JC de Vera opens up about love scene with Erich Gonzales

JC de Vera (right) shot a love scene with Erich Gonzales for the movie Once A Princess. They are joined in this photo by Enchong Dee (left), their co-star in this film directed by Laurice Guillen.


Hindi mako-konsidera ni JC de Vera na pinaka-passionate love scene na ginawa niya with Erich Gonzales para sa pelikulang Once A Princess.

Daring na rin kasi si JC para sa ABS-CBN afternoon series na Moon of Desire, pero ito ang unang beses na naging daring ang aktor para sa pelikula.

Produced by Skylight Films (a subsidiary of Star Cinema), ang kuwento ng Once a Princess ay hango sa isang Precious Hearts Romances novel.

Kumustang ka-love scene si Erich Gonzalez?

“Si Erich, wala kaming feeling of process. ‘Di ba, kapag bagong ka-eksena, nagkakailangan kayo, ayaw niyong parang makipag-usap pa sa isa’t-isa,” lahad ni JC ng nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Once A Princess na mapapanood sa mga sinehan simula August 6.

Ayon pa kay JC, “And, sa pagkakaalala ko, ang unang ginawa naming scene, yung love scene which is, mahirap din sa part naming dalawa dahil kailangang mapalabas naming mag-asawa kami. Hindi naman kami personally magkakilala.

“Ang nangyari sa scene, pareho pa kaming napagaan namin ang loob ng isa’t-isa and it turned-out na, wow, para kaming mag-asawa pala.”

Pero kung titingnan niya, sino kaya sa kanila nila Erich yung nailang kahit paano?

“Actually, wala… kung anuman ang level of acting na naibigay ko, siguro, mas nahigitan pa ni Erich. Parang ganun.”

Paano niya ide-describe ang love scene nilang dalawa ni Erich?

“Meaningful,” saad niya.

“Kasi, hindi lang siya basta love scene na ginawa dahil gusto niyo lang maghalikan, gusto niyo lang mag-make-love. Ginawa yung love scene dahil may pagmamahalan talaga. Meron kayong pinaglalaban at meron kayong gustong ipakita sa isa’t-isa na ikaw lang ang taong mamahalin ko.”

Matagal ng magka-loveteam sina Erich at Enchong Dee na mga co-stars niya sa pelikula sa ilalim ng direksiyon ni Laurice Guillen.

Pero kahit daw siya ang bago sa team-up nilang tatlo, naging kumportable raw agad si JC sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Very comfortable ako sa kanila. The first time na pumunta ako sa set para mag-shoot nga with them, wala, e, pinaramdam nila sa akin na hindi ako iba. Pinaramdam nila sa akin na part ako ng story at nag-alok pa sila ng foods sa akin na sabay-sabay kaming kumain para magkakilala tayo.

“Pinagaan nila ang mundo ko.

“Hindi lang actually yung treatment nila sa akin off-cam kung hindi yung treatment nila sa akin on-cam, naging very generous sila sa akin sa pagbigay ng emosyon nila.”

Wala bang naging sapawan sa kanilang dalawa ni Enchong?

“Wala, wala, mataas ang respeto ko kay Enchong at saka kay Erich and I know, they are very professional sa mga ginagawa nila. Walang ilangan din. Never kaming…kapag meron siyang time to shine, kailangan talaga naming ibigay ang support na yun sa kanya.

“And, with Direk Laurice naman, binibigyan niya kami ng time to shine. Lahat kami, may kanya-kanya kaming moments sa movie na puwede naming i-flaunt kung ano ang kakayahan namin. Walang nangyaring sapawan, lahat kami may teamwork.”

Kahit halos wala na raw siyang libreng araw, masaya talaga si JC na hindi lamang siya sa telebisyon visible at aktibong napapanood.

Masaya siya na kahit sa pelikula ay napapanood siya ngayon.

Sabi nga niya, “Oo naman, wala naman akong hinihingi pang iba. Overflowing siya. Sunod-sunod, ‘di ba? Wala ako sa posisyon na mag-reklamo kasi, minsan lang ang ganito.”

Kumpleto na ba para sa kanya ang buhay niya ngayon?

“Kumpleto, kumpleto siya. Hindi ako naghahangad ng sobra pa sa kung ano ang meron ako ngayon.”

Kapag sinabing kumpleto, meron na rin lovelife, merong girlfriend?

Nangiti naman niyang sagot, “Not necessarily naman na kailangan ko ng lovelife for now. Katulad nga ng sabi ko, magagandang opportunity na dumarating ngayon and marami akong dreams na gustong marating since nandito ako sa posisyon na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami, marami akong goals pa.”

Hindi niya naiisip ang lovelife?

“Naiisip ko, namimiss ko actually,” nakangiting lahad niya.

Paano kapag namimiss niya?

“Text-text na lang,” natatawang sagot niya.

May ka-text naman pala siya?

“Yun nga, e, minsan nga, wala. Kaya malungkot pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN