusapan pa raw nila ng Viva Films ang susunod niyang movie, ayon kay Heart.

Kung hindi muna siya mabibigyan ng movie assignment, wala itong kaso sa kanya.

Paliwanag niya, “Kasi, I think, mas gusto ko ng maganda yung movie kaysa yung hindi masyadong maganda.

“Kasi I’m doing naman TV and commercials.

“Okay na rin sa akin na wala muna kung wala pa silang magandang maibigay.

“At least, nakabalik naman ako sa moviemaking.”

Wala naman daw genre ng movie ang gustong gawin si Heart, open siya sa love story, drama, basta mas maayos na role.

Dagdag ng Kapuso actress, “Masyado kasi akong na-bored sa character ko dito sa movie na ito.

“Nothing great. Wala, it was a challenge.

“I felt that my role, as in important naman, parang more of special participation lang naman ako sa movie.

“Pero okay lang. I was actually okay with it.

“Yun naman kasi ang ibinigay sa akin ng Viva.

“So, I didn’t wanna cause them anything. But it could be better.

“I just wait for a better role.”

Bagamat wala pa naman raw bagong project si Heart sa GMA, gusto niyang salain na rin ang mga TV assignments na gagawin niya.

“Ayoko rin naman yung tanggap nang tanggap.

“Wala rin naman ako sa stage na kailangang magtrabaho ako nang magtrabaho.

“Kahit paano, I’ve been here for 16 years na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nasa stage na ako na gusto kong piliin yung mga roles ko.

“Other than that, I’m fine na with my hosting, with my painting. Happy na ako doon.

“So, inaalagaan ko na rin na to make sure na maayos yung mga roles ko, hindi yung tanggap nang tanggap.”

Ayon pa kay Heart, nasa point siya na gusto niyang alagaan ang kanyang karera sa acting kaya naman nais niyang maging mabusisi sa pagpili ng mga roles.

Deskripsyon pa ni Heart sa nararanasang buhay ngayon kung bakit hindi siya naiinip na magkaroon ng bagong TV project, “As of now, I’m enjoying my life, I’m enjoying my hosting, I’m enjoying commercials. I enjoy all of that.”

Patuloy pang paglilinaw ni Heart sa career path na gusto niya, “In connection to mas pinipili ko yung mga roles ko, ayoko kasing masyadong napapagod.

“For me, ang dami ko na ring nagawa.

“Para sa akin, I’ve proven na myself to myself.

“And so, for me, what’s important is I’m always on fire or excited about a role.

“Hindi yung kailangan kong magtrabaho dahil kailangan ko ng pera or what?

“Basta, pipiliin ko yung mga roles ko and I wanna be happy with my roles.

“Hindi yung tanggap lang ako ng tanggap.

“Because nung nagbakasyon ako and everything, na-realize ko na, when you work you, have to be excited about your work. Hindi yung work is dragging you.

“And for the longest time, I must admit na there was some roles, some movies, some [acting] projects that I did that I was dragging myself to work.

“Kasi hindi siya nakaka-inspire para sa akin.

“Ayoko nang mamuhay sa ganun.

“Gusto ko ‘pag nagtatrabaho ako, gusto ko yung ginagawa ko and that’s by choosing the right role.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN