Richard Gomez hopes movie with Dawn Zulueta will happen this year

Richard Gomez on She’s Dating The Gangster lead stars Kathryn Bernardo and Daniel Padilla: “It’s actually a very good love team. Masang-masa ang dating ni Daniel at Kathryn and that’s what we all want.”


Maliit man ang naging role niya sa She’s Dating The Gangster, masaya na rin si Richard Gomez na mapabilang sa pinakahuling pelikula mula sa Star Cinema.

“It’s a short role but it’s good, it’s a good movie. It was nice working with Daniel [Padilla] and Kathryn [Bernardo],” bungad ni Goma (palayaw ni Richard) nang makausap ng entertainment press sa Yahoo Celebrity Awards noong July 18.

Paglalarawan pa niya sa tambalang Kathryn-Daniel, “It’s actually a very good love team. Masang-masa ang dating ni Daniel at Kathryn and that’s what we all want. I’m very happy for the both of them.”

Ibinahagi rin ni Richard kung bakit may positibong epekto ang pagkakaroon ng mas batang co-stars.

“You always like to get the energy from other people, especially the good vibes.”



RICHARD-DAWN TANDEM. Sa nasabing pelikula, balik-tambalan sina Richard at Dawn Zulueta.

Dekada 90 nang maging mainit ang tambalan ng dalawa na nauwi rin sa isang relasyon.

Pagbubunyag pa ni Richard sa pagsasama nila ni Dawn sa nasabing romantic movie, “Siguro it’s a prelude to something big.”

Nang inusisa siya kung nangangahulugan ba ito na magsasama sila muli ni Dawn sa isang acting project, pahayag ni Richard, “I was told that Star Cinema is preparing a movie for me and Dawn. I hope it happens this year.”

Samantala, tuloy pa rin ang shooting ng pelikula ni Richard kasama sina Gretchen Barretto, Jessy Mendiola, at John Lloyd Cruz.

“We’re doing one [movie], The Trial. We’ve started [shooting], directed by Chito Roño. Medyo mabigat yung movie, it’s an acting piece,” kwento ni Richard.

Dagdag pa ng aktor: “I think it will be the last movie for the [20th] anniversary presentation of Star Cinema.”


ON FRIENDS BONG AND JINGGOY. Inusisa rin si Goma tungkol sa kanyang mga kaibigang sina Senators Ramon “Bong” Revilla Jr., at Senator Jinggoy Estrada, na ngayon ay naka-detain sa Camp Crame dahil sa kasong plunder na may kinalaman sa P10-billion pork-barrel scam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel sad that they’re in jail now but I think it’s an opportunity for them to prove themselves that they’re not guilty of what's being accused of,” pahayag ng aktor.

Dugtong pa niya, “Mahaba kasi ang judiciary process na ‘yan, e. Right now, they’re being accused but they’re not yet guilty until matapos ang kaso. So we really have to wait and it might take long and it might take years bago natin malaman ang maging verdict nito.”

Tinalikuran ba niya ang pagkakaibigan niya sa kanila dahil sa pagkakasangkot nila sa isyu?

“Hindi naman. They’ve been my friends. [This is] an opportunity for them to prove themselves that they’re not guilty.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN