Teejay Marquez has no qualms doing intimate scenes with another actor

by Jerry Olea
Mar 21, 2019
Teejay Marquez on doing daring scenes: "Ako naman kasi, dumating na sa point na kung ano man ang ibigay sa akin na role, OK ako. Saka hindi na naman ako pabebe."
PHOTO/S: Jerry Olea

Pinaka-wild ang papel ni Teejay Marquez sa summer movie na G! LU.

Malamang sa alamang na kabugin niya ang mga kapwa bidang sina Kiko Estrada, Ruru Madrid, David Licauco, Derrick Monasterio, at Enzo Pineda.

“Feeling ko kasi, lahat ay may moments ng wild,” nakangiting sambit ni Teejay nang matsika ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa storycon nitong Marso 19, Martes ng hapon, sa Novotel Hotel, Araneta Center, Quezon City.

“Ako naman kasi, dumating na sa point na kung ano man ang ibigay sa akin na role, OK ako. Saka hindi na naman ako pabebe.”

Ipapalabas ang G! LU sa Netflix, kung saan OK lang ang matitinding eksena ng hubaran at lampungan.

It’s 2019. Kung meron naman akong napaghirapan, if I have it, I’ll flaunt it,” kaswal na pakli ng 25-anyos na si Teejay.

“Siguro naman, I’m old enough.”

Continue reading below ↓

Kaya ba niya ang intimate na eksena sa kapwa aktor, hindi aktres?

“Siguro, kung kasama sa istorya at maganda naman, OK lang ako,” mabilis na tugon ni Teejay.

“Ayoko pong sayangin na binigyan na ako ng pagkakataon. As long as maganda ang story, OK ako.

“Ayoko nang magpabebe.”

Ano ang hindi pa niya magagawang daring scene?

“Siguro, ngayon, wala munang frontal,” diretsong sagot ni Teejay.

“Hindi ko pa kaya. Maraming kontratang masisira!”

Iyon lang ang pumipigil kay Teejay para magbuyangyang sa pelikula.

Katuwiran pa ni Teejay, “Marami kasi akong mga follower, mga bata.

"So, baka magulat sila. Baka masyado silang ma-culture shock sa gagawin ko.

“Dahan-dahan!”

May love life ba siya ngayon?

“Kakahiwalay ko lang,” sambit ni Teejay.

“Kaya wala akong problema sa mga... wala akong kailangang pagpaalaman.”

Indonesian-Chinese Muslim ang ex-GF ni Teejay.

Continue reading below ↓

Nag-break daw sila bago siya umuwi sa Pilipinas.

Nang usisain namin si Teejay kung good kisser siya, nagpaka-safe siya ng sagot na itatanong niya after sa kahalikan niya.

Hindi pa ba sapat ang experiences niya sa pakikipaghalikan?

“Hindi ko kasi itinatanong pero nauulit naman lagi. So, feeling ko, nagugustuhan naman nila.

“Saka depende yun sa kinain mo.”

Anong kinain? Ano ba ang madalas niyang kinakain?

Pilyong pagngiti ni Teejay, “Joke lang! Kapag kumain ka ng halo-halo, malamig ‘yan pag nakipaghalikan ka.

“Pag kumain ka ng soup, mainit-init ‘yan.

"Pag kumain ka ng matamis, dessert, matamis yung lasa ng halik...”

At pag kumain ng menthol candy, nanunuot ang lamig!

“Minty-minty! Depende nga sa mood!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez on doing daring scenes: "Ako naman kasi, dumating na sa point na kung ano man ang ibigay sa akin na role, OK ako. Saka hindi na naman ako pabebe."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results