Real-life couple Gabbi Garcia, Khalil Ramos test their on-screen chemistry

IMAGE Noel Orsal


Bida ang real-life sweethearts na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia sa LSS: Last Song Syndrome, isa sa walong official entries ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), na gaganapin sa Setyembre 23-19, 2019.

Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahan sa presscon ng PPP 2019 nitong Marso 28, Huwebes, sa Gloria Maris, Gateway Mall, Araneta Center, QC.

PEP: Nahirapan ba kayong umarte sa gitna ng pagkakaroon ninyo ng relasyon?

GABBI: Noong una, nahirapan ako sa fact na hindi ko pa nakakatrabaho si Khalil. Hindi ko alam kung paano siya magtrabaho. Hindi ko pa siya kilala bilang ganun. Doon naman po sa side na mahihirapan ako bilang karelasyon ko si Khal, feeling ko, hindi naman po. Kasi, iba rin yung naging foundation ng relationship namin, and work is definitely separated from our relationship. Hindi siya naging hindrance sa amin.

KHALIL: When it comes to actually working with her, ang challenge for us is to know if are we are actually effective on screen as a couple or can we actually portray our roles well. Sobrang anxious ko noong first few shooting days. Lagi kong tinatanong si Direk Jade [Castro], "OK ba? Nagwu-work ba kami?" Hindi namin alam kung nagwu-work ba kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GABBI: Kung may chemistry ba?

KHALIL: ...is one thing to create chemistry with someone you’re not really in a relationship with. Pero kami kasi, hindi namin alam kung yung chemistry ba namin in real life, is it actually effective in front of the camera. Or can we actually create chemistry for these characters? It was a challenge for us. OK naman. It paid off. We got really good feedback from the producers, from our director.

PEP: Alin yung mga part sa shooting na naiilang kayo sa isa’t isa?

KHALIL: Actually, in general lang. Actually, in front of the camera…

GABBI: Yeah, together…

KHALIL: Yung kabatuhan ng linya, kasi, hindi namin talaga ginawa yun ever since.

GABBI: Yeah, especially scenes where we just talk, yung walang masyadong mabigat na eksena. Yung usap lang. Honestly, doon ako mas nahihirapan, kasi you should be different. Hindi dapat Gabbi, Khalil. Ang hirap sumakay sa character na kilang-kilala mo yung tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP: May kissing scene?

KHALIL: Secret. Ha! Ha! Ha! Ha! Well, ako, in my case, hindi ko first. Meron akong kiss sa Riding In Tandem. Abangan niyo na lang kung meron.

GABBI: Wala pa po akong go-signal from GMA-7. Hindi ko pa po malalaman. Hindi ko pa po alam kung oo o hindi.

PEP: Gabbi, OK lang ba sa ‘yo ang kissing scene?

GABBI: Since this is my first film, PPP pa siya, let’s see kung pasok na pasok siya sa script. If it’s really for the story and for the character, then I will be willing to do it.

PEP: Kaya ba tinanggap ninyo ang movie ay para mas madaling tanggapin ng publiko ang inyong relasyon? Hindi kasi kayo love team at magkahiwalay kayo ng network.

GABBI: We’re not asking naman for their approval actually. It’s OK for us naman. Basta kami, we’re happy, we’re working together. Hindi na kami masyadong nakikinig sa ibang tao. We don’t ask for their approval. This movie is not actually about our relationship. It’s really about the story talaga. It’s a story you should watch out for. Hindi naman ‘yung relasyon namin or whatsoever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP: (to Gabbi) Sa open forum kanina, sinabi mong mahaba ang prosesong pinagdaanan bago tinanggap ng GMA Artist Center ang project na ito.

GABBI: First siguro, hindi naman sa nahirapan. Of course, medyo mahabang proseso dahil hindi sila maka-decide if it’s the right thing to do for my career path, if it’s on the right timing or is it the proper movie for me, of how they market me. Ako kasi, I told them wholeheartedly na I wanted to do the movie not because of Khalil. I really wanted to do it because of the story, may music, e. Sobrang malapit ako sa music. So, may acting na, may music pa. It’s the perfect film talaga to do as my first film.

PEP: Nasabi ninyo sa previous interviews na open kayong magtrabaho with each other....

KHALIL: We are open pero personally, kami. Parang at first...

GABBI: Kaya ba? Parang...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KHALIL: Siguro, it’s not a priority muna. Siguro, kung may opportunity, pag-iisipan namin.

GABBI: Kami kasi, yung relationship namin, hindi kami nakikialam sa work ng isa’t isa. We have our individuality when it comes to our respective career. We don’t meddle with each other.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN