Kyline Alcantara finds it "difficult" to work with Manolo Pedrosa, Migo Adecer

IMAGE Jerry Olea

Kyline Alcantara will be paired with Manolo Pedrosa (left) and Migo Adecer (right) in the upcoming movie Black Lipstick.


“Nahihirapan akong makipagtrabaho sa inyo!”

Kilig-kiligang biro iyan ni Kyline Alcantara habang napapagitnaan siya nina Manolo Pedrosa at Migo Adecer sa look test ng pelikulang Black Lipstick noong Marso 17, Linggo ng hapon, sa The PARC Foundation, San Juan City.

“Kasi po, close ko na po kasi sila. Kumbaga, andami na naming na-share na secrets, lalo na with Migo,” pahayag ni Kyline, na pagkatamis-tamis ng ngiti.

“So, kumbaga, parang... andami naming inside jokes. So, kumportable po talaga kami sa isa’t isa.”

Na-conscious ba siya mga tingin at titig ng dalawa, lalo pa’t sinabihan sina Manolo at Migo na ipadama sa kanya ang pag-ibig na wagas?

“Well, it’s more of sobrang kumportable na po talaga ako sa kanilang dalawa,” kaswal na sabi ni Kyline.

TELESERYE & MOVIE

Naunahan ni Kyline ang Kambal Karibal co-star na si Bianca Umali na magkaroon ng sariling teleserye (Inagaw Na Bituin) at pelikula (Black Lipstick).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong Marso 18, Lunes ng gabi lang nagsimula ang Kapuso series ni Bianca na Sahaya.

“Well, I’m just really blessed po and really thankful sa lahat ng blessings,” safe na pakli ni Kyline.

Sina Migo at Snooky Serna ay nasa cast ng Sahaya.

Kasama ni Kyline ang mga ito sa launching movie niya—“inagaw na co-stars”?!

“Inaaaayyy!” natawang hiyaw ni Kyline na napatungo at napatalikod bago nagpatuloy, “Diyos ko po! Well... artista po kami. Hindi naman po ako pumipili ng cast.”

Exciting ang Black Lipstick dahil millennial version ito ng blockbuster movie ni Snooky na Blusang Itim (1986).

Nag-cross fingers si Kyline at nag-wish na sana’y maging blockbuster din ang launching movie niya.

“I’m really excited din po and syempre, ahhhm, excited din po ako na matuto ng tips with Miss Snooky.”

Handa si Kyline sa prosthetics para pumangit siya sa nasabing fantasy movie, na ididirek ni Julius Alfonso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran ng young actress, “Well, sa Kambal Karibal po, nagkaroon po ng time na may sunog ako rito,” pagmuwestra ni Kyline sa kanyang pisngi.

“So, siguro po, doon, medyo nasanay na rin ako sa prosthetics.”

Bukod sa Inagaw Na Bituin, kasali rin si Kyline sa Studio 7 at Sunday PINASaya.

Okey lang sa kanya na mahirapan siya sa schedule ngayong meron pa siyang gagawing pelikula.

“Okey lang po sa akin, kasi, for me, this is professionalism. And this is what I love.

“And antagal-tagal na po, eight years, ito po ang inantay ko. So, kumbaga parang... it’s a blessing to me.

“And kumbaga, lahat ng projects po, lahat ng blessings na dumadating sa akin, ini-indulge ko lang siya.”

LOVE AND GUNS

At dahil bising-bisy siya sa trabaho, wala siyang time para sa love life?!

“Wala po akong time para sa love life!” mabilis at maigting niyang bulalas.

Hinahanap ba niya ang love life?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umiling agad-agad si Kyline, “Hindi ko po hinahanap because nakakatanggap po naman ako ng love from my sunflowers, from my family, from my whole team.

“And from my haters also!” pagbungisngis pa ni Kyline.

Siyempre pa, mamumukadkad ang alindog ng karakter ni Kyline kapag ginamit niya ang mahiwagang black lipstick. May pangarap ba siyang maging beauty queen?

“Wala po. I’d rather be a soldier than a beauty queen!”

Anong klaseng sundalo? Sa Navy, sa Army, sa Air Force?

“Ahhmm, siguro po, like, sa battlefield talaga. Kasi, medyo takot po ako sa tubig,” sambit ni Kyline.

“Charot! I love oceans! Siguro po, sa battlefield po talaga because I like watching documentaries about war, about... like crimes and all.

“So, na-in love po ako sa vision na magiging soldier ako.”

Isa nga sa mga pangarap niya ay maging action star.

“Like full-on action film, or full-on teleserye na aksyon.”

Mag-aaral siyang bumaril?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, dream ko po ‘yon na marunong bumaril.

"Even before po, I remember, when I was 10, ahhmmm... pinipilit ko po si Papa na mag-firing ako.

“Para matutunan ko kung paano bumaril. Even before po, boyish po talaga ako.

“Like, sa family side ko, puro po sila lalaki. Even my brothers po... so doon ko po siguro nakuha yung pagiging parang masculine.”

Boyish o sabihin na nating tomboyish si Kyline, nasisiguro ba niyang babaeng-babae siya?

“Yes po! Yeah!” masayang sagot ni Kyline.

Naku! Baka matakot o ma-intimidate na manligaw sa kanya ang boys kung ganyan na aksyun-aksyunan siya!

Nakangiti pa ring tugon ni Kyline, “Well, hindi ko po dapat ibaba ang sarili ko para sa kanila.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN