Raymond Bagatsing impressed by The Janitor co-stars Dennis Trillo and Derek Ramsay

Raymond Bagatsing is cast as one of the bank robbers in Cinemalaya 2014 entry The Janitor. (To learn more about the entries of Cinemalaya X, CLICK HERE)


Bilib si Raymond Bagatsing sa mga artistang nakatrabaho niya sa dalawang indie films na kanyang ginagawa. Ang tinutukoy ng premyadong aktor ay ang mga co-stars niya sa Of Sinners and Saints at ang Cinemalaya 2014 entry na The Janitor.

Ang Of Sinners and Saints ay tinatampukan nina Polo Ravales, Chanel Latorre, Richard Quan, at ng Italian-Filipino actor, director, at producer na si Ruben Maria Soriquez na siya ring lead star ng naturang pelikula. Balak itong isali sa Metro Manila Film Festival-New Wave Category this year.

Ang ikalawa naman ay ang pelikulang The Janitor na tinatampukan nina Dennis Trillo at Derek Ramsay.

Magkaiba ang ginampanan niyang papel sa dalawang pelikula. Sa Of Sinners and Saints, isang pari ang role ni Raymond at bank robbery suspect naman si Raymond sa Cinemalaya 2014 entry na The Janitor.

“I play a Spanish priest who has been the Head Priest of Payatas parish for ten years from Spain.

“This is my second time as a priest. The first was with Direk Celso Ad Castillo sa pelikulang Sanib with Aubrey Miles,” pahayag ni Raymond nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa pamamagitan ng Facebook.

Dagdag pa niya, “I am excited about this film because of the European directing style of Ruben. It is not a surprise being Italian himself. He is a natural actor and a very sensitive one.

“I respect him for being a multi-tasker filmmaker: he directs, acts and produce. Siya rin ang nag-co-write ng movie ng ito,” pahayag pa ni Raymond patungkol kay Ruben.

“This is probably my fifth indie film. Ang fourth is The Janitor by Mike Tuviera. Nasa post-production pa kami and entry ito sa Cinemalaya this year,” pahabol pa niya.

Nasabi rin ni Raymond na masarap kaeksena ang artista ng Of Sinners and Saints dahil very professional at magagaan daw sila katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pari na may asawa at anak ang role ni Richard dito samantalang si Direk Ruben ay pari na mayroon namang hindi magandang nakaraan.


Sa tingin mo kaya ay hindi ito maging kontrobersiyal dahil medyo sensitive ang tema ng movie?

“Yes, I believe this is a sensitive issue, but one that must surely be faced and addressed. This is the only way to understand both sides. In this way, we can avoid blind judgement.”

Para sa Cinemalaya entry na The Janitor, ano naman ang masasabi niya tungkol kina Dennis at Derek?

“Magagaling sina Dennis Trillo at Derek Ramsay dito. Talagang pinaghandaan nila iyong kanilang roles.

“First time yata nagkontrabida ni Derek dito at first time naman sumabak sa heavy fight scene si Dennis dito sa pagkakaalam ko.

“I am happy and proud to have had a chance to work with them on this project. I am thankful to Direk Mike Tuviera for including me in his dream Cinemalaya project. Matagal na kasi niya itong naikuwento sa amin, during The Good Daughter [now defunct GMA-7 teleserye] pa.”

Pahabol pa niya patungkol sa kanilang direktor dito, “Ang galing ng style nang directing ni Direk Mike Tuviera dito sa Janitor. I believe, kakaiba ito sa mga bank robbery films na nagawa dito sa Philippines.

“Sa mga fight scenes na lang at pagkuwento, ibang klase ito.”

Sinabi rin ni Raymond na bilib siya kina Dennis at Derek dito. “I like Dennis Trillo's attack with his role as the janitor here, very subtle at sensitive. Hindi iyong super hero na action star. Actor pa rin and atake niya rito bagama't maraming action ang movie na ito.

“Si Derek naman, talagang kakaiba din ang portrayal niya ng kanyang character dito. May pagka-psychotic naman siya rito.”

Nabanggit pa niyang hindi ito ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng entry sa Cinemalaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi yata ito ang first time ko sa Cinemalaya… I think yung dinirek ni Benito Bautista na Boundary, nagka-award yun sa Cinemalaya a few years back.


[Ang Boundary ay nanalo ng NETPAC Award sa 2011 edition ng Cinemalaya]

“Also, I had a cameo sa [Cine Filipino entry] The Guerilla is a Poet.”

FULFILMENT FROM INDIE FILMS. Aminado rin si Raymond na masaya siya kapag gumagawa ng indie movies kahit pa hindi ganoon kalaki ang bayad dito.

“Enjoy magtrabaho sa indie films kasi kumbaga, ito iyong entablado para sa mga serious actors and filmmakers, e. Malalim ang mga characters dito kadalasan at talaga namang pinag-iisipan nang husto ang mga ito ng ating mga indie filmmakers.

“Ang advice ko lang sa mga TV actors, na mag-indie every now and then, in order to renew their craft and focus on being a true actor on the set of an indie film.

“Kasi, dito mo mabibigyan nang hustong detalye ang pagganap dahil may panahon para paghandaan ito nang husto,” seryosong saad pa niya.

Nabanggit din ni Raymond na hindi kaso sa kanya kung mababa man ang bayad sa mga indie movies.

“Okay lang naman, kasi ay talaga namang hindi masyadong kumikita and mga indies. Kaya't for the sake of art na lang ito talaga and for the love of it.

“Ang pagkakaalam ko, unti unti na tayong nagiging aware sa art ng indie fims. It offers original story lines and the filmmakers are giver creative control over their films.

“This offers much creative freedom of expression. We can all learn from these movies which are not only focused on main stream money making, but more importantly on the art of films.

“I believe we should use this well in order to awaken, educate, and mirror our Filipino states-of-mind at present.”

Si Raymond ay nagwaging Best Supporting Actor sa FAMAS at Film Academy of the Philippines awards noong taong 2000 para sa pelikulang Soltera na pinagbidahan ni Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang ulit naman niyang nakopo ang Best Actor Award sa Gawad Urian. Noong 1998 para sa pelikulang Milagros na tinampukan ni Sharmaine Arnaiz at sa Serafin Geronimo: Ang Kriminal ng Baryo Concepcion noong 1999.

Lastly, balak din ba niyang mag-direk ng pelikula someday?

“Yes, I will be directing in time, I believe. No concrete plans yet, but I can envision myself directing someday, with the right project and timing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN