Direk Joey Reyes ecstatic over Grade A of "Katas ng Saudi" from CEB


"Gusto ko ring iparating sa pamamagitan ng movie sa mga kababayannating may kaanak na nagtatrabaho abroad na napakahirap ng buhay ng mgaOFWs na nagpapakahirap sa pagtatrabaho doon, na pagdating dito, angfeeling ng mga pamilya nila, namulot lang sila ng ginto doon at hindina mauubos ang kinita nila. Hindi nila naiisip ang lungkot na dinaranasdoon ng mga kaanak nila, yung iba nagkakasakit pa," says director Joey Reyes about his film, Katas ng Saud



Parang Pasko na raw agad ang feeling ng direktor na si Jose Javier Reyes nang malaman niyang nabigyan ng grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula niyang Katas ng Saudi mula sa Maverick Films starring Jinggoy Estrada and Lorna Tolentino. Ang Katas ng Saudi kasi ang unang natapos ni Direk Joey bago ang isa pa niyang 2007 Metro Manila Film Festival entry, ang Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joey noong December 13 sa Crustacia restaurant sa 3rd level ng Podium sa Ortigas Center pagkatapos ng press preview ng Katas ng Saudi.

"Nadagdagan ang saya ko nang mabigyan naman kami ng General Patronage [GP] classification ng MTRCB," sabi ni Direk Joey. "Nakausap ko nga after ng review nila ang isa sa nakapanood at umiyak daw silang lahat habang nanonood ng movie. Kumpleto na ang Pasko ko ngayong nagustuhan din ng mga press ang aming pelikula, at marami raw sa kanila ang umiyak sa mga eksena.

"Ngayon ko lang aaminin na nainis talaga ako nang malaman kong may naging problema ang negatives ng movie sa post-production. Kami ang unang-unang natapos at tama ba namang kami ang hindi maisa-submit dahil nagkaroon ng problema? Pero naayos naman nila at hindi na kinailangang dalhin ito sa Thailand. Binantayan nilang mabuti ang processing nito at ayos na ayos na. Kami pa rin ang unang nakapagpa-press preview," lahad ng multi-awarded director at scriptwriter.

Bukod sa pagiging direktor at scriptwriter ay line producer din si Direk Joey ng Katas ng Saudi.

"Matagal ko nang gustong gawin ito," sagot ni Direk Joey nang tanungin namin kung bakit Katas ng Saudi ang napili niyang i-line produce sa dalawang pelikula niya sa MMFF.

Patuloy niya, "Matagal ko nang naisulat ang script at tamang-tamang tinawagan ako ni Sen. Jinggoy through my friend Lynn Cruz, asawa ni Tirso Cruz III, na gusto raw niyang gumawa ng movie para sa mga OFWs at ako ang gusto niyang magdirek. Madali kaming nagkasundo ni Senator Jinggoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero alam ba ninyong naka-tatlong shooting days na kami ‘tapos ayaw ipatuloy ni former president Joseph Estrada dahil dapat daw ay magpapayat muna si Senador? Pumayag lang siyang ituloy ito nang sabihin kong tamang-tama lang ang katawan ni Senator Jinggoy sa role niya bilang amang nagtrabaho ng sampung taon sa Saudi Arabia bago bumalik sa bansa.

"Gusto ko ring iparating sa pamamagitan ng movie sa mga kababayan nating may kaanak na nagtatrabaho abroad na napakahirap ng buhay ng mga OFWs na nagpapakahirap sa pagtatrabaho doon, na pagdating dito, ang feeling ng mga pamilya nila, namulot lang sila ng ginto doon at hindi na mauubos ang kinita nila.

"Hindi nila naiisip ang lungkot na dinaranas doon ng mga kaanak nila, yung iba nagkakasakit pa. Alam ko ito dahil may kapatid din akong nagtrabaho sa Saudi Arabia noon na umuwing may sakit. Kahit gumaling din siya, hindi na siya naka-recover hanggang sa iyon na ang ikinamatay niya," pahayag ni Direk Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN